43rd Record: (Continued)

216 8 0
                                    

TEO's POV

Kahit hindi na bago sa akin ang mga kakayahan na iyon ay nagulat pa din ako. Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam noong malaman ko na may kagaya din akong may kakayahang gawin ang nga bagay na iyon.

Pagkahatid ko kay Gwen sa clinic sinabi ko sa nurse na nakita ko siyang walang malay sa Roof Top. Sana huwag niya nalang maalala yung nakita niya na ginawa sa kanya ni Soffi.

Umakyat ako agad pagkatapos. Dala ko yung tubig na binili ko para kay Soffi. Pagkaakyat ko buti naman ay nagkamalay na siya.

"Anong nangyari?" Sabi ni Soffi.

"Magpahinga ka muna. Ito uminom ka ng tubig." Sagot ni sir Matteo.

Ipinikit ni Soffi yung mga mata niya pagkatapos niyang uminom saka na siya nakatulog. Tinawag ko agad yung service ko para maihatid ko sa bahay nila si Soffi.

Pagkadating sa bahay nila. Alalang-alala ang nanay ni Soffi. Tinanong niya kung anong nangyari kay Soffi. Hindi ko alam kung alam nila yung kakayahan na meron si Soffi kaya sinabi ko na si Soffi nalang ang magpapaliwanag pagkagising niya. Saka na ako nagpaalam.

"Teo. Iho ito dalin mo yung tinapay para hindi ka magutom. Salamat talaga sa paghatid sa anak ko dito."

"Salamat din po."

Saka na ako pumasok ng kotse at bumalik sa Seo University.

Pagkadating ko doon agad kong pinuntahan si sir Matteo. Kailangan ko siyang makausap regarding sa mga nakita niya.

Pumasok ako sa faculty at kinausap siya.

"Tara sa labas tayo mag-usap." Sabi ni sir Matteo.

Pagkalabas namin....

"Teo ngayon ka lang ba nakakita ng ganoong eksena?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na kaya ko ding gawin yung ginawa ni Soffi.

"Ngayon ko lang po nakita na ginawa ni Soffi iyon."

"Kung ganoon huwag mo na lang ikwekwento sa iba. Keep this between us okay?"

"Yes sir."

"Para din ito kay Soffi."

"Paano naman po si Gwen? Nakita niya yung kakayahan ni Soffi."

"Si Gwen? Siya ba yung dahilan kung bakit nasuspend si Soffi?"

"Opo. Inisip kasi ni Soffi na si Gwen yung kumuha nung kwintas niya."

"Yung kwintas. May nakita akong kwintas sa floor ng roof top. Nilagay ko sa bulsa ni Soffi yung kwintas. Ako nalang yung bahala kay Gwen."

Buti nalang ay mabait si sir Matteo. Sana maging maayos na ang lahat.

Pumasok na ako sa room after.

Nilapitan ako ni Levi at tinanong kung anong nangyari kay Soffi.

"Teo bakit nasuspend bigla si Soffi?"

"Nakita kasi ni Mrs. Shin si Soffi na inaaway si Gwen."

"Si Soffi aawayin si Gwen?! Napakaimposible."

"Si Gwen kasi dati pa pinapainit ang ulo at ginugulo yung buhay ni Soffi dito sa school. Simula noong nagtransfer siya naging stressful lagi si Soffi."

"Salbahe pala yung Gwen na yan eh."

"Ano ba yung reason kung bakit inaway ni Soffi si Gwen?"

"Yung kwintas kasi ni Soffi na pinaka iingat-ingatan niya ay nawala. At si Gwen lang yung pwedeng kumuha noon. Hinanap daw ni Soffi kung saan saan yung kwintas pero wala. Huli niya daw na tinanggal iyon ay noong nasa locker room sila."

"Naku! Wala pamong CCTV doon."

Saka na dumating yung prof namin at nagstart na yung klase.

END OF TEO's POV

Sa Clinic...

Nakahiga pa din sa kama si Gwen. Bigla siyang nagkamalay at napasigaw. Nagulat pa yung nurse sa kanya kaya pinuntahan siya agad.

"Si Soffi demonyo siya! Demonyo siya!" Paulit ulit na sambit ni Gwen.

Hinawakan siya ng nurse at pinakakalma pero ayaw niyang tumigil.

"Bitawan mo ako!" Sigaw niya, "Demonyo si Soffi! Kampon siya ng kadiliman!"

"Miss kumalma ka lang. Mahiga ka muna!" Sabi ng nurse.

"Pinalutang niya ako gamit lang ang mga mata niya! Demonyo si Soffi!."

Pilit pinapahiga ng nurse si Gwen para makapagpahinga muna siya pero ayaw ni Gwen. Patuloy pa din siyang nagwala at nagsisigaw.

Nainis yung nurse sa kanya kaya tinurungan siya ng pampatulog.

Sa bahay nila Steffi...

Kakarating lang ni Thania.

"Matteo anong balita?"

"Ate mukhang nakita ko na sila."

"Sigurado ka bang si Soffi at Teo talaga iyon?"

"Nakita ko na yung kwintas ni Soffi. Pero yung kay Teo hindi pa. Nahimatay si Soffi kanina, nawalan kasi siya ng control dahil sa galit doon sa isa niyang kaklase na pilit siyang ini-inis."

"Talaga?!" Gulat na sinabi ni Thania.

"Oo. Ate. Pero katulad noong nakwento ko noon. Na nakita ko si Teo at si Soffi sa gubat noong niligtas nila yung kaibigan nila."

"Kung ganoon. Hindi nila kayang masustain yung lakas nila kapag ginagamit nila yung kakayahan nila individually. Pero noong sa gubat hindi sila nanghina dahil sabay nilang ginamit yung kakayahan nila."

"Marahil nga ganoon ate. Kambal sila at kailangan nila ang isa't isa."

"Anong plano mo nyan?"

"Kailangan ko munang mapanatili yung safety nila. At kapag tama na ang panahon ay sasabihin ko sa kanila ang lahat."

"Paano kung hindi sila maniwala?"

"Gagawin ko ang lahat ate. Gusto kong maging masaya si Steffi."

Lumipas ang isang Linggo...

Binisita ni Levi si Soffi sa kanilang bahay. Gabi na noon kaya sarado na yung bakery ng nanay ni Soffi.

"Soffi nandito ako sa harap ng bahay niyo." Sabi ni Levi habang kausap sa phone si Soffi.

Noong natinig ito ni Soffi bumaba siya agad para puntahan ni Levi.

"Oh Levi ba't nandito ka?"

"Gusto ko lang ibigay sayo ito."

Sabay abot ni Levi sa mga notes niya sa school.

"Ano ito?"

"Mga notes natin yan and lectures saka nandyan na din yung mga handouts. Kopyahin mo nalang para makasabay ka pa din sa klase kahit papaano."

Napangiti si Soffi.

"Aba kailan kapa natutong maglecture?" Pabiro niyang sinabi.

Napakamot nalang sa ulo si Levi habang natatawa.

"Ikaw ah. Salamat Levi!"

"Si Gwen pala. Suspended din. Nireport siya ni Sir Matteo doon sa pagkuha nung kwintas mo."

Walang nasabi si Soffi.

"Okay lang Soffi?"

"Levi huwag nalang natin siyang pag-usapan."

"Sorry Soffi. Si sir Matteo pilit na pinapabawi yung suspension mo dahil wala ka naman daw kasalanan. Pero ayaw ni Mrs. Shin. Nakipag-away ka pa din daw. "

"Ang bait talaga ni sir Matteo. Magpapaslaamat ako ng sobra sa kanya kapag nakapasok na ako."

"Nga pla. Next month na yung University Day masaya ako na makakabalik ka na non."

"Oo excited na nga ako. Sandali lang naman ang mga araw ngayon. Mabilis lang nyan na lilipas yung one month."

Parehong nawala sa SEO University si Soffi at Gwen sa loob ng isang buwan.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon