"Kaya po ako lumapit sa inyo ngayon dahil gusto kong maging masaya si Ate Steffi. Hindi po karapat-dapat yung nangyari sa kanya. Handa akong tumulong kuya Matteo."
"Luna, naiintindihan kita pero patay na si Steffi wala na tayong magagawa." Sabi ni Matteo.
"At Kailangan na nating tanggapin iyon." Sabi ni Nathan.
"Nagkakamali po kayo! May pag-asa pa po tayo!"
"Pag-asa?" Sabi ni Matteo.
"Opo. May kaya pa po akong gawin para magkita at magsama na kayo muli ni ate Steffi."
"Ano naman iyon Luna?" Sabi ulit ni Matteo.
"Kaya ko pong ibalik yung past."
"Hindi ko alam na kaya mong gawin yon Luna." Sabi ni Nathan.
Hindi makapaniwala si Matteo sa sinabi ni Luna.
"Luna papano mo nalaman yung kakayahan mong iyan?"
"Katulad niyo po kuya Matteo meron din akong special skill. At iyon po ang kakayahang kong ibalik ang past. Pero sa ngayon po may kailangan muna po ako mahanap bago magawa iyon."
"Anu naman iyon Luna?" Sabi ni Matteo.
"Yung kwintas ko po kailangan ko pong mahanap para magawa ko po ito. Naglakas loob na po akong lumapit sa inyo dahil hindi ko po kayang mahanap ito ng ako lamang mag-isa."
"Wag kang mag-alala Luna tutulungan ka namin ni Nathan."
"Talaga po Kuya Matteo?"
Tumango si Matteo ng nakangiti kay Luna.
Niyakap ni Luna si Matteo at si Nathan.
Pagkatapos noon ay sinabi ni Nathan na ipagpabukas nalang ang paghahanap. Kailangan din natin ng pahinga.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...