Character Update:
Gwen- Alalay ni Samantha.
"Ibubulgar natin yung impostor na Steffi?"
"Oo. Gaga! Ulit-ulit?!"
"Miss Samantha papaano ka naman nakakasigurado na impostor siya?"
"Ewan ko. Pero I really feel weird sa Steffi na 'yon. Gwen ikaw nagparetoke ka di ba?"
"Oo yung ilong palang. Tas susunod yung cheeks ko papaayos ko."
"See. Dahil sa pera naiba mo yung mukha mo. Feeling ko nagparetoke din yung Impostor na Steffi na 'yan."
"Kung impostor yung Steffi kanina. Nasaan naman yung totoong Steffi?"
"I don't know. Baka patay na? Nevermind. Hahanap tayo ng proof para mamake sure natin na impostor talaga yung Steffi na 'yan."
Sa loob ng set...
"Anong gulo nanaman ito! Umiinit dugo. Bukas na natin ituloy ang lahat. Umuwi na kayo!" Sabi ng director.
"Steffi ayos ka lang?" sabi ni Winston.
"Oo, Winston salamat."
"Sa susunod Steffi huwag mong hayaang tapakan ka ng ganoon."
"Ano bang sinasabi mo? Tapakan? Duhh. I'm Steffi Cheon walang sino man makakagawa noon sa akin."
"Ok. Sorry. Alam ko naman."
"Alam mo winston. Umiinit yung ulo ko sa Samantha na 'yan. Bakit niya kailangang gawin 'yon. Hindi ko naman kasalanan kung bakit hindi siya yung lead role."
"May mga ganoon talagang tao. Hayaan mo nalang. Ano uuwi kana ba nyan? Susunduin ka ba ni Matteo?"
"Ummm. Hindi may pupuntahan muna ako."
"Samahan na kita?"
"Hindi huwag na. Thanks. For girls only yung lakad namin."
"Ahh may mga kasama ka naman pala."
"Oo si Lucy saka si Kathy and Mina.
"Sure. Sige ingat na lang kayo."
Saka na umalis si Winston.
"Thania. Gumana nanaman palusot mo ha." sabi ni Mina.
"Wala kailangan ko talagang gawin 'yon para mapagtakpan si Matteo at Steffi."
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...