☆PETER'S POINT OF VIEW☆
Noong gabing iyon ay hindi ko inaasahan na mangyayari yung mga ganoong pangyayari. Akala ko sa wakas ay nabawasan na ang mga iniisip ko na nakakastress dahil kakatapos palang noon nung isang kaso na hawak ko. Noong marinig ko ung balita, hindi ko maipaliwanag ang kaba na naramdaman ko. Dahil siguro alam ko na ung taong iyon ay nakayang pumatay ng mga tao. Na kahit pamilya niya ay kaya niyang patayin basta masunod o makuha lang ang gusto niya. Kung mismong kuya niya ay nagawa niyang patayin ng walang kahirap-hirap, papaano pa kaya ang mga taong malayo sa kanya. Unang pumasok sa isip ni Lucy ang kaibigan niya na si Steffi. Dahil minsan nang nalagay sa kapahamakan ang buhay niya sa kamay ni Jackson Lee.
Noong nagring ung cellphone ko, na-isip ko na huwag na itong sagutin. Hindi ko expect na ganito pala ang buhay ng isang prosecutor. Na hindi lang ang buhay ko ang pwedeng mapahamak gayundin ang buhay ng pamilya ko at mga mahal ko sa buhay. Pagkasagot ko sa cellphone ko narinig ko ang boses ni Detective Park. Sinabi niya sa akin ung nangyari. Ramdam ko ang takot niya dahil nanginginig ung boses niya.
Napag-usapan namin na magkita upang gawin ang dapat naming gawin. Pagkadating namin kung saan nakakulong si Jackson Lee ay napakadaming reporters, nakapa-ikot din ang napakaraming mga police cars na naghahanda sa gagawin na pag-hahanap kay Jackson.
Pagpasok namin sa loob, napansin ko na halos lahat ng pulis na nakaduty at nagbabantay sa oras na iyon ay parang litong-lito. Para bang kagigising lang nila at hindi nila alam ung mga nangyari.
Ginawa namin ang aming trabaho. Nagimbestiga kami kung papaano nagawang makatakas ni Jackson Lee. Isa-isa naming ininterview ang mga officers na nakaduty sa mga oras na nangyari ang pagtakas. Pero bigo kaming makuha ang sagot. Pati mga CCTV cameras ay walang naitulong.
"Anong ginagawa mo noong oras na makatakas si Jackson Lee?" Tanong namin ni Detective Park sa bawat officers.
"Nakatayo lang ako malapit sa pasukan. Tapos pagkurap ko narealize ko na wala na ako sa lugar kung saan ako nakatayo kanina." sabi ng unang ininterview namin.
"Chine-check ko lang ung mga records tapos hindi ko na alam ung sumunod na nangyari. Natatandaan ko nalang ung pagkakagulo ng mga katrabaho ko. Sinabi nila nawawala daw si Jackson." sagot pa ng isa.
"Nakaramdam ako ng pagkahilo, hindi ko alam kung bakit para bang nawala ako sa sarili ko ng ilang oras. At hindi ko maalala kung ano ang ginawa ko." Sagot ng huli naming ininterview.
Lahat sila iisa ang sagot. HINDI DAW NILA MAALALA. Napakaweirdo ng mga sagot nila at sigurado ako na ang kasong ito ay hindi basta-basta.
Balik kay Steffi ...
Noong gabing din iyon nakauwi ng ligtas si Steffi. Siya lang ang tao sa loob ng condo ni Matteo. Wala din ang mama niya sa kabilang condo dahil umuwi siya sa bahay nila dati. Si Yuan naman ay napakabusy, nandoon siya sa rest house na nabili niya kung saan tanaw ang malawak na kalangitan at mga bituin pag gabi.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...