☆MATTEO's POV☆
Pagdating sa kwarto ng kapatid ko ay nakita kong bukas ang pinto kaya tumuloy nalang kami ni Steffi.
CHARACTER UPDATE:
Song Hye Kyo as (Thania): Siya ang nakakatandang kapatid ni Matteo. Nagshape-shifted siya bilang lalaki at naging bodyguard ni Steffi na nakilala natin bilang si Nathan. Ngayong nabunyag na ang kanyang sikreto ano kaya ang magiging epekto nito?
"O-M-G!" Sabi ni Steffi.
Nakita niya kasi ang isang babae na nakahiga sa kama. Walang suot na damit buti nalang ay nakakumot siya.
Tinignan ako ni Steffi.
"Sino siya? Babae ni Nathan?" Tanong sa akin ni Steffi.
"Hindi niya babae 'yan. Si Nathan 'yan." Sagot ko.
Tinignan ako ni Steffi. Hindi mapinta sa mukha niya ung pagkagulo ng isip niya. Tinitigan niya yung babae. Tapos napakamot pa siya sa ulo niya.
Tinignan niya ulit ako.
"Walang biro! Di nga?! Medyo pamilyar mukha niya eh. " Sabi sa akin ni Steffi na nanlalaki pa ang mga mata.
"Si Nathan yan Steffi. Walang biro. "
"What?!! 'Yang babae na yan ay si Nathan?! " Naguhuluhan niyang sinabi. "Paano nangyari yun?" Dagdag pa niya.
Sasagutin ko na sana siya ng magising na si Ate. Nagulat siya ng makita niya kami pagkabukas ng mata niya.
"Matteo? Steffi? Kayo pala. Ba't di man lang kayo nagpasabi na pupunta kayo. "
"Gusto ka sana naming surpresahin ni Steffi. Eh kaso parang siya yung nasurpresa. "
Napatingin si Ate sa salamin sa tabi niya. At tinignan ako. Napangiti siya sa akin.
"Matteo bistado na tayo. Labas muna kayo at magbihis ako. "
Tulala si Steffi at hindi parin makapaniwala. Hindi niya pa din gets yung mga kaganapan. Kung baga nagproprocessing pa.
Pagkatapos magbihis ni Ate lumabas siya agad sa kwarto niya at pinuntahan kami ni Steffi sa sala.
"Ayos na ba pakiramdam mo? " sabi ko.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...