Sa office ni Detective Park...
Kaagad na nakadating sila Matteo sa Office ni Detective Park para makuha yung kwintas. Pagkadating nila sa office agad na bumaba si Luna at Matteo.
"Matteo, nandito na nga kayo. Ang bilis ha. Sigurado ako na napakaimportante talaga nito." Sabi ni D. park sabay labas ng kwintas ni Luna galing sa bulsa niya.
Napayakap si Luna kay D.Park.
"Maraming maraming salamat po talaga D. Park!" maluha-luha na sinabi ni Luna.
Pagkatapos ay sinuot ni Detective Park yung kwintas kay Luna.
"Walang anuman Luna. Masaya ako na makatulong sayo."
"D. Park papaano nyo po nakita yung kwintas ni Luna?" Sabi ni Nathan.
"Si Reanne. Yung anak kong babae. Binigay daw sa kanya yan ni Boy Kalbo yung kumuha ng kwintas ni Luna. Noong nalaman niya na nakaw yung kwintas na ito. Agad niya itong pinasauli sa akin."
"Napakabait pala ng anak nyong si Reanne." Sabi ni Matteo.
"Syempre may pinagmanahan eh." sagot ni D. Park.
"D. Park gusto ko pong makilala si Reanne. Gusto ko pong makapagpasalamat sa kanya." Sabi ni Luna.
"Osige minsan sama ka namin paglalabas kami. Para makilala mo siya Luna."
Tumango si Luna ng nakangiti. Pagkatapos ay tumingin siya kay Matteo.
"Kuya Matteo, sa wakas nahanap din po natin." Sabi ni Luna.
After nilang kunin yung kwintas ay bumalik na sila sa Condo.
"Luna kanino mo ba galing yung kwintas na yan? " Tanong ni Nathan.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...