46th Record: (Unveiled)

242 7 9
                                    

Sunog! Sunog!" Sigaw ng ilan sa mga tao.

Tumakbo kaagad si Teo papunta sa stage para alalayan si Soffi. Nakita ni Teo si Soffi na nakaupo habang nagtatakip ng tengga at mukhang takot na takot siya. May trauma sa sunog si Soffi.

Hinawakan ni Teo yung kamay ni Soffi. Napansin niya na nahihirapang huminga si Soffi. Kaya binuhat niya nalang ito pero pagkatayo ni Teo habang bitbit si Soffi biglang nahulog yung malaking lighting (spotlight) mula sa taas na nasa tapat ng uluhan nila.

Pagkakurap ni Teo ng isang beses tila tumigil ang lahat ng tao sa paggalaw. Nawala ang ingay. Pero ramdam pa din ni Teo ang bilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa taranta. Ramdam din niya malalim na paghinga ni Soffi. Lumingon siya sa itaas at nakita ang malaking lighting (spotlight) na nakalutang sa may uluhan nila. Hindi din ito gumagalaw. Napakakonting distansya nalang at matatamaan na sila. Tanging sila lang ni Soffi ang nakakagalaw. Naglakad unti-unti si Teo habang gulong-gulo sa mga pangyayari. Saka biglang may biglang may tumakbo papalapit sa kanila saka nagsabing "Ayos lang kayo?"

TEO's POV

Nasa backstage ako ng mga oras na iyon. Kakatapos ko lang ng scene ko at kasunod ko naman si Soffi. Solo scene niya sa stage kaya naman kabado talaga siya. Umupo ako sandali habang pinapakinggan siya na ideliver yung mga lines niya.

Pero ilang sandali lang ay biglang tumunog ang napakalakas na alarm. At tumutunog lang iyon kapag may emergency o sunog. Pagkalabas ko sa room ng backstage nakita ko na malapal na usok. Tumakbo ako agad pabalik sa stage para puntahan si Soffi. Ang mga tao ay sobrang nagkagulo. Nag-unahan talaga sila sa paglabas.

Nakita ko si Soffi na nakaupo at takot na takot. Tinakpan niya yung tennga niya gamit ang mga kamay niya habang nakapikit. Hinawakan ko agad yung kamay niya at binuhat. Pagkatayo ko humakbang ako ng ilang beses pero pagkakurap ko tumigil ang lahat sa paggalaw. Ano ito? Panaginip?

Tinignan ko si Soffi. Ramdam ko yung lalim ng paghinga niya. Tumigin siya sa paligid at tinignan ako. Saka ini-angat ni Soffi yung kamay niya sabay turo sa itaas.

Pagkatingin ko sa itaas nakita ko yung malaking spot light sa uluhan namin na nakalutang at hindi din gumagalaw. Kaagad akong lumayo sa spot light na iyon.

Pababa kami ng stage noong nakarinig ako ng mga yapak na parang tumatakbo. Tinignan ko agad ito at nakita ko sir Matteo.

Pagkarating niya sa amin tinanong niya kung ayos lang kami.

Hindi ako makasagot dahil gulong gulo ako sa mga pangyayari. Tumango nalang ako saka niya kinuha si Soffi at inalalayan kami papalabas ng building.

Habang papalabas kami ang mga tao ay nakatigil pa din. Tama. Tama, tumigil nga ang oras. Pero bakit nakakagalaw pa rin kami? Sino ang nagpatigil ng oras?

Pagkalabas namin ng building saka na nagbalik ang ingay at sigawan ng mga tao. Saka na dumating ang mga bumbero.

Nakita ko yung tatay ni Soffi na ala-lang-ala. tinawag ko siya agad para mapakita si Soffi. Tumakbo siya papalapit sa amin. Niyakap niya si Soffi. Ramdam ko yung ginhawa na malaman niyang ligtas ang anak niya. Saka siya tumingin sa amin ni Sir Matteo. Nagpasalamat siya ng napakabilis at tumakbo na pabalik sa truck para makatulong sa pag-aapula ng apoy.

Naapula naman nila ang apoy at hindi na ito nakuhang lumaki pa. Wala ding namatay o naaksidente.

Hinatid namin sa bahay nila si Soffi gamit yung sasakyan ni sir Matteo. Naiwan kaming dalawa habang papunta kami sa bahay namin, hindi ko naiwasang magtanong sa kanya.

"Kayo ba yung nagpatigil ng oras sir?"

Patuloy lang sa pagmamaneho si sir Matteo at hindi man lang kumibo.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon