38th Record: LEVI (Confessed)

195 8 0
                                    

Character Update:
Nam Joo Hyuk as Levi- isang swimmer athlete sa Seo University. May gusto siya kay Soffi. May pagkaseryoso pero makulit.

Hi ako si Levi! Swimmer ako sa SEO university. Dahil isa akong athlete scholar madalas akong excuse sa klase dahil may practice okaya naman ay may competition.

Masaya ako sa paglangoy! Kapag nasa tubig na ako hindi ko namamalayan na nawawala na sa isip ko yung mga problema ko.

Dahil nga madalas akong wala sa klase hindi ako masyadong kilala ng mga kaklase ko. Wala din akong masyadong nakakaibigan dahil wala naman akong time para makipagbonding sa kanila dahil nga puro practice practice practice.

Kakalipat ko lang sa apartment ko. Kumuha ako ng apartment na malapit sa SEO University. Gladly, meron akong nakita at walking distance lang talaga mula sa apartment hanggang sa school.

Isang linggo akong wala sa klase noon. Nalate akong pumasok dahil sa mga requirements na kailangan. Transferee din kasi ako. Tapos may singit pa na mga practice doon. Kaya ang hectic talaga ng schedule ko. Pagka-Monday sa wakas makakapasok ako sa school dahil walang practice at rest day na din. Maaga akong gumising. First day ko kasi sa klase. Nag jojogging ako every morning bago pumasok sa school. Nakasanayan ko na din kasi. Pero noong napadaan ako sa isang street malapit sa amin may biglang lumabas na aso sa gate.

Tahol ng tahol yung aso habang hinahabol ako. Sa katunayan takot ako sa aso kaya tinodo ko talaga yung pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinahabol pero mukhang ang bangis nung aso. Tumakbo ako hanggang sa hindi nako pamilyar sa daan dahil bagong lipat palang ako.

Lumiko ako sa kanan pero kamalasan dead end. Napatingin nalang ako sa aso na tinatahulan pa din ako. Tumakbo yung aso papunta sa akin. Nakita ko na malapit na malapit na siya.

"Mimi!" Sigaw ng isang babae.

Biglang natahimik yung aso at lumingon doon sa babae.

Tinignan ko siya at mukhang pagod na pagod. Hinabol niya ata talaga yung aso.

Lumapit yung aso doon sa babae.

"Pasensya na po kayo. Nakatakas kasi tong si Mimi. Talagang nanghahabol lang naman ito pero hindi naman nangangagat. Mukhang gusto niya lang makipaghabulan sayo." Paliwanag niya.

Ako naman ito hingal na hingal pero hindi ko pinakita na natatakot ako siyempre.

"Wala yun. Mukha naman siyang mabait. Kaya nagpahabol talaga ako." Sabi ko.

"Mukhang bago ka ata dito? Hindi pamilyar yung mukha mo."

"Oo halos kakalipat ko lang last month."

"Ah kaya pala. Osige pasensya na ulit ha. Pagsasabihan ko si Mimi kabalik namin sa bahay."

Saka niya nilagay yung tali sa aso at umalis na.

Dahil hindi pa ako nakakarecover sa nerbyos nakalimutan ko tuloy na itanong yung pangalan nung babae. Ang ganda niya. Ngayon lang ako nakakita ng babae na ganun kaganda.

After non ay umuwi na ako agad at nagshower. Pagkatapos ay pumasok na ako ng school.

Nagpakilala ako at unang una kong napansin yung pamilyar na mukha nung babae na kaklase ko. Nakaupo siya sa harap. Nakatingin siya sa akin at mukha pang natatawa.

Naalala ko siya bigla. Oo siya nga yun. Yung babae na amo ni Mimi. Yung aso na humabol sa akin kanina.

Dahil active sa klase yung babae nalaman ko agad yung pangalan niya. Siya pala si Soffi.

Napakatalino at napakasipag niya. Sinabi ko sa sarili ko na ibang klaseng babae ito. Minsan lang ako makakahanap ng ganito. Mula noong araw na iyon ay hinangaan ko na si Soffi.

Dahil wala ako sa klase masyado hindi ko siya masyadong nakaclose. Tahimik lang kasi ako. Kung walang kakausap sa akin hindi ko sila kakausapin. Reason din yun kung bakit konti lang yung mga kaibigan ko.

Sa tuwing may klase ako siya lang tinitignan ko. Lumipas ang mga araw at buwan, hindi ko namalayan na nahuhulog na ako sa kanya. Kahit na hindi niya man ako masyadong napapansin at hindi din kami nagkakausap. Nagdecide ako na gumawa ng action. Nagdecide sabihin yung feelings ko sa kanya. Para mapansin niya naman ako maski papapaano.

Bumili ako ng sampung rosas noong araw na iyon. Habang lunch break ay nilagay ko iyon sa desk niya. Naglagay din ako ng letter sa locker niya. After ten days ano man ang mangyari ay magtatapat na ako sa kanya.

Lumipas ng napakabilis ang mga araw dahil may practice kami pumupunta ako ng maaga sa school para malagay yung rosas sa desk niya.

This is the tenth day na binigyan ko siya ng oras. Isang rosas nalang ang natitira. Ginawa ko ito para naman maexcite siya na makilala ako.

Maagang natapos yung practice namin. 4pm palang ay nagpunta na ako sa library.

Pagka 5pm hinanda ko na ang sarili ko. Nilakasan ko na ang loob ko. Inabangan ko yung bawat pumapasok sa library.

Sa wakas dumating din si Soffi at kasama niya yung kaibigan niya.

Ngumiti ako sa kanila. Tumayo ako at lumapit si Soffi sa akin.

"Levi bakit nandito ka? Wala ka bang practice ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Soffi nandito ako para sabihin sayo ang lahat."

"OMG Levi ikaw nga yung admirer ni Soffi?!" Singit ni Shey na napaka awkward.

"Sa akin galing yung mga roses na nakapatong palagi sa table mo." Paliwanag ko.

"Osya maiwan ko na kayo." Sabi ni Shey sabay tapik sa balikat ko.

Kami nalang ni Soffi ang naiwan umupo kami saka nag-usap.

"Kumusta?"

"Ayos naman." Nahihiyang sagot ni Soffi.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa ah. Soffi gusto kita. Simula palang noong una kitang makita kasama si Mimi. Nagustuhan na kita."

Hindi kumikibo si Soffi.

"Soffi handa akong maghintay sa sagot mo."

"Ummm Levi. Salamat!" Ngumiti siya sa akin at hindi ko alam ang ibig sabihin non.

"Salamat for what?" Tanong ko.

"Thanks for admiring me. Pero parang napakabilis ng lahat. Gusto kitang maging kaibigan Levi." Nakangiti niya paring sinabi.

Hindi ko alam kung positive or negative feedback yun. Hindi ko alam kung na-friendzone ba ako or what. Pero hindi pa din ako susuko. I'll take this as an opportunity para mapalapit kay Soffi.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon