36th Record: SOFFI (Admired)

211 9 0
                                    


Masaya ako sa Seo University. Dahil inisip ko na ito na yung bagong simula para sa akin. Kinalimutan ko talaga lahat ng mga masasama kong ala-ala sa dati kong school.

Yung mga pagpapahiya na ginagawa nila sa akin. Yung mga sabunot at sampal. Yung mga bagay na hinahagis nila sa akin. Yung mga setup nila para magmukha akong masama at tanga. Hindi ko alam kung bakit nila ginagawa sa akin iyon. Hindi naman ako mayaman. Sila nga ang yayaman lalo na yung leader nila na si Gwen.

First day of class noon sa dati kong school. Okay naman ang lahat pero noong lumipas ang isang buwan biglang nagbago yung pakikitungo ng ilan sa akin. Nag umpisa lang sa mga simple at maliliit na bagay kaya hinayaan ko lang pero lumala ng lumala yung pinanggagawa nila. Pero ang galing nila tyumempo. Gagawin nila yon pag wala ang mga kaibigan ko. Kahit sabihin ko man sa kanila hindi ko alam kung paniniwalaan nila ako. Dahil napakabaig ni Gwen sa akin kapag nandoon ang mga kaibigan ko.

Oo ipit ako ipit na ipit sa babaeng ito. Kaya sobrang saya ko noong matanggap ako sa SEO University. Pero sumama nanaman ang araw ko magmula noong nalaman kong lumipat si Gwen sa Seo University.

Habang kumakain kami kami ni Teo kasama si Shey...

Si Shey pala ay yung bago kong kaclose. Ewan nagkakasundo kami sa lahat ng bagay. Mabait siya pero pranka. Direct to point lagi kung magsalita.

"Soffi tignan mo si Gwen kanina ka pa minamanmanan." Sabi ni Shey.

"Hayaan mo lang siya." sabi ko.

"Ano bang atraso niya sayo? Mukhang napakabigat ah. Bat di mo pa patawarin.

"Shey wag na nating pag-usapan yun."

Habang umiinom ng juice si Teo biglang may sinabi si Shey.

"Okay. Ikaw naman Teo bat lagi kang nakadikit kay Soffi gusto mo siya no?!"

Napaubo tuloy si Teo sa awkward na tanong ni Shey.

"Shey kaibigan ko lang si Soffi. "

"Wushu! Diyan naman nagsisimula ang lahat sa kaibi-kaibigan."

"Nako Shey tumigil kana. Parang kuya lang ang tingin ko kay Teo." Paliwanag ko.

"Kayo ha masyadong defensive!" Pabirong sabi ni Shey.

"Tumigil ka na nga." Dagdag ko.

Pagkatapos kumain, pinauna na namin sa room si Teo kasi nagbanyo pa kami. Pero nakalimutan kong kunin yung libro ko sa locker kaya pinapuntahan muna namin after magbanyo.

Pagkabukas ko ng locker may nahulog na sobre na may puso sa gitna. Pinulot agad ni Shey at tinignan ako.

"Wow sosyal may secret admirer ka pa teh!"

Kinuha ko sa kanya yung sobre at binuksan ko.

" Hi Soffi! I just want to tell you my feelings. I was stunned by your beauty the first time I saw you. Go to your room to see my gift for you!" Sabi sa sulat.

Sino to? Tanong ko sa sarili ko.

"Secret Admirer talaga walang pangalan oh!" Sabi ni Shey.

Pagdating namin sa room may roses na boquet akong nakita na nakapatong sa table ko. Tinanong ko kung kanino galing yung mga iyon sa classmate ko pero di daw nila alam.

Binilang ni Shey yung roses at sampu yung nabilang siya.

"10 roses?! Bakit 10? Pwede namang 3 para I love you." Singit ni Shey.

Tinignan ko si Teo pero hindi namamansin.

"TEO galing sayo ito no?" Biglang sabi ni Shey.

"Sa akin?! Ba't naman bibigyan ko ng ganyan si Soffi?"

"Wow todo deny pa eh." Dagdag pa nga.

Wala na lang akong sinabi. Hindi ko alam kung sino yung nagbigay nito. Ni wala man clue na iniwan.

Saka na dumating yung prof namin.

The next day pagpasok ko sa room may boquet nanaman na nakapatong sa table ko. Si Shey naman todo kilig. Pero may kakaiba sa roses ngayon. Hindi na sampu yung bilang. 9 nalang sila.

"9 roses? For what?!" Tanong tuloy ni Shey.

The next day ulit. Nageexpect ako na may boquet nanaman pero wala. Sabi ni Shey baka nagbago na daw yung isip nung admirer at naturn off sa akin. Grabe siya no? After ng PE Subject. Patuloy pa din na iniinis ni Shey si Teo na siya yung nagbibigay ng roses pero todo iling naman si Teo. Minsan nahahalata ko ngang naiinis na siya. Nagdecide kami ni Shey na kumain ng waffle mamaya after ng school niyaya namin si Teo pero hindi daw siya pwede may lakad sila nung side kick niya na si Eroll. Si Eroll na nakakabwisit. Lahat nalang ng kilala niya ay niloloko niya. Binibiro at pinagtatawanan pa pero mabait naman si Eroll.

Habang pabalik kami sa room biglang sinundot ni Eroll yung puwit ni Teo. Napasigaw naman si Teo sa sakit. Si Eroll naman ay tawa ng tawa.

"Hi Soffi!" Sabi niya sa akin habang tumatakbo dahil sa takot kay Teo.

Hinabol ni Teo si Eroll para makaganti.

Kapasok ko sa room. Aba! May boquet na! Agad kinuha ni Shey yung roses at inabot sa akin.

"Soffi! 8 roses nalang!" Sabi niya sa akin.

8 roses? Nag-umpisa sa 10 roses tapos 9 roses then ngayon 8 roses nalang.

"Ano ito countdown?!" Dagdag ni Shey.

"Countdown? For what?"

"Count down for confession!!!!!" Sabi ni Shey na sobrang excited.

Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa sobrang cheesy na idea ni Shey.

Kinabukasan may 7 roses. Tapos 6 roses, 5 roses, 4 roses.

The next day nanaman 3 roses nakang ang nakapatong sa table ko.

"Soffi! Malapit mo nang makikala yung admirer mo!" Sabi ni Shey habang naglulunch kami kasama si Teo at Eroll.

"Admirer?! May admirer ka Soffi?" Gulat na tanong ni Eroll.

Napatahimik naman si Shey.

"Oo may nagbibigay kasi sa akin ng roses araw araw." Kaya ako nalang ako sumagot.

Secret lang ah. Gusto ni Shey si Eroll. Tahimik lang si Shey pag nandyan si Eroll.

"Kung admirer yan alam ko na kung sino!" Sabi ni Eroll.

"Sino?" Tanong ko.

"Edi si pareng Teo!" Sabay halakhak ng malakas.

Si Teo ay nainis nanaman.

"Eroll ako nanaman!" Sabi ni Teo.

Kung titignan mo pareho ng ugali si Eroll at Shey. Mapangtrip sila. Bagu na bagay!

Kinabukasan nakatanggap ako ng 2 roses.

The next day finally... This is it.

May nakapatong na isang rose sa table ko but this time may message na. Binuksan ko yung sulat at ito yung sabi...

"Let's meet. 5pm in the library... I have something to tell you."

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon