40th Record: (Played)

202 8 0
                                    

Soffi's POV

Hinawkaan ni Levi yung kamay at hinila ako noong papasok na kami sa Gubat. Noong naglalakad na kami ay ninitawan niya naman ito. Eto naman ako walang magawa.

"Galingan natin ah." Sabi niya.

"Oo naman sayang yung reward."

"Soffi huwag kang hihiwalay sa akin ah delikado kasi dito."

Alam ko bakit naman ako lalayo baka maligaw pa ako.

"Ah sige." Sagot ko.

Tinignan ko yung orasan sinigurado na dapat before 10 minites ay makabalik na kami.

Nakita ni Levi yung unang flag. Sa wakas may nakita din.

End of Soffi's POV

Sa kabilang part naman ng gubat....

Hindi nagkikibuan si Teo at Gwen. Patuloy lang naglalakad si Gwen kasunod si Teo. Lumalakad lang sila. Halatang ayaw nila sa isa't isa. Ayaw ni Teo kay Gwen at si Gwen naman ay naiinis kay Teo.

Noong mainip si Teo sinubukan niyang kausapin si Gwen.

"May nakita kana?" Sabi ni Teo.

"May hawak ba ako?!" Sagot ni Gwen.

Hindi nalang sumagot si Teo dahil sa inis. Naglakad pa din sila ng naglakad.

Kung hindi nag-uusap sila Teo at Gwen, maayos naman ang usapan nila Eroll at Shey. Joke ng joke si Eroll at masayang masaya naman si Shey.

"Alam mo Shey akala ko tahimik ka lang. May playful side ka palang tinatago. Sigurado magkakasundo tayo!" Sabi ni Eroll habang hawak yung dalawang flags na nahanap nila.

Napangiti naman si Shey sa sinabi ni Eroll. Umasa siya na maging start na nito yung pagiging close talaga nila.

Ten minutes lang ang itatagal nila sa gubat pero sa ten minutes na ito ay madami ang nangyari.

Balik kila Soffi.

Naka tatlong flags na sila ni Levi. Patuloy pa din naman yung kwentuhan nila.

"Nakatatlo na tayo ilang minutes nlang ba?"

"Five minutes pa Levi kaya pa yan."

Pagkatapos sumagot ni Soffi hindi niya namalayan yung sanga sa harap niya kaya nabangga siya doon. Dumaplis sa mukha niya yung ilang part nung stem kaya nasugatan siya pero hindi niya alam.

Nakita ni Levi yung sugat sa mukha ni Soffi.

"Soffi..."

Sasabihin na niya sana ito pero nagulat siya sa nakita niya. Naghilom ng napakabilis nung sugat ni Soffi. Gumaling na ito bago pa man masabi ni Levi na may sugat sa mukha si Soffi. Hindi nalang binanggit ni Levi yung nangyari.

"Okay ka lang Soffi?"

"Oo okay lang. Sumumpong lang yung pagiging clumsy ko."

Nagpatuloy sila sa paghahanap. Dito lalong lumala yung pagiging curious ni Levi kay Soffi.

Natapos na ang ten minutes. Nakabalik na sila Teo, Levi, Matt at Carlo pero sila Eroll at Shey ay wala pa. Naunang nakabalik sila Teo at Gwen pero isang flag lang ang nahanap nila. Sumunod naman sila Matt na may apat na flags. Sumunod sila Levi na may limang flags. Tapos sila Carlo na may tatlong flags.

Tinatawagan na yung phone nila Eroll at Shey pero hindi mareach yung phone nila dahil siguro walang signal sa loob ng gubat noong lumipas ang 10 minutes pa doon na sila nag-alala. Natapos na ang pagbibilang ng scores eh wala pa din sila.

Tumakbo si Teo pabalik sa gubat para hanapin si Shey at Eroll. Sumunod naman si Soffi. Pati yung iba nilang classmates ay naghanap na din.

"SHEY!"

"EROLL!"

Sigaw nila.

Ginamit ni Teo yung sensitive sense of hearing niya.

"Saklolo! Tulong!" Sigaw ng isang babae.

"Shey!" Sigaw naman ng isang lalaki at boses iyon ni Eroll.

Noong marinig ito ni Soffi at Teo tumakbo sila papunta sa direksyon na iyon. Medyo dumidilim na nung panahon na iyon kaya nahirapan sila sa paghahanap.

Yung problema ay nagkahiwalay pa sila Soffi at Teo. Unang nakita ni Soffi si Eroll. Nakaupo ito sa ilalim ng puno. Nakita niya na dumudugo yung paa nito at nahalata niya yung sakit na nararamdaman ni Eroll.

"Anong nangyari Eroll?"

"Napilayan ako. si Shey nasaan siya? Nakita niyo na ba? Sinabi niya na hihingi daw siya ng tulong."

Doon na tumayo si Soffi at sinabing babalikan si Eroll. Sinundan ni Soffi yung sigaw ni Shey na tulong kahit na pahina na ito ng pahina.

Naunang nakadating si Teo. Nakita niya si Shey na malapit ng mahulog sa cliff. Pagnahulog siya dito ay siguradong patay siya. Nakahawak nalang siya sa ugat nung puno malapit sa bangin.

"Teo tulungan mo ako hindi ko na kaya!" Sigaw ni Shey.

Tumakbo papalapit si Teo pero bago pa man niya mahawkan yung kamay nito ay nawalan na ng malay si Shey. Nabitawan niya yung ugat kung saan siya nakakapit kaya tuluyan na siyang nahulog.

Nakita ni Soffi ang lahat kaya hindi na siya nagdalawang isip, ginamit niya yung kakayahan niya para mapalutang si Shey. Hindi alam ni Teo na nandyan si Soffi nagkataon na ginamit niya din yung kakayahan niya. In short sabay nilang ginamit yung kakayahan nila.

Kaya nakaligtas si Shey. Saka palang tumakbo papalapit si Soffi kila Teo at Shey.

"Shey! Si Soffi ito gumising ka!"

Hindi nawalan ng malay si Soffi at si Teo dahil hindi masyadong nagamit yung energy nila dahil napagtulungan nilang palutangin si Shey.

Akala ni Teo ay hindi nakita ni Soffi ang lahat. Pero kahit nakita ni Soffi si Teo hindi naman niya naisip na si Teo ay may powers din tulad niya dahil akala niya siya lang ang nagpalutang kay Shey. Meaning, hindi pa din nila alam na pareho silang may powers.

Pero sa hindi kalayuan ay may nagmamasid sa kanila. Nakita ng nagmamasid na ito ang lahat.

Nakabalik sila ng maayos sa tinutuluyan nila. Binendahan na ang paa ni Eroll at nagpapahinga naman si Shey.

Natapos yung tour nila may nangyari man na di maganda, nag enjoy pa din naman sila.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon