22nd Record: Samantha Park

1.2K 29 1
                                    

Character Update:
Kim Ji Won as Samantha Park

Kakagising lang ni Steffi. Tumayo siya agad at tinitigan si Matteo na sarap na sarap pa din ang tulog.

"Ang gwapo talaga ng asawa ko lalo na pag natutulog."

kinuha niya yung phone niya. Nakita niya na meron siyang 50 miscall and 26 messages galing sa mama niya.

"Steffi! Tumayo kana. Kanina pa kami dito ng daddy mingo mo!"

"Steffi babalik nalang kami."

"Anak pabalik na kami. Paghanda mo kami ng tea okay?"

"Steffi nandito na kami sa kanto."

"Steffi!!! Kanina pa kami doorbell ng doorbell!"

"Anak nasaan kayo? May nangyari ba?!"

"Steffi sagutin mo tawag ko."

"Steffi!!!!!!!!!"

"Anak!"

Ilan lang yan sa mga text na nareceived ni Steffi galing sa nanay niya.

Matapos basahin ni Steffi yung mga messages agad niyang ginising si Matteo para buksan ang pinto.

Malaki-laki na din ang tyan ni Steffi. Dahil sa pagbubuntis niya.

"Matteo nandyan sila Mama tumayo ka na."

Agad namang napatayo si Matteo ng marinig niya ang sinabi ni Steffi.

Tumakbo si Matteo pababa at agad na binuksan ang pinto. Saka niya na kita ang nanay at tatay ni Steffi na nasa duyan.

Pinuntahan niya sila agad.

"Hoy Matteo. Kanina pa kami naghihintay dito. Akala ko kung napano na kayo."

"Napasarap lang po ang tulog namin ni Steffi. Sorry po Ma."

"Alam mo ba Matteo. Kulang nalang eh ireport na sa kayo sa mga pulis nitong si Lynelle. Ang O.A. naman kasi akala niya eh may nangyari nang masama sa inyo."

"Pasensya na po talaga. Tayo na po. Pasok po kayo. Pinagtimpla na kayo ng maiinom ni Steffi."

Saka na sila pumasok sa loob ng bahay.

"Steffi anak ko kumusta ka na?" Sabi ng mama ni Steffi sabay yakap sa kanya.

"Ayos lang naman Ma. Pa masaya ako na makita kayong magkasama ni Mama." Nakangiting sinabi ni Steffi.

"Anak. Yun nga yung pinunta namin dito." sabi ni Mingo. Saka niya inakbayan si Lynelle.

"I think I smell something fishy. May paakbay-akbay pa kayong nalalaman ah." Nasabi nalang ni Steffi habang natatawa.

"Steffi napagdesisyunan namin ng papa mo na magpakasal ulit."

"OMG! Is that real? Papa?"

Tumango naman si Mingo. "Alam kong naging mahirap yung sitwasyon namin ng mama mo noong nakaraan pero alam ko sa puso ko na mahal na mahal ko pa din siya."

"Sweeeeet! Aray!" Napayuko si Steffi ng maramdaman niya na sumipa sa tyan niya yung kambal.

"Ayos ka lang Steffi?" Sabi ni Matteo.

"Naramdaman ko yung sipa nila."

Nilagay ni Lynelle yung kamay niya sa tyan ni Steffi.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon