"Teo ayos na ba yung gamit mo? Babalik na tayo sa Korea."
"Yes Pa."
Ako si Teo. Nasa Australia kami ngayon dahil sa business meeting ng tatay ko.
"Good. Nandyan na yung sundo natin. Ihahatid na tayo sa airport in 5 minutes. Make sure na wala kang nakalimutan."
"Opo maayos na po ang lahat."
"Teo kumain ka muna baka nagugutom kana." Sabi naman ni mama.
"Busog pa po ako ma. Mamaya nalang sa plane siguro."
Ilang minuto ang lumipas ay dumating na ang sundo namin.
Habang nasa sasakayan.
Nag-usap kami ni mama. Katabi ko siya sa likod at si papa naman ay nasa harap.
"Teo ang bilis ng panahon no? Mag-eieighteen years old kana nyan."
"Oo nga ma. Maraming salamat po talaga sa lahat."
Napakabait sa akin ng parents ko ngayon kahit na hindi ko sila tunay na mga magulang.
10 years old ako noon ng magpagala-gala ako sa daan. Wala akong kasama, wala akong makain, at wala ding pamilya.
Ang pinaka mamahal ko na nanay na si Nay Emi ay namatay sa panahong hirap na hirap kami sa buhay.
Iniwan kami ng tatay ko sabi ni nay Emi. At siya lang talaga ang nag-aruga saka nagpalaki sa akin ng walang katulong. Naalala ko pa noong nagtitinda kami ng isda sa palengke. Sinasamahan ko pa talaga siya minsan pag wala akong klase. Nakakamiss yung boses niya, yung yakap niya, yung amoy niya.
Kahit maliit lang ang bahay na tinitirahan namin nagsusurvive pa din kami ang importante ay magkasama kami. Nakatira kami malapit sa dagat. Kaya yung simoy ng hangin ay maalat pero presko.
Isang gabi noon ay disoras na at wala pa siya. Ang tagal kong hinihintay ang nanay ko. Dati rati sa mga ganoong oras ay nandoon na siya. Kaya alalang-alala ako.
Saka may kumatok sa sira sira naming pinto.
"Teo anak nandito na ako."
Pagkarinig ko nung tinig niya ay tuwang-tuwa ako. Tumayo ako at niyakap siya.
"Nay saan kayo galing?" Sabi ko.
"Anak pinaubos ko lang yung tinda kong isda. Kumusta yung school? May assignment ka ba?"
"Opo nay. Ginawa ko na kanina."
"Ay ang sipag talaga ng anak ko. Masipag na matalino pa."
Saka niya ako niyakap at pinaghahalik-halikan.
"Bukas ibibili kita ng pasalubong pagkauwi ko."
"Talaga nay? Salamat po!"
Noong bata ako maski anong ibigay ni nanay sa akin masaya ako dahil alam kong pinaghirapan niya iyon at galing iyon sa kanya.
May mga panahon na may nagagawa ako na hindi ko mapaliwanag. Sinabi ni nanay kahit noong sanggol palang ako ay nakikita na niya ang kakayahan kong ito. Sa simpleng patak lang daw ng tubig ay nagigising ako at umiiyak. Napansin niya din na gunagaling agad yung mga sugat ko. Kaya sobrang kinis ng balat ko. At nagagawa kong pagalawin ang isang bagay kahit hindi ko hawakan. Tinuruan ako ni nanay na huwag gamitin ang kakayahan ko sa harap ng mga tao. Sinabi niya sa akin na huwag ko daw ipagsasabi ito at baka mapahamak daw ako.
Si nanay Emi lang ang tangging nakakaalam sa mga kakayahan na kaya kong gawin. Nangako ako sa kanya na kailanman ay hindi ko gagamitin ito.
Habang lumalaki ako napansin ko din na sobrang linaw ng mga mata ko. Minsan tinuro ko sa mga kaibigan ko yung eroplano na nasa langit. Pero kahit anong turo ko at paliwanag kung nasaang position ito hindi pa din nila makita.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...