"Ms. Soffi congratulation perfect mo nanaman ang exam!" Sabi sa akin ng prof ko.
"Wow Soffi paano mo naperfect yung exam? Ang hirap kaya." Sabi ng kaklase ko.
"Soffi paturo naman kami." Sabi naman ng isa pa.
"Osige tuturuan ko kayo mamayang break time punta tayo sa library."
"Wow Ikaw na talaga Soffi! May beauty na may brain pa." sabi naman ni Betty. Siya ang malapit na kaibigan at classmate ko.
"Naku Betty huwag ka ng mangbola." sagot ko.
After namin kumain ng Lunch ay dumeretso na agad kami sa library para turuan sila.
"Ah ganoon pala iyon. Salamat Soffi!" Sabi ng kaklase ko.
"Ano ba yan hindi ko pa din gets." Sabi naman ni Betty.
"Hayaan mo Betty pagpumunta ako sa inyo papakaturo ko sayo."
"Naks naman Betty may instant tutor kana oh!" Sabi naman ng isa ko pang kaklase.
After ng klase ay umuwi na ako sa amin. Sumakay ako ng tren at naglakad papauwi sa bahay.
Ang bahay namin ay hindi kalakihan. Ang nanay ko ay may bakery shop sa harap ng bahay. Napakasarap ng mga baked niya na mga cake at tinapay. Ang tatay ko naman ay isang bumbero. Bilib ako sa kanya dahil madami talaga siyang naililigtas na buhay. May nakakatanda akong kapatid ang pangalan niya ay Lucy nag-aaral din siya sa school namin at scholar din siya kagaya ko. Kahit madalas na hindi kami magkasundo mahal na mahal ko pa din siya.
Habang naglalakad ako may nakasagi sa akin na lalaki at nagmamadali siya. Kaalis niya ay nakita ako ng babae na nagsisigaw.
"Magnanakaw! Magnanakaw!"
Tinuturo niya yung lalaki na nakasagi sa akin.
Tinignan ko ulit yung lalaki at sinubukang habulin. Pero hindi ko dapat pakatakbo dahil baka atakihin nanaman ako ng hika ko. Ako kasi yung taong napakasakitin talaga.
Kaya tinignan ko yung mga dadaanan niya at nakakita ako ng basurahan.
Inusog ko ng konti yung lalagyanan ng basura kaya natakid siya. May kakayahan akong kontrolin ang mga bagay bagay. Secret lang natin yan ha.
Sakto noong natakid yung lalaki nakasunod naman agad yung babaeng nanakawan at kinuha agad yung bag niya at pinagpapalo ito sa ulo nung magnanakaw.
"Ikaw magnanakaw ka nalang. Tatanga tanga ka pa! Bagay sayo!" Sabi nung babae sa magnanakaw.
Nagpasalamat sa akin yung babae dahil sa concern ko daw. Hindi niya alam dahil sa akin nakuha niya yung bag niya.
Saka na ako dumeretso sa bahay namin.
"Ma nandito na ako."
"Oh Anak. O merienda ka muna. Tikman mo yung bagong bake ko na tinapay. Masarap yan!"
"Ma masarap naman talaga pag ikaw ang may gawa."
"Naku nambola pa. Halika nga dito!"
Lumapit ako at niyakap ako ng mahigpit ni nanay.
Sa kusina...
"Si ate mo anong oras daw uuwi?"
"Ma hindi ko man siya nakita kanina sa school. Busy siguro sa mga projects and group presentation."
"Ah ganun ba. Sana makauwi naman siya ng maaga."
Si Ate Lian ay mas matanda sa akin ng isang taon. Kaschool mate ko siya kaso nga lang malayo masyado yung rooms namin sa school kaya hindi kami nagkikita.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...