☆MATTEO'S POINT OF VIEW☆
Noong nakapag-ipon na ako ng lakas. Sinikap ko talagang makahanap ng paraan para makabalik sa Earth. Sa mga pag-aaral na ginawa ko. nalaman ko na ang tanging paraan para makapunta sa Earth ay sa pamamagitan ng isang wormhole.
Ipinagco-connect ng isang wormhole ang dalawang magkabilang lugar sa kalawakan. Sa pamamagitan ng wormhole nagpapangyari ito na maging isang shortcut na magpapaiksi sa oras ng paglalakbay at sa layo.
Kinakailangan kong maghanap ng isang wormhole na nakaconnect sa Allho at sa Earth para muli akong makabalik kay Steffi.
Ang paglalakbay sa pamamagitan ng isang wormhole ay hindi biro. Napakataas ng percent na pwedeng mangyari ang mga delikadong bagay gaya ng pag-collapse nito, maexpose sa high radiation at delikadong contact sa exotic matters.
Sa kabutihang palad agad akong nakahanap ng isang wormhole papunta sa Earth.
Pero sa unang beses ay limang segundo lang ang tinatagal ko sa Earth dahil hinihigop ako nito pabalik sa Allho, kung saan ako nagmula. At nangyayari ito kapag nauubusan ako ng energy para labanan ang lakas ng paghigop nito.
Kinakailangan ko munang mag-ipon ng lakas sa Allho bago ako makapagtravel muli. Kung gaaano karaming energy ang naipon ko, ganoon din ako katagal pwedeng manatili sa Earth.
Noong nakapag-ipon na ako ng lakas para makatagal sa Earth sa loob ng isa at kalahating taon ay nalaman ng nakatatanda kong kapatid ung ginagawa ko paglalakbay gamit ang wormhole.
Noong nanghihina ako noon siya lang ang lagi kong kakwentuhan . Alam na niya ang halos lahat ng nangyari sa akin sa Earth at lalo na yung tungkol kay Steffi.
Noong nalaman niya na pupunta ako sa Earth nagpumilit siya na isama ko daw siya dahil gusto niya din daw maranasan yung mga naranasan ko sa Earth. At gustong-gusto niya daw makilala si Steffi.
Hindi ako makatanggi sa kanya dahil napakakulit niya at may utang na loob ako sa kanya. Dahil sa pag-aalaga niya sa akin noong naghihina ako at wala akong kalakas-lakas. Hindi niya ako iniwan o pinabayaan man lang.
Kung pupunta siya kasama ko makapapanatili siya doon ng higit na matagal kaysa sa akin dahil punong-puno pa siya ng lakas. Kaya sinabi ko na isasama ko siya kung papayag siya sa kundisyon ko.
"Matteo! Isama mo na ako, Sige na!"
"Isasama kita kung papayag ka sa kundisyon ko."
"Sige, Sige. Ano yon?"
"Si Steffi... Ingatan mo siya at protektahan kapag wala ako."
"Sige, Pangako yan Matteo! Akong bahala!"
Pagkatapos noon ay naghanda na kami at naglakbay na papunta sa Earth.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...