50th Record: (Completed)

839 16 3
                                    

Sa bahay ni Mr.Jang.

Pagkabukas ng mga mata ni Matteo nakita niya ang mesa sa harapan niya na puno ng pagkain, meron ding isang cup ng wine na nakaabang para sa kanya.

Biglang nag-ring yung phone ni Steffi kaya napatingin si Matteo. Tumayo si Steffi at lumabas sandali para sagutin yung tawag.

"Matteo inumin mo na yung wine. Inihanda ko yan para sa inyo." Sabi ni Mr.Jang.

Hindi kumibo si Matteo. Tumingin siya sa buong paligid. Alam niya na nasa ilalim ng hypnotism si Mr.Jang at ang kanyang asawa.

Tumayo si Matteo at hindi pinansin ang sinabi ni Mr.Jang.

"Dominic Han lumabas ka na!" Sigaw ni Matteo.

Nagulat si Dominic Han noong marinig niya ang sinabi ni Matteo. Kasalukuyan siyang nagtatago sa likod ng pader at naghihintay lang na inumin ni Matteo ang wine para mawalan ito ng malay at magawa niya ang plano niya.

"Paano niya nalaman na nandito ako?!" Tanong niya sa sarili niya.

Humakbang siya papaabange at nagpakita kay Matteo.

"Dominic Han!" Sabi ni Matteo.

"Magaling! Bilib na talaga ako sayo. Marunong kang lumusot sa mga plano ko."

"Sinabihan na kita, na sa susunod na guluhin mo pa ang buhay ng pamilya ko ay hindi na kita papalagpasin pa."

Napangiti si Dominic Han. Saka niya hinawakan yung berdeng bato na kwintas niya pero laking gulat niya ng marealize niya na wala ito sa kanyang leeg. Kinapa niya ang bulsa niya. Takang-taka siya kung bakit nawawala ito.

"Ito ba ang hinahanap mo?" Tanong ni Matteo sabay turo sa berdeng bato na nakasuot sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Dominic Han noong makita niya ang berdeng bato na nakay Matteo.

"Paano napunta sayo iyan?!"

Lumapit si Matteo at napaurong naman si Dominic Han.

"Kahit anong gawin mo ngayon ay hinding hindi mo na ako mapipigilan. Linagbigyan na kita noon pero sa ginawa mo sa pamilya ko, wala itong kapatawaran!"

Sinuntok ni Dominic Han si Matteo. Tumalsik si Matteo at natomba sa sahig. Ramdam pa din niya ang panghihina dahil sa nagamit niyang lakas para magamit ang berdeng bato. Saka naman nagsalita si Dominic Han.

"Sa tingin mo, ano ang dahilan kung bakit ginagaw ako ito sayo?! Dahil gusto ko lang?! Dahil masaya?! Hindi! Sinira mo ang buhay ko Matteo! Ikaw ang unang sumira ng buhay ko! Nang dahil sayo nawala ang lahat sa akin! Nang dahil sayo naging ganito ako! Ngayon, bakit mo sinisisi sa akin ang lahat! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito!"

Biglang pumasok si Steffi. Nagulat siya at natakot noong makita si Dominic Han. Napaupo siya sa sahig at tila parang hindi makagalaw. Tinignan niya si Matteo at hindi niya alam kung anong gagawin niya.

May kinuha si Dominic Han sa bulsa niya at inilabas ang isang syringe, napatingin si Matteo sa bagay na ito at napansin niya na pamilyar ito. Kamukha ito nung nakita niya na syringe sa bahay nila sa tani ni Thania. Ibig sabihin ito rin ang ginamit na syringe  ni Dominic Han para mapatay si Thania.

Kinapa ni Matteo yung cabinet sa likod niya at nakahawak ng isang wine bottle. Kinuha niya ito agad at inihagis sa kamay ni Dominic Han kaya nabitawan niya ang syringe. Nabasag yung wine bottle at gumulong yung syringe papalayo sa kanila.

Bumagsak bigla ang si Mr.Jang at ang asawa niya. Tila nawala na ang epekto ng hypnotism ni Dominic Han.

Halos hindi na makatayo si Matteo dahil sa panghihina. Lumapit naman unti unti si Dominic Han at sinakal si Matteo. Iniangat niya ito. Ang mga paa ni Matteo ay hindi na nakatapak pa sa sahig.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon