☆MATTEO'S POINT OF VIEW☆
Nakabalik ako ng maayos. Hindi ko alam kung paano ito ipaliliwanag.
“Bumalik nga sya, pero nawala din siya bigla.” Sabi ni Steffi.
3 years ago na ang nakaraan, noong ako ay umalis sa Earth. Nahigop ako kung saan, papunta sa aming planeta. Tinatawag ito ng mga tao dito sa Earth na isang wormhole. Pagkatapos kong makabalik sa planeta ko at nakarecover saka nakaipon na din ng lakas ginawa ko lahat ng aking makakaya para makabalik sa piling ng mahal ko na si Steffi.
Hindi ko kailangan ang mahabang oras doon sa planeta ko. Ang kailangan ko ay ang maiksing oras dito sa Earth kasama ng mahal ko.
Ako nga pala si Matteo Do. Muli nyo sana kaming samahan kasama ng aking mahal na si Steffi sa ikalawang kabanata ng aming buhay.
Matapos kong subukan ng maraming beses. Nagawa ko din makabalik sa unang pagkakataon. Pero maari lang akong manatili sa loob ng lima hanggang sampung segundo.
100th day anniversary namin noong unang beses kong nagawang makabalik. Nagawa kong magpakita kay Steffi pero nawala ako bigla nang hindi man lang nakakapagsabi ng kahit isang salita.
"Sabi ko na hindi ako nagkamali noon, at hindi ako nagdedelusion." sabi ulit ni Steffi
Sa pangalawang pagkakataon nagkaroon ako ng sapat na oras para makapagsalita. Pero hindi ito sa harap ni Steffi.
Dinidilig noon ni Mr.Jang ung mga halaman sa loob ng apartment ko.
"Maayos na siguro ang lahat. Makakahinga na din ako ng maluwag." Sabi ni Mr. Jang
Tinawag ko sya sa kanyang pangalan. Sabi ko "Mr.Jang!"
"Ano?" Sagot niya. Humarap siya sa akin at nagulat. Pero hindi na ako nakasagot dahil bigla nanaman akong nawala.
Matapos kong subukan ng di mabilang na ulit, at matapos kong mabigo ng di rin mabilang na beses ay may natakot pa ako ng hindi sinasadya.
Bigla akong napunta sa kulungan ni Jackson Lee. Nagulat siya sa akin at nasabi nya bigla ang aking pangalan.
Tinanong ko sa kanya kung wala na ba sa kanya ang lahat? Ang pera, pamilya, kasikatan, at ang mga tao niya. Sinabi ko din na nagpunta ako doon para matiyak iyon.
Kahit bigla akong naglalaho ang mahalaga ay nakapananatili ako dito sa Earth nang patagal na patagal.
"Oo un ang mahalaga. Sa katunayan nagsstay na siya dito sa loob ng 1 year and two months." Singit ni Steffi na sobrang saya.
Nakaupo kami noon. Nagbabasa ako ng libro. Nakatingin si Steffi sa langit, sa mga bituin at alam ko kung ano ang iniisip niya. Pagkatapos niyang sabihin na sobrang saya niya. Sa kasamaang palad ay bigla akong nawala.
☆STEFFI'S POINT OF VIEW☆
Pagnaglalaho o nawawala bigla ang mahal mo nang wala man lang pasabi parang bula ay mahirap?
Syempre... Napakahirap.
Pero sa pamamagitan non. Lalo ko siyang minahal at lalo siyang napamahal sa akin. Dahil bawat moment na magkasama kami ay pwedi nang maging huli. At dahil nga doon ung bawat moment na iyon ay nagiging mahalaga para sa amin.
Habang nagpapahinga kami ni Matteo noong gabing iyon. Nakita ko na bakas sa kanyang mga mata ung kasiyahan niya. Nagbabasa siya ng aklat noon na tungkol sa isang kuneho. Tumingin ako sa taas, sa langit. Tanaw ko ang mabituin na kalangitan.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...