Sa isang tagong lugar....
"Kung hindi sinira ng mga magulang ninyo ang buhay ko. Hindi sana ako magkakaganito! Hindi sana namatay ang kapatid ko! At hindi din sana kayo nadamay!" Sabi ni Dominic Han.
"Hindi ka namin maintindihan." Sabi ni Teo.
"Nagawa kong dalhin dito sa FUTURE si Matteo dahil gusto kong madanasan niya ang hirap na naranasan ko. Noong mawala na si Matteo, binantayan ko kayo kahit noong pang nasa sinapupunan kayo ni Steffi. Gumamit pa ako ng isang sakiting bata para makakuha ng impormasyon tungkol sa inyo. At ang uto-uto niyong nanay ay nahulog sa patibong na ginawa ko. Kaya tuloy nawalay kayo sa kanya."
"Hayop ka! Ikaw pala ang may kagagawan ng lahat!" Sigaw ni Soffi.
"Hinay hinay lang. Dapat nga magpasalamat kayo sa akin. Soffi alam mo bang kung hindi kita iniwan sa isang bahay at sinunog, hindi mo makikilala yung mga nag-ampon sayo. Ikaw naman Teo kung hindi kita iniwan sa bangka at pinaanod sa gitna ng dagat ay hindi mo makikilala ang nanay Emi mo."
"Tumahimik ka! Binalak mo pala talaga kaming patayin!" Sabi ni Teo.
"Maswerte lang talaga kayo. Sinunog ko na nga yung building niyo sa school buhay pa rin kayo. Atleast naranasan niyong mabuhay pero siyempre mamatay din kayo. Nauna lang ng konti yung tatay niyo na si Matteo. Siguro abo nalang siya ngayon."
Nagulat sila Teo at Soffi sa sinabi ni Dominic.
Wala silang nasabi sa kanya. Naramdaman nila yung takot. Yung takot na mapahamak ang mga mahal nila sa buhay, at yung takot para sa sarili nilang buhay.
Umalis si Dominic Han at iniwan ang kambal.
Naiwan sila Soffi at Teo.
Lumipas na ang kalahating oras ay hindi pa din bumabalik si Domic Han.
"Teo anong gagawin natin? Kailangan nating makaalis dito."
"Huwag kang mag-alala Soffi akong bahala. Mukhang matatagalan pa siya sa pagbalik. Ok kana ba? Nakakapagpahinga kana? "
"Ayos lang ako."
Saka siya tumingin sa paligid nakita niya yung kutsilyo na nakapatong sa mesa. Tinitigan niya ito at pinalutang papalapit sa kanila. Noong malapit na yung kutsilyo sa kamay niya ginamit niya ito para unti-unting alisin yung pagkakatali nung kamay niya. Ilang sandali lang ay nakalag niya din yung pagkakatali. Tinanggal niya yung tali sa kamay at paa ni Soffi.
"Salamat Teo."
Inalalayan niya si Soffi sa pagtayo.
"Tara na kailangan na nating umalis bago pa man dumating si Dominic."
Noong papalabas na sila biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa kanila si Dominic Han na bitbit si Steffi.
"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Dominic Han.
"Hayop ka! Bakit dinamay mo din pati ang nanay namin!"
"Aalis kayo? Sige lang. Hahayaan niyo bang mamatay mag-isa ang nanay niyo?"
"Bitiwan mo si Mama!" Sigaw ni Soffi.
"Osige madali naman akong kausap. Saka niya binitiwan si Steffi at hiniha sa sulok."
Nilapitan naman siya agad nila Teo at Soffi.
Tumayo si Teo para protektahan ang nanay at kapatid niya.
Sinuntok ni Teo sa mukha si Dominic Han. Tinamaan niya ito at dumugo pa ang labi nito.
"Magaling, may laban ka naman pala kahit papaano." Sabi ni Dominic Han habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...