"Ding.... Dong..." Biglang may nagdoorbell.
"Matteo? Matteo?" Patakbo niyang sinisigaw ang pangalan ni Matteo. Agad-agad siyang pumunta sa pinto para buksan ito.
Bubuksan na sana niya ang pinto pero napatingin siya sa salamin at napansin niya na hindi pantay ang make-up niya. Hindi niya pa nama-make up ang kabilang pisngi niya.
"O-M-G!" Tumakbo siya pabalik sa kanyang kwarto at nag-ayos. "Dapat maganda ka Steffi! Magandang Maganda!"
"Ding.... Dong..." Tumunog uli ang doorbell.
"Sandali lang! Andyan na ako honey..." Sinabi niya ng palambing.
"Ayan Ayos na! Ang ganda ganda mo talaga Steffi!" Sabay ngiti habang nakaharap siya sa salamin at tinitingnan ang sarili niya.
Pagkatapos mabilis siyang tumakbo pababa para buksan na ang pinto pero nadulas siya.
"Ouch! Ouch! My leg!" Pero tumayo pa din siya. Nakita niya sa salamin na nagulo yung buhok niya inayos niya ito ng mabilis at binuksan na ang pinto.
Pagkabukas nya ng pinto...
"Hi! Friend!" Biglang sabi ni Kathy.
"Ate bakit ka nagsisisigaw? Anong nangyare?"
"Kathy? Yuan?" Nasabi nalang ni Steffi ang kanilang mga pangalan.
"Ahh? Pinasasabi ni mama dalian mo na daw. Ayaw siyang tigilan ni President Ahn sa cacall. Nasaan ka na daw. Ikaw talaga." Sabi ni Yuan. "Nga pala andyan si Kuya Matteo? May itatanong sana ako sa kanya." dagdag pa niya.
Napaupo nalang sa sahig si Steffi . Tumulo ang luha niya at tinignan ang pasa sa kanyang binti.
"Friend? Anong problema? umalis nanaman ba siya?"
Tumango nalang si Steffi.
"Ate babalik yun. Halika tayo kana banyusan natin yang pasa mo. Baka magalit pa sa akin si Kuya Matteo pagnakita niyang may pasa ka dyan."
"Steffi, sumabay ka nalang din sa amin. Hahatid ka nalang namin ni Yuan kung saan ka magsho-shoot."
Habang nasa loob ng sasakyan ...
"Steffi nasaan ba ung manager mo? Dapat susunduin ka niya diba?" Sabi ni Kathy.
"Napag-usapan kasi namin ni Matteo na siya ang maghahatid sa akin ngayon. Papanoorin niya daw ako."
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...