☆DOMINIC'S POINT OF VIEW☆
.
.
Noong una hindi ko inakala na magiging ganito ang buhay ko sa Earth. Talagang ibang-iba ito sa buhay ko sa Allho.
.
Sa Allho napakaliit ng tingin nila sa akin. Pero dito, tinitingalaan ako lahat ng tao sa ayaw at sa gusto nila.
.
Naalala ko noong araw na iyon noong marinig kong nag-uusap sila Matteo. Narinig ko na pinag-uusapan nila ang paglalakbay sa isang wormhole papunta sa ibang planeta.
.
Pagkarinig ko noon ay tumakbo ako ng napakabilis sa centro para masumbong sila. Kung isusumbong ko sila, maaaring maparusahan din siya. Pwedeng ma-seal din ang kakayahan niya kagaya ng nangyari sa akin. Pero bigla akong napatigil sa pagtakbo. Naisip ko na pwede akong pumunta sa planetang iyon at doon siya sirain at doon maghiganti. Dahil sa Matteo Do na iyan naging ganito ang buhay ko. Kung hindi dahil sa kanya hindi sana naging ganoon ang buhay ko sa Allho, hindi na-seal ang kakayahan ko, at hindi nag-iba ung tingin sa akin ng mga taga-Allho.
.
Kinabukasan bumalik ako doon sa lugar kung saan ko sila nakita at narinig. Pero wala na sila, nagdesisyon ako na sundan sila sa wormhole na iyon.
.
Pagkapasok ko sa wormhole wala akong makita. Napakadilim at para bang nahuhulog ako sa kawalan. Pero nagkamali ako dahil bumagsak ako bigla sa semento. Pagkabukas ko sa mga mata ko may isang lalaki ang nakatitig sa akin. Naglaki mga mata niya at parang gulat na gulat siya. Sinabi ko sa kanya na huwag siyang matakot.
.
Inikot ko yung paningin ko. Nakita ko ang ilang bakal na nakaharang sa harapan namin.
.
"Anong lugar to?" Tanong ko sa lalaki.
.
"Kulungan." Sabi niya. Sumagot siya ng parang nagtataka. Pero napansin ko na natatakot parin siya.
.
"Kulungan?" Tumingin ako ulit sa kanya. Nakita ko ang balbas sarado niyang mukha at namamayat na katawan.
.
"Sino ka?" Tinanong niya sa akin.
.
Sinabi ko yung pangalan ko. Pagkatapos tinanong ko pangalan niya. Sinabi niya na siya daw si Jackson Lee.
.
Pagkatapos may isang lalaki ang dumating at sinigawan ako. Tinanong niya kung sino ako. Binuksan niya yung mga bakal na nakaharang at hinila niya ako kahit hindi pa ako nakakasagot. Pagkalabas ko sa masikip at madilim na lugar na iyon ay sinara niya ulit yung bakal na harang.
.
Gagamitin ko sana yung kakayahan ko sa lalaki na humila sa akin, nakita ko din kasi na may armas siyang dala. Pero naalala ko na wala ding epekto kung gagawin ko. Pero naramdaman ko bigla yung tapik ni Jackson sa likuran ko kaya ti-nry ko na din.
.
At isang napakalaking himala na gumana yung kakayahan ko. Napatigil yung lalaki na humihila sa akin at saka tumulala. Binura ko yung ala-ala niya at sinabing walang nangyaring masama.
.
Nagpasalamat ako kay Jackson at pinangakong babalikan ko siya dahil sa naitulong niya sa akin. Pagkatapos non umalis na ako. Nagteleport ako papunta kung saan.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...