47th Record: (Reunited)

249 6 11
                                    

SOFFI's POV

Noong malaman ko ang lahat dahil sa sinabi ni sir Matteo tumakbo ako agad para umuwi. Hindi ko mapaliwanag yung nararamdaman ko. Ang gusto ko lang ngayon ay maconfirm kung totoo nga ang sinasabi ni sir Matteo.

Pagkapasok ko ng bahay gulat na gulat si mama dahil ang aga kong umuwi. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Napatayo naman si papa habang nagkakape day off niya kasi ngayon.

"Soffi anak anong problema? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni papa.

Lumapit siya at niyakap ko silang dalawa.

"Soffi magsalita ka,  bakit ka umiiyak? Hindi ka namin matutulungan kapag hindi mo sinabi ang dahilan." Sabi naman ni mama.

Tinignan ko sila sa kanilang mga mata...

"Ma, Pa, totoo bang anak niyo talaga ako?"

Nagulat si mama noong marinig yung tanong.

"Soffi bakit mo naman natanong iyan?" Sagot ni mama.

"Ito pong kwintas na ito. Sa inyo po ba talaga ito galing?"

Tinignan ni mama si papa. Saka pumunta kami sa sala para maupo.

"Soffi anak, siguro ito na ang tamang oras para sabihin namin sa'yo ang lahat." Sabi ni papa.

Tinatagan ko ang sarili ko at pinakinggan ang bawat salita na sinabi nila mama at papa.

"16 years ago, nasa trabaho ako noon. Bigla kaming nakareceive ng report na may nasusunog daw na bahay. Kaya naman pumunta kami agad doon para maapula ito. Pagkadating namin doon sa bahay. Napakalakas na ng apoy. Pero ginawa pa din namin ang lahat para mapatay ito. Habang nakatapak ako sa hagdan buhat ang hose may narinig akong iyak ng isang bata. Kaya naman pumasok ako agad at nilagtas ko siya. Ang nakakapagtaka lang ay wala siyang kasama sa bahay. Naghintay kami ng ilang araw at mga buwan kung may maghahanap sa kanya hanggang sa magpasiya kami ng mama mo na alagaan nalang siya. Napakasigla at masunurin ng batang iyon." Paliwanag ng papa ko.

Lalo akong naiyak sa mga narinig ko.

"Ako po ba yung batang iyon?"

Niyakap ako ng mama ko.

"Kahit na hindi ka namin tunay na anak. Minahal ka namin ng sobra-sobra Soffi." Paliwanag ni mama.

"Ito pong kwintas na ito? Kanino po galing?"

"Suot mo na yan simula noong maligtas kita sa sunog. Tinawag ka naming Soffi dahil iyon ang nakasulat sa kwintas mo. Patawad anak kung tinago namin ang lahat sayo." Sabi ni papa habang umiiyak.

Pati si mama ko ay umiyak din.

"Salamat po. Salamat po." Yun nalang ang nasabi ko sa kanila. Hindi ko mapigil ang pag-iyak ko habang yakap ko sila.

End of Soffi's POV

Sa kabilang banda naman si Teo ay gulong-gulo pa din.

Nasa loob siya ng kwarto niya at nakahiga sa kama.

"Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi masabi ni nay Emi ang lahat." Sabi niya sa sarili.

Napatayo siya at tinignan yung kwintas niya na may hugis bituin at pangalan sa likod. Tinignan niya din ang larawan ng nanay Emi niya at inalala lahat ng masasayang ala-ala nila.

"Nay Emi, patawarin mo ako. Noong mga panahon na nahirapan tayo ay wala akong nagawa. Wala man lang ako naibalik na tulong para sayo. Minahal mo ako at pinalaki ng maayos kahit na mahirap ang buhay. Maraming salamat nay."

Kinabukasan...

"Soffi may bibilin lang kami ni Eroll." Paalam ni Shey.

Bigla nalang naging close ang dalawa ng hindi namamalayan ng kambal. Naiwan si Teo at Soffi kaya nagkaroon sila ng pagkakataon para mag-usap.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon