34th Record: MATTEO (Doubted)

197 11 4
                                    


"Soffi Kim po."

Nung marinig ko yung pangalan na iyon mula sa isang student ko ay naalala ko ang mga anak namin ni Steffi. Kumusta na kaya siya ngayon. Maayos kaya ang kalagayan niya. Bumilib ako sa sagot ni Soffi. Habang sumasagot siya ay pumasok pa nga sa isip ko, paano kung siya ang anak ko. Paano kung siya si Soffi. Pero napakaraming Pangalan na Soffi sa mundo. Napakaliit lang ng percentage na siya ito.

"Teo Park po."

Nung marinig ko yon doon ko naramdaman yung pagkamiss ko sa mga anak ko. Naramdaman ko yung sakit na naramdaman ni Steffi noong mawala ang mga bata. Teo. Pangalan ng anak ko na lalaki. Soffi at Teo. Magkatabi pa sila sa harap ko. Sila na nga ba ang mga anak ko?

Hindi ako nakakasiguro. Pero isang bagay ang sinabi ni Steffi na meron ang mga anak namin. Iyon ay ang kwintas na may hugis bituin. At may mga pangalan na Soffi at Teo sa likod. Kapag nasa kanila ang kwintas na iyon ibig sabihin sila na nga. Sila na ang mga anak ko.

Lumipas ang ilang linggo at isang buwan. Nakita ko na masipag sila Soffi at Teo. Kahit na hindi pa ako sigurado kung sila nga ang mga anak ko napalapit na ang loob ko sa kanila. Nakita ko din na naging malapit sila sa isa't isa lagi nga silang nagbibiruan. Si Soffi ay Kim at si Teo ay Park. Kung sila ang mga anak ko bakit magkaiba sila ng apilido? Madalas pumapasok sa isip ko yung mga random thoughts na ganito.

Nakwento ko din kay Ate Thania yung tungkol sa dalawa kong students. At nagsagawa siya ng background check sa dalawa.

Nalaman ko na si Soffi ay anak ng isang bumbero at ang nanay niya ay may bakery.
Si Teo naman ay anak ng may ari ng SEO University.

Isang buwan nanaman ang lumipas pero hindi ko pa din napapatunayan kung sila nga ang mga anak ko.

"Mr. Matteo Do tawag po kayo ni Mrs.Shin sa office." Sabi bigla ng isang student assistant habang nakaupo ako sa faculty room.

Saka naman ako pumunta.

"Mr.Do may bagong transfer student sa Class 4-A. At balita ko anak siya nung nagdonate ng malaking halaga sa SEO University last month. Kaya sana treat her well. Okay?"

Tumanggo ako at nagpaalam. Ganito na talaga ngayon kapag may pera magagawa mo na lahat. Ang daming humahabol na late enrollees para makapasok sa Class 4-A pero hindi nila pinayagan. Pero dahil sa suhol nakapasok itong transferee na ito.

Kinabukasan...

"May bagong transferee tayo." Sabi ko sa klase. Saka ko tinawag ung transferee.

Pumasok siya. Tumayo sa harap at nagpakilala.

"Hi I'm Gwen Oh. Nice to meet you."

Naghiyawan yung mga students ko na lalaki. Tinignan ko si Teo at buti nalang hindi siya nakisama. Matino talaga ang batang ito.

"OMG Soffi nandito ka pala." Biglang sabi ni Gwen.

Lumapit siya kay Soffi at niyakap ito.

Kaibigan pala siya ni Soffi.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon