31st Record: SOFFI (Flattered and Stressed)

231 9 3
                                    

Ang sarap sa pakiramdam na makita yung necklace ko. Akala ko nawala na talaga. Kinabahan tuloy ako ng sobra. Mahalaga talaga sa akin ito. Parang hindi ako comfortable pag hindi ko suot.

" Mag-iingat ka! Yung hika mo huwag ka masyadong magpakapagod." Paalala ni Mama.

Malalate na kasi ako sa examination for entrance and scholarship Sa Seo University kung hindi ko bibilisan.

Pagod na pagod ako sobra. Muntikan pa akong hindi makahinga panigurado susumpungin nanaman ako ng hika mamaya.

Kapasok ko sa school tinanong ko agad sa guard kung saan pupunta yung mga magtatake ng entrance exam. Tinuro niya yung napakalaking building. At itanong ko daw doon kung saang room.

Pagkadating ko sa building na iyon. Nagtanong ako sa nakasalubong ko. Hindi niya daw. Itanong ko daw sa admin office. Saka niya itinuro sa akin.

Pagkadating ko sa admin office nakuha pa akong sermunan.

"Naku. Mageexam palang late na. Huwag kasing kukupad kupad." Sabi sa akin nung matandang nagbabantay na nakaupo sa front desk.

"Sorry po, anong room po kasi ulit?"

"Room 2-A. Kanina pa nagstart yun. Ewan ko lang kung makapag-exam ka pa. si Mrs.Shin pa mo yung nagbabantay."

Nagpasalamat ako at umakyat na sa second floor. Buti nalang at hindi sa 8th floor kung hindi baka hindi na talaga kayanin ng katawan ko.

Pagkaakyat ko nakita ko yung Room 2-J. Ang malas ko sa opposite side pa ako umakyat. Dinaanan ko muna tuloy yung Room 2- I- H- G- F- E- D- C- B bago nakarating sa Room 2-A.

Pagkahawak ko nung door knob aba. Nakalock. Nilakasan ko yung loob ko at kumatok sa pinto. Buti naman binuksan.

"Ma'am sorry po I'm late." Sabi ko habang hingal na hingal.

"Ano ba?! Nagstart na ang exam. And your late. Nakakaistorbo ka sa mga nagtatake ng exam. Please get out." Sabi nung babae na super sungit.

Lungkot na lungkot ako kasi hindi na nga ako makakapagtake ng exam tapos napahiya pa ako. Lalabas na sana ako kaso biglang may tumayo at lumapit dun sa babaeng masungit.

Tinignan ko siya at mukhang pamilyar yung mukha niya. Oo siya yung lalaking na may maamong mukha na muntik nang makabangga sa akin. Mag eentrance exam din pala siya.

Pagkatapos sinabi niya ito dun sa babaeng masungit. Kahit pabulong dinig na dinig ko.

"Excuse me. Mrs. Shin. I know her. Kaibigan ko siya. May family problem lang talaga kaya nalate siya."

Kaibigan? Oh really? Wow ah. Family Problem pa talaga?! Saka ano naman ngayon kung sabihin niya yon eh nagtatake lang din naman siya exam for entrance.

Tinignan ko si Mrs.Shin. Yun pala pangalan nung masungit na babae.
Walang siyang sinagot or sinabi man lang dun sa lalaki na maamo ang mukha. Nakakapagtaka. Saka niya lang tinanong yung pangalan ko.

"Okay, What's your name?"

"Soffi Kim po."

"Get your test paper and start now. Ayaw ko sa lahat yung nalalate pero I'll give you a chance this time. May 23 minutes ka pa para itake ang exam."

Nabuhay ako ng loob. Naku kung sino man itong lalaking maamo ang mukha God Gave Me You! Nagpasalamat ako kay Mrs. Shin at kinuha na ang test paper. Bago ako umupo tinignan ko yung lalaking maamo ang mukha. Sakto nakatingin siya sa akin kaya nagpa thank you ako ng pabulong.

Natapos ko din ang exam sa wakas. Pero nakaugalian kong icheck muna yung mga sagot ko. Nung nakita ko na tama naman lahat tumayo na ako. At pinass yung papel.

Aba. Pagkalingon ko nasa tabi ko yung lalaking maamo ang mukha at nagpapass na din. Akalain mo yun sabay pa kaming natapos. Matalino din siguro ito.

Pagkaabot niya ng papel ay lumabas na siya. Kaya sinundan ko. Kinalbit ko siya at nagpasalamat ulit. Teo Park pala ang pangalan niya. Niyaya pa nga akong kumain. Ililibre daw ako. Pero I'm not that easy. Kaya sinabi ko hihintayin ko pa si Ate. Hindi ako sumasama sa kahit kanino at kakakilala ko lang. Naalala ko tuloy yung family problem na nireason niya. Pero okay na din kesa sa hindi ako makapagentrance exam. Pero infairness ang bait niya. Parang angel pa yung mukha. Feeling ko magkakasundo kami nun.

"Hoy Soffi ano nanaman yung tinutunganga mo dyan?" Sabi bigla ni Ate Lian.

"Wala, wala kumusta yung exam ate?"

"Tsss." Sagot niya saka na siya naunang naglakad.

Ewan ko bat ang sungit ng ate ko sa akin. Nasanay na lang ako sa kasungitan niya. Pakiramdam ko ayaw na ayaw niya talaga sa akin.

Pagkauwi sa bahay kinumusta ni mama yung exam. Tapos kinuwento ko sa kanya yung nangyari. Sabi pa niya pag naging kaclose ko si Teo dalin ko siya dito at ipagbabake niya daw ng cake.

Kinabukasan pumasok ako sa school. Kinakabahan ako sa result ng exam ko sa Seo University. Sana talaga makapasok ako sa scholarship para makalipat na ako ng school. Hindi naman sa ayaw ko sa school ko ngayon. Madami na din kasi akong naging kaibigan dito. Problema nga lang ang layo sa bahay namin. Kailangan ko pang magbiyahe ng ilang oras. Dagdag gastos pa yung pamasahe. Nakaupo ako ngayon sa garden ng school habang binabasa yung lecture para sa quiz bukas.

Saka nalang biglang may naghila sa kamay ko. Tinignan ko siya at nakita ko nanaman si Gwen. Siya lang naman ang pinaka problema ko dito sa school na ito. Ewan ko pero ayaw na ayaw niya sa akin. Isa din siya sa dahilan kung bakit ko gustong lumipat.

Dinala niya ako sa likod ng building kasama ng mga alalay niya. Mga uto-utong sunud-sunuran sa kaniya.

"Girls, ano kasi yung recipe for today?" Sabi niya sa mga alalay niya.

"Eggs, flour, milk, and...." Sabi nung isang kasama niya.

"Tigil. Isa-isa lang."

Inabot sa kanya yung itlog. Pinilit niya akong lumuhod at pinukpok yung itlog sa ulo ko. Binuhos naman nung isa yung flour. Saka sumunod yung gatas.

"And Final ingredient is...." Sabi ni Gwen.

May inabot yung kasama niya na bote at binuhos sa akin yon.

"Vinegar!" Tuloy niya.

Sa totoo lang kaya ko silang patalsikin kahit hindi ko sila hinahawakan. Nagtitiis lang ako dahil malaking gulo kapag nalaman nila na may kakayahan akong ganoon.

Hindi naman ako makapagsumbong dahil walang maniniwala sa akin. Si Gwen ay anakng isa sa mga nagdonate ng pera para makapagpatuloy sa serbisyo yung school na ito. Ibang-iba siya pagnakaharap sa mga tao. Scholar din siya pero hindi nila alam na namamaintain niya yung grades niya dahil sa pandaraya.

Habang naglalakad ako sa hallway nagmukha nanaman akong tanga. Nilayuan nila ako dahil nangangamoy akong suka. Hindi man ako makalapit kay ate dahil hindi niya man nga pinagsasabi na kapatid niya ako.

Nagsstart na yung discussion pero pinalabas ako ng prof. namin dahil nangangamoy ako. Akala nila na natapunan lang ako ng suka nung lunch. Alam ng mga kaibigan ko ang lahat pero wala din silang magawa.

Nakakastress no? Sana makalipat na talaga ako.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon