Sa 18 years na nawala si Matteo ay napakaraming nangyari. Hinding hindi ko makakalimutan ang mga pangyayaring ito.
Matapos makausap ni Steffi si Matteo ay nakatulog siya ng maayos. Masaya ako na kahit papano ay nabawasan na ang mga iniisip niya dahil nandyan na si Matteo.
Lumabas si Matteo sa kwarto at nakipagkwentuhan sa akin. Pinakwento niya lahat ng nangyari noong nawala siya.
"Nag-umpisa ang lahat noong araw na makilala ni Steffi ang isang batang nagngangalang Luna."
"Luna? Buhay si Luna?"
"Hindi Matteo, hindi siya yung Luna na nakilala natin. Isa siyang normal na batang babae na naging malapit kay Steffi."
"Pagkatapos?"
"Naging malapit silang magkaibigan parang tinuring na din na anak ni Steffi si Luna. Hanggang ngang manganak na si Steffi. Naging maayos yung panganganak niya. Healthy ang mga anak niyo. Pinangalanan nga sila ni Steffi na Teo at Soffi. Napacute talaga nila Matteo. Kahawig mo pa si Teo. Kasama ako ni Steffi sa pag-aalaga sa kanila.
Si Winston tinulungan niya din kami lalo na sa gamit ng mga bata. Araw araw ay may regalo siya sa kanila. Lumipas ang isang taon ay nagpasiya si Steffi na bumalik na sa showbiz dahil wala ng budget para sa mga bata. Sinubukan niya ang lahat ng makakaya niya pero walang tumatanggap sa kanya sa mga audition. Kaya nagstay nalang siya sa bahay para alagaan ang mga bata. Isang taon muli ang lumipas noong magpasya si Steffi na ipasyal ang mga bata. Nanalo kasi siya sa isang round trip promo. Sumakay kami sa isang barko. Hindi ko kailanman naisip na isa pala ito sa mga plano ni Dominic Han.
Excited kaming lahat noong panahon na iyon. Akala namin magiging ayos ang lahat at magiging memorable yung araw na iyon. Pero nagbago ang lahat ng isang iglap. Noong nasa kalagitnaan kami ng biyahe napansin ko yung isang lalaki na napaka pamilyar ng mukha.
Oo si Dominic Han. Sinundan ko siya dahil ramdam ko na may pinaplano siyang masama. Napalayo ako kila Steffi at sa mga bata. Saka nalang may biglang nagturok sa akin.
Pagkatapos noon ay hindi na ako makagalaw. Tumunog yung alarm. Nagkagulo ang mga tao. Naririnig ko yung sigaw nila na lumulubog daw yung barko. Unang-unang pumasok sa isip ko sila Steffi. Mabilis ang mga pangyayari. Pinilit kong makagalaw at iligtas sila Steffi. Pero si Steffi lang ang nadatnan ko sa kwarto. Umiiyak siya dahil nawawala ang mga bata. Hinawakan ko siya at ginamit ang natitira kong lakas para maiteleport siya sa emergency boat. Pagkatapos nawalan na ako ng malay.
Nagising nalang ako na umiiyak si Steffi habang hinahanap ang mga bata. "
"So kagagawan talaga lahat ito ni Dominic Han." Sabi ni Matteo.
"Matapos ng pangyayari na iyon ay hindi ko na siya nakita." Dagdag ko.
"Nawala yung mga anak namin bago pa man lumubog yung barko. Ibig sabihin may possibility na buhay sila."
"Hindi ko alam Matteo. Hindi din sila napabilang sa mga list ng mga katawan na natagpuan nila."
"Malakas ang kutob ko na buhay pa sila Ate Thania."
Hindi nalang ako sumagot. Sa 18 years na lumipas. Nagtiyaga ako sa paghahanap sa mga bata pero hindi ko sila nakita.
Napagdesisyunan ni Matteo na gumawa ng action. Gustong-gusto niya talagang malaman kung buhay pa yung mga anak niya. At determinado siya na gawin ang lahat.
"Ate may palatandaan ka ba sa mga bata? Anything na pwedeng magpatunay na sila iyon?" Biglang tanong ni Matteo.
"Meron. Suot nila yung kwintas na hugis bituin na may pangalan nila na nakaengtaved sa likod. Regalo ni Steffi sa kanila iyon."
Pagkatapos ay niyakap ako ni Matteo. Nabuhayan talaga siya ng loob. Umaasa siya na makakatulong yung kwintas na iyon para mahanap niya sila Teo at Soffi.
Bumalik siya sa kwarto ni Steffi at niyakap itong muli.
"Steffi mahal ko. Huwag kang mag-alala maaayos ko din ang lahat. Mahahanap natin sila Teo at Soffi." Sabi ni Matteo kay Steffi habang naluluha.
Ilang linggo ang lumipas. Nagimproved na ang kalagayan ni Steffi. Buamlik na din ang ngiti niya na matagal na panahon ko ding hindi nakita. Kinailangang makapagtrabaho ni Matteo para may magamit siya sa paghahanap sa mga bata at makatulong din sa gastusin sa bahay. Hinatid ko siya noong umaga ding iyon sa SEO University para mag-apply sa pagtuturo.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...