Sa taping ni Steffi...
Hapon na at hindi pa din tapos yung shooting ni Steffi (Thania). Medyo sanay na din siya sa pag-arte na hindi naman niya talaga hilig.
"Okay, good job. Break muna tayo." Sabi ng director.
Huminga ng malalim si Thania at umupo na sa upuan, kumuha ng coffee at binuksan ang phone.
"5 pm na pala. Ang bilis ng oras.
Saka dumating si Mina galing sa banyo.
"Ok ka parin ba Thania? Ang hirap maging si Steffi no?"
"Oo nga Mina. Minsan nga, napapagod na talaga ako pero kailangan ko parin talagang gawin para kay Steffi at Matteo, siyempre sa mga magiging anak nila."
"Bilib talaga ako sa'yo Thania."
Ngumiti nalang si Thania kay Mina.
After 30 minutes, nagstart na ulit yung taping. Natapos na ito ng mga 8 pm. Umuwi na agad si Thania after at nagpahinga.
Sa apartment ni Thania...
Nahiga siya sa kama niya. At hindi na siya naka-Steffi mode. Yakap niya yung mga unan niya. Nang biglang nagdatingan ang mga NIGHT THOUGHTS sa isip niya.
"Anu ba yan. Ba't naiisip ko yung tokwa na 'yon."
Naalalaniya bigla yung pagkindat sa kanya ni Winston. Yung time na bigla silang magkahawakan ng kamay. At yung mga palakpak moments ni Winston para sa performance ni Thania. Hinagis niya yung yakap niyang unan. Saka huminga ng malalim.
"Winston Lee kasalanan mo ang lahat ng ito!"
Humiga ulit si Thania.
"Teka yung mga palakpak niya... Yung mga kindat.... at yung care niya na pina[akita ay hindi para sa akin. Para lahat iyon kay Steffi."
Tumayo siya at humarap sa salamin.
"Thania, napakatanga mo naman para umasa. Itigil mo na ang illusyon na ito!"
Saka na niya pinatay yung ilaw at natulog.
Sa bahay nila Matteo at Steffi.
Nakahiga na sa kama sila Matteo at Steffi. Yakap ni Steffi si Matteo. Si Matteo naman ay nagbabasa ng libro.
"Matteo ano ba yang binabasa mo?"
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...