Character Update:
Seo Kang Joon as Eroll- Kabarkada ni Teo. Mahilig sa mga babae lalo na yung mga magaganda at sexy. Kwela din at mapagbiro.
******Ok dumating na din ang time na pinaka hihintay ko! Ang overnight camping tour ng klase namin! This will be an all out fun! Lalo na pag kumpleto ang barkada.
"So nextweek na ang tour natin at good news dahil makakasama ang buong klase." Announcement ng PE Professor namin.
Siya kasi yung naassign na magguide sa klase namin.
"Ngayon palang siguro nakaready na yung mga gamit niyo dahil ramdam ko na yung excitement niyo!"
Nagtawanan ang buong klase.
Saka sinabi ni Sir yung mga safety precaution and rules na dapat naming sundin habang nasa tour.
Lumipas and isang linggo at ito na! Tour na namin. 3 am palang nasa SEO university na ako. Kahit 4am pa yung time na magkikita-kita. Si Teo dumating ng 3:45 am sakay pa din nung kotse niya. Rich kid kasi talaga ang taong ito pero secret lang namin yan.
4:30 am nagcheck na ng attendance si sir PE at buti naman ay kumpleto ang lahat.
3 hours yung biyahe namin papunta sa tour.
Nakadating din kami sa wakas. May pinuntahan kaming museum at mga Tourist spots. Noong bandang hapon ay pumunta na kami sa tutuluyan namin para makapagpahinga. Magkasama sa iisang bahay ang buong klase. Kaso sa first floor lang ang lalaki at ang mga babae naman ay sa second floor. Napakalaking sayang naman!
Habang nakahiga sa kama busy naman sa pagbabasa ng libro si Teo. Tapos, yung kaklase namin na athlete kasama din namin sa kwarto. Kanina pa push up ng push up si Levi.
Biglang nag ring yung bell.
Ibig sabihin kailangan naming magpunta sa lobby for announcement.
Kaya naman nagpunta kami agad.
"Ok class. Magkakaroon tayo ng activity bago lumubog yung araw. So you will be working in pair. Magbubunutan lang tayo kung sino yung makakapartner niyo."
Naghiyawan sa sobrang excitement yung mga kaklase namin.
Bumunot yung prof namin sa PE. Ang tagal mabunot ng pangalan ko.
"Ok next is Gwen. Ang makakapartner niya ay si...."
Sana wag ako please.
"TEO."
Ang malas ni Teo. Ang taray ng makakapartner niya.
Hangang sa matawag din ang pangalan ko.
"Eroll ang makakapartner mo ay si..."
Sana maganda sana maganda!
"SHEY."
Ahh. Si Shey ok. mabait naman siya. Pwede na.
Natapos din ang pagpapartner sa huli si Soffi at si Levi nalang ang natira kaya sila na ang magkapartner automatically.
"So by pair kayong papasok sa forest. Kailangan niyo lang mahanap yung mga flags na nakalagay sa palibot ng forest na yan. Huwag kayong mag-alala dahil wala naman masyadong ahas dyan kung meron man layuan niyo ito. Kagaya ng sinabi sa rules and regulation na diniscuss ko, remember? First group na maglalaban laban ay ang team ni Teo (Red), Levi (Green), Carlo (Orange), Matt (Yellow), and Eroll (Blue). In 10 minutes kailangan nakabalik na kayo dito. If wala kayo you are out of the game. Kung sino ang pinakamaraming nakuhang flags sila ang panalo. At pag panalo siyempre may special reward."
Pagkatapos niyang magexplain eh nagstart na ang game.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...