Pagkatapos kumain sa labas nila Steffi at Winston ay dumeretsyo na sila sa trabaho ni Steffi. Nag-aabang na sa kanya si Jun-Jun at si Mina kasama ang isang lalake na nakabodyguard suit.
"Steffi buti naman hindi ka late ngayon?" Sabi ni Jun-Jun. "Saka nga pala, siya pala yung bago mong bodyguard.' Sabay turo sa lalake nakasama nila. "Pinadala siya ni President Ahn. Wag ka na daw tumanggi dahil pag tumanggi ka daw at napahamak ka, wala na daw siyang magagawa."
Hindi na naka-imik si Steffi.
"Steffi mas ok na may bodyguard ka. Mas mapapanatag din ako syempre ganoon din ang mga parents mo." Sabi ni Winston.
"O Sige na. Okay na!" Sabi ni Steffi. "Pero teka nga lang siya lang mag-isa?"
"Steffi sabi ni President Ahn, daig pa nyan yung limang bodyguard na ibibigay niya sana sayo." Sabi ni Mina.
Lumapit yung bodyguard ni Steffi sa kanya at nagpakilala.
"Nathan Kim, at your service." Sinabi niya kay Steffi.
Character UPDATE:
Lee Min Ho as (Nathan Kim) - Ang gwapong bodyguard na hi-nire ni President Ahn. Para masecure ang kaligtasan ni Steffi Cheon.
Balik sa story ...
Tinignan siya ni Steffi mula ulo hanggang paa at saka ngumiti sa kanya.
"Hay! Alam ko na yung mga story na ganito. Napanood ko na ito. Sa una body-bodyguard lang tapos as time past by ung bodyguard nagiging boyfriend tapos asawa pa nga. Ito lang sasabihin ko sayo. May Matteo Do na ako. So don't ever dare to fall in love with me." Pabirong sinabi ni Steffi.
"Alam ko iyon. Wag kang mag-alala." Sagot ni Nathan.
Pagkatapos nun ay dumeretsyo na sila sa loob ng set. Sinundan ni Nathan si Steffi kahit saan siya magpunta.
Sa loob ng set ...
Nagulat ang Director kung bakit ang aga ni Steffi.
"Nananaginip ba ako? Steffi buti ang aga mo ngayon? Masaya ako na hindi ka nagpapaapekto sa mga nangyayari ngayon."
"Hindi naman Direk. Kailangan ko lang talagang gawin ito para sa mga fans ko."
Narinig ito ng mga staffs sa set at pinuri si Steffi.
"Ang bait naman pala ni Steffi!"
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...