Sa KMT 184.05/ ALLHO ...
☆MATTEO'S POINT OF VIEW☆
Pagbukas ng mga mata ko ay nalanghap ko ang simoy ng hangin na matagal ko nang hindi nalalanghap. Naramdaman ko din na unti-unti akong lumalakas muli. Tumayo ako at nakita ko muli ang magagandang tanawin sa aking planet.
Ang Allho kilala din sa pangalang KMT 184.05 sa planet Earth. Ang planet Allho ay halos kagaya din ng planet Earth. Ang tanging pagkakaiba lang ay ang laki nito. Mas malaki ang planet Earth kaysa sa planet Allho. Magkaiba rin ang bilis ng kanilang rotation sa axis kumpara sa planet Allho. Kung ang isang araw sa planet Earth ay 24 hours, ang isang araw sa planet Allho ay almost one year na ng sa planet Earth. Sa gravity naman mas malakas ang pull of gravity sa Earth kaysa sa Allho. Nagagawa naming tumalon ng napakataas at magstay sa ere ng ilang segundo bago makababa sa lupa.
Dito sa Allho normal lang ang pagkakaroon ng mga abilities. Ang normal at mabagal naming pagtakbo sa Allho ay napakabilis pag-ginawa namin sa Earth. Medyo nahirapan ako sa pag-aadapt noon pero nasanay din ako habang lumilipas ang panahon.
Ang mga tulad ko na nabubuhay sa Allho ay may iba't-ibang kakayahan. Sa katunayan merong paaralan dito para sa mga bata. Ang paaralang ito ay tumutulong sa mga bata na mapaalam kung papaaano gamitin ng tama at kontrolin bawat abilities nila.
Merong mga abilities na kaya ng lahat at may mga in-born abilities rin na iilan lang ang nakakagawa.
Ang pagteteleport o pagpunta sa isang lugar sa loob ng isang kurap lamang ay kayang gawin lahat ng mga taga-Allho.
Pero ang pagpapatigil sa oras gaya ng kakayahan ko ay hindi kayang gawin ng lahat. Sa katunayan ako palang ang may kakayahan na makagawa noon sa buong Allho.
Sa EARTH ...
☆STEFFI'S POINT OF VIEW☆
Nakatulog ako sa sasakyan. Pagkagising ko ay nasa Gold Palace na kami. Agad akong sumakay sa Elevator at pumunta sa condo ni Matteo. Pagkapasok ko sa pinto. Nakita ko si Matteo. Nakatayo siya at nakangiti sa akin. Sinabi niya sa akin na pinagluto niya ako ng dinner.
Pagkatapos sabay kaming kumain, sinubuan pa nga niya ako. Ang saya-saya talaga namin. Pagkatapos naming kumain, nagkwentuhan kami ng napakarami. Pagkatapos ay natulog kami ng magkatabi sa kama niya. Yakap-yakap ko siya at inaamoy-amoy ko panga sya. Ang bango niya. Super!! Pagkatapos pinikit ko ung mga mata ko pero hindi ako makatulog dahil may naririnig akong sumisigaw. Ang inggay lang talaga grabe. Istorbo lang ang peg?! Familiar pa nga sa akin ung boses na iyon parang si Mina. Palakas ng palakas ung sigaw.
Sabi "Jun-Jun! Jun-Jun! Mababangga tayo!"
Pagkarinig ko nung word na mababangga tayo. Nagising ako bigla. Panaginip lang pala ang lahat. Pero ung sigaw na naririnig ko ay totoo pala.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...