STEFFI's POV
Nang makita kong nawala si Matteo. Parang tumigil nanaman ang mundo. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Pumasok ako sa loob ng bahay at sinara ang pinto. Hindi ko na nagawang damputin pa ang mga prutas dahil sa takot at kaba na nadadama ko. Napaupo nalang ako sa sahig at napahawak sa tyan ko. Tumulo unti-unti yung luha ko.
Nang may bigla akong narinig na mga yapak na papalapit sa akin.
"Steffi anong ginagawa mo?"
MATTEO's POV
Nasa gate ako noon ng makaamoy ako ng usok. Para bang may nasusunog. Agad akong tumakbo papunta sa pinto. Binuksan naman agad ito ni Steffi. Pagkabukas niya ng pinto agad ko nakita yung usok na nanggagaling sa kusina kaya nagteleport agad ako at pumunta sa kusina sa sobrang taranta nabitawan ko pa ang mga prutas na bitbit ko.
Nakita kong nasusunog na ang niluluto ni Steffi. Pinatay ko ito agad at tinakpan ng basang towel.
Pinuntahan ko agad si Steffi at nakitang nakaupo sa tapat ng pinto. Lungkot na lungkot siya at maluha-luha pa. Natanong ko nalang sa kanya kung anong ginagawa niya. Bakit niya hinayaan na masunog yung niluluto niya.
Agad agad na tumayo si Steffi at pinagpapalo ako.
"Matteo bakit mo nagawa iyon! Akala ko iiwan mo naman ako. Akala ko magiging mag-isa nanaman ako.Paano mo akong nagawang biruin ng ganon!" Umiiyak na sinabi ni Steffi.
Niyakap ko nalang siya at hinintay na mahimasmasan.
Kinain naming sabay yung mga prutas hanggang sa pagtulog namin ay hindi niya pa din maalis yung yakap niya sa akin.
Kinabukasan, binisita kami ni Mr. Jang. Matagal tagal na din noong huli kaming nagkita.
"Matteo kumusta kana?"
"Mr. Jang sa inyo ko dapat itanong 'yan."
Napangiti nalang si Mr. Jang at niyakap ako.
Bumalik si Mr. Jang sa probinsya niya noong mga nakaraang buwan. Kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na magkita.
"Matteo Balita ko magkakaanak na kayo."
"Oo Mr. Jang at Kambal sila."
"Masaya ako sa balitang iyan. Oo pala sa darating na linggo na ito. Magpagdiriwang namin ng asawa ko ang anniversary namin. Inaasahan ko na dumalo ka."
"Oo naman Mr.Jang pupunta kami ni Steffi."
Matapos naming magkwentuhan at makapagtea ay umalis na din siya agad. At marami pa daw siyang aasikasuhin.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...