Hapon palang ay nag-ayos na si Steffi para sa pupuntahan namin anniversary. Inimbitahan kasi kami ni Mr. Jang dahil icecelebrate daw nila ang araw ng kanilang kasal. May buong tiwala ako sa kanya dahil siya ang unang taong pinagkatiwalaan ko at siya din ang unang taong nakaalam ng tunay kong katauhan. Hindi kailanman pumasok sa isip ko na maari siyang magamit ni Dominic para sa kanyang kasamaan.
Noong mga oras na nasa loob na kami ng bahay ni Mr.Jang. Inalok niya kami ng wine pero tumanggi si Steffi dahil baka daw makasama sa mga baby. Kaya ako nalang ang uminom. Pagkatapos kong uminom. May tumawag sa phone ni Steffi at lumabas siya sandali.
Doon na nagsimula ang lahat.
Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko at hindi man lang ako makapagsalita. Nawalan ng malay si Mr.Jang at yung asawa niya. Saka biglang nagliwanag. Maliwanag na maliwanag. Hindi na ako halos makakita dahil sa sobrang liwanag. Pero bago pa man ako mapapikit nakita kong nakatayo sa aking harapan si Dominic Han at nangiti. Iyon ang huling alaala ko.
Akala ko katapusan ko na. Na iyon nalang ang hulinga araw ko. Pero nagkamali ako.
Binuksan ko ang mga mata. Nasilaw ako sa sikat ng araw. Huminga ako ng malalim. Naamoy ko ang amoy ng Earth. Pero parang may kakaiba. Hindi ko alam kung bakit pero sigurado ako na nasa Earth pa din ako. Tumayo ako at tinignan ang buong paligid. Nasa loob ako ng isang bahay na napakalaki. May malaking mga bintana kaya yung sikat ng araw ay tumatagos talaga sa loob.
Mukang napakayaman ng may-ari ng bahay. Sinubukan kong makalabas pero bago man ako makalabas sa pinto may tumunog na napakalas na ingay.
Parang alarm...
Kinabahan ako dahil baka akalain nilang magnanakaw ako. Saka may lalaki na lumabas.
"Hoy magnanakaw! Lumayas ka dito sa bahay ko! Magnanakaw!"
Pinagpapalo niya ako ng dala niyang walis.
"Teka lang po hindi po ako magnanakaw."
Tuloy lang siya sa pagpalo hanggang sa mapalo niya yung part sa ulo ko kaya nawalan ako ng malay.
Pagbukas ng mga mata ko. Ang daming mga pulis ang nakapaligid sa akin. Nasa prisinto na pala ako.
"Hoy! Kanina ka pa namin hinintay magkamalay!" sabi sa akin nung pulis na nasa harapan ko.
"Alam mo ba kung kaninong bahay ang sinubukan mong pasukan?!"
Patuloy lang sila sa pagsasalita. Hindi ko na sila maintindihan dahil sabay sabay sila. Hindi man lang ako makapagpaliwanag sa kanila.
"Anong kaguluhan ito?!"
Biglang sigaw nung lalaki sa likuran nila. Hindi ko naman siya nakita dahil nakapapan yung mga pulis.
"Ah sir ito po kasing lalaking ito nahuli na nagnanakaw sa bahay ni Mr.Hyung. Ito po kinakausap namin siya. Kanina pa namin kinakausap hindi man nga siya sumasagot."
"Aba matinde! Hindi talaga makakapagsalita yan sa sobrang gulo niyo. Sabay sabay kayo magsalita alam niyo ba?."
Tama nga naman. Buti pa yung lalaking ito naiintindihan ako.
"Umalis nga kayo diyan. Ako ang kakausap sa kanya."
Pagkaalis ng mga pulis sa harap ko. Nakita ko ang isang mukha ng isang matandang lalaki pero familiar yung mukha niya. Medyo may puti na yung mga buhok niya at parang namumukhaan ko siya. At may kahawig siya.
Pagkakita niya sa akin hindi ko alam kung anong nangyari. Para bang natulala siya at naglaki ang mga mata. Saka niya sinabi ang pangalan ko.
"Matteo?! Ikaw nga Matteo!"
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...