Sa bahay nila Matteo at Steffi.
Ginawa talaga lahat ni Winston para maalagaan si Thania.
"Thania. Sa totoo lang hindi ko alam yung mga nangyayari. Aam ko na may mabuti kang reason kung bakit mo kinailangan magpanggap. Hindi kita kilala. Sigurado lang talaga ako na ikaw si Thania. Sa pag gising mo gusto kitang makilala."
Ilang minuto lang ay may nagdoorbell na.
"Siguro sila Steffi na 'yon." Sabi ni Winston. Kaya agad siyang lumabas para buksan yung gate.
Nakita niya ang isang taxi at isang matanda. Oo si Mr.Jang.
"Ano po 'yon?"
"Ako si Mr.Jang kasama ko si Steffi. Nawalan siya ng malay. Nandyan ba si Matteo?"
Agad binuksan ni Winston yung gate at tinignan si Steffi. Binuhat niya ito at hiniga sa sofa. Napansin din niya ang paglaki ng tyan ni Steffi kaya naisip na niya agad kung bakit nagpanggap si Thania. Pinatuloy niya din si Mr.Jang.
"Si Matteo kasama niyang umalis si Steffi! Bakit anong nangyari? Bakit nawalan ng malay si Steffi? Nasaan si Matteo?"
"Iho hindi ko din alam. Naguguluhan din ako sa mga nangyari. Nagising nalang ako at nagulat na nandoon si Steffi na iyak ng iyak. Hinahanap niya daw si Matteo. Hindi ko alam bakit nagpunta sila sa bahay namin. Sa katunayan mahilo-hilo pa ako ngayon."
Saka tinawagan ni Winston si Matteo. Pero can't be reach daw. Tinawagan nalang ni Winston si Yuan para may kasama siya sa pagbabantay.
"Ano?! Si ate Steffi nahimatay? sige papunta na ako Winston.
Nakarating agad si Yuan sa bahay nila Steffi.
"Winston bakit ikaw ang nandito? Nasaan si kuya Matteo?"
"Hindi ko alam... Dinala lang siya dito ni Mr.Jang. Pero tinawagan ko siya kanina. Sabi niya ay kasama niya daw si Matteo."
"Napaka-imposible na iwan ni Kuya Matteo si Ate Steffi ng basta basta."
"Pakiramdam ko may hindi tama." Sabi ni Mr.Jang.
"Ano po ang ibig nyong sabihin?" sabi ni Yuan.
"Nagpunta sila sa bahay namin ng hindi namin alam. Pakirandam ko ay may kumontrol sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang pumunta sa bahay namin ngayon. Hindi naman kami naghanda para sa anniversary namin pero may mga pagkain na nakahapag doon sa mesa. Baka ang mga kaaway nanaman ni Matteo yung may pakana nito."
"Naku! Paano si Ate Steffi nito. Buntis pamo siya at hindi siya pwedeng nastress."
Pinauwi muna nila Winston si Mr.Jang para nakapagpahinga.
Doon na natulog si Winston at Yuan.
Kinabukasan...
Thania's POV
Nagising ako kinaumagahan. Bigla ko lahat naalala ang buong nangyari kagabi. Nahuli na ako ni Winston. Lagot sa akin yun pag nakita ko! Ninakawan ba naman ako ng halik. Saka na ako tumayo sa kama at parang nakarinig ng babaeng umiiyak. Agad kong hinanap at nakita ko si Steffi sa kabilang kwarto. Pulang pula ang mga mata niya. Kasama niya si Winston at si Yuan.
"Steffi? Napano ka? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.
Saka niya ako niyakap ng napakahigpit.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanficAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...