☆MATTEO'S POINT OF VIEW☆
.
.
Sa wakas dumating din ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan makikita ko na muli ang aking mahal. Isang taon na sa Earth ang nakalilipas mula noong nawala ako at nakabalik dito sa Allho. Pero ngayon na sapat na ang naipon kong lakas magagawa ko nang makabalik muli.
.
Alam ko na pagbalik ko yan sasalubungin ako ni Steffi kasamang kanyang mahigpit na yakap. Miss na miss ko na talaga siya. At hindi na ako makapaghintay na makabalik muli sa piling niya.
.
.
Balik kay Steffi ...
.
.
Habang nahuhulog pababa si Steffi mula sa taas ng building, bumalik siya bigla sa sarili niya.
.
Napasigaw si Steffi ng napakalakas noong marealize niya na nahuhulog siya pababa.
.
Ramdam niya yung lakas ng hangin na humahampas sa kanya, ang takot at ang bilis ng tibok ng puso niya. Ramdam niya din ang pangamba na ito na ang huling araw niya sa mundo.
.
Noong makita niya na malapit na siyang bumagsak. Ipininikit niya ang kanyang mga mata. Bigla niya nalang nasambit yung sinisigaw ng kanyang puso.
.
"M-matteo ..." sabi ni Steffi.
.
"M-matteo ... M-matteo ..! Matteo !!!" Palakas ng palakas na sinigaw ni Steffi.
.
.
☆KATHY'S POINT OF VIEW☆
.
.
Masayang masaya kami noon. For the first time nakabonding ko yung sikat na artista na si Lucy. Nakilala ko din lalo si Winston. Kahit papaano noong mga oras na iyon ay nalimutan ko yung sakit na dinadamdam ko ilang araw na.
.
Ikaw ba naman ang iwanan after mong ipagtapat yung nararamdaman mo. Iniwanan niya ako ng wala man lang sinabing sagot. Tumakbo lang siya bigla. Ganito na ba ako kapanget?
.
Nasa loob ng kwarto niya si Yuan noon, kumatok ako para ibigay sa kanya yung kape na pinatimpla niya. Pagkapasok ko sa loob, nakita ko na busy na busy nanaman siya sa kakatingin sa kalangitan gamit ang telescope na bigay ni Matteo. Dala ko din sa mga oras na iyon yung mga origami na hugis heart na ginawa ko at inipon na nakagalay sa loob ng isang clear jar. Naisip ko na kailangan ko na talagang ipagtapat ang nararamdaman ko sa kanya.
.
Nilapitan ko siya at pinatong yung kape sa table.
.
"Salamat Kathy."
.
"May bago ka na bang nadiscover?"
.
"Wala naman tinitignan ko lang yung mga bituin. Nakakarefresh kasi talaga kasi kapag nakikita ko yung ganitong view."
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...