Character UPDATE:
Kal So Won as (Luna): Isang batang babae na mukhang 8 years old lang sa Earth pero 35 years old na talaga. Nakatira din siya sa Allho at kapatid niya si Dominic Han.
Pagkatapos sabihin ni Luna ang mga salitang iyon. Hindi maalis sa isip ni Matteo kung ano ang pwedeng gawin ni Luna. Isa lang naman siyang hamak na batang babae. Tahimik at mahiyain pa nga.
Napagpasyahan ni Matteo na dalin muna si Luna sa Condo kasama si Nathan para mas makapag-usap sila ng maayos. Nagulat si Nathan ng makita niya si Luna.
Habang nasa kotse papunta sa Condo ...
Tahimik ang lahat. Si Matteo ay tulala pa din. Si Luna naman ay panay ang tingin kay Nathan. Si Nathan naman ang nagdri-drive ng kotse.
"Luna, may problema ba?" Sabi ni Nathan noong napansin niya si Luna na panay ang tingin sa kanya.
"Wala po. Paano nyo po nalaman kung sino ako?"
"Ah. Oo nga pala. Nakalimutan ko. Ako to kapatid ni Matteo, Nathan nalang."
Nagulat si Luna.
"Kayo po ba talaga yan?"
"Oo Luna." Ngumiti si Nathan at saka tinignan si Luna.
Pagdating sa Condo ...
Sumakay sila sa elevator pataas. Pagkatapos ay dumeretso sila agad sa condo ni Matteo.
Pumasok sila sa loob at umupo sa sala. Kumuha sandali ng maiinom si Nathan sa kusina. Pagkatapos ay binigay kay Matteo at Luna.
Binigyan naman ng towel ni Matteo si Luna.
"Luna, Magpatuyo ka baka lagnatin ka nyan."
"Kuya Matteo, Hindi po ako nakakaramdam ng ginaw. Wala po ito kumpara sa lamig sa Allho."
Naalala ni Matteo na isa ding taga Allho si Luna. Isa sin siyang alien katulad nila.
"Pasensya na Luna, Medyo lutang pa kasi si Kuya Matteo mo ngayon." Sabi ni Nathan.
Pagkatapos noon ay nagbihis nadin si Matteo at Nathan. Pinahiram muna ni Matteo yung damit ni Steffi kay Luna. Isang t-shirt na super fit noon kay Steffi pero kasyang kasya naman ni Luna.
Umupo sila ulit sa sala pagkatapos magpalit.
"Luna matanong ko lang, Magkakilala ba kayo ni Steffi." Sabi ni Matteo.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...