☆STEFFI'S POINT OF VIEW☆
Sarap na sarap ung tulog ko noon. Kainis lang dahil nagising ako sa ingay ni Mama. Pagkagising ko, tumayo ako agad para tignan kung anong nangyayari sa baba. Pagkakita ko sa kanila nakita ko na sinasabunot ni Mama si Nathan. Pagkakita ko kay Nathan napahinga ako ng napakalalim.
Si Nathan nandito? Ibig sabihin yung nangyari kagabi ay totoo.
Ano siya multo? Hindi! Hindi! Si Matteo kaya niya ding gawin iyon.
Hindi kaya Alien din siya? Hayyyy...
Tinanong ko sa kanya kung totoo yung nangyari kagabi para makasiguro ako pero mali pagkaka-intindi nila mama. Kaya lalo lang nagulo. Saka na rin nila sinabi na si Jun-Jun ay nasa Hospital at comatose.
Nakaramdam ako ng pagkaguilty. Dahil kami ni Mina nakaligtas pero siya hindi. Agad-agad akong nagpatulong kila Mama at Papa para puntahan si Jun-Jun. Pagdating namin sa Hospital.
Nakita ko si Jun-Jun, nakaratay siya at walang malay. Nakabenda pa yung ulo niya. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi ko din alam kung bakit napakaweirdo niya noong gabing iyon. Parang hindi siya yung Jun-Jun na kilala ko.
Nagbabantay doon yung lola niya na iyak pa din ng iyak. Tinanong niya sa akin kung anong nangyari pero hindi ako makasagot dahil ako mismo ay gulong-gulo pa rin. Pagkatapos kong makausap ang lola ni Jun-Jun ay nagpaalam na muna ako. Pagkalabas namin sa room ni Jun-Jun ay nakasalubong namin ung doctor. Sinabi niya sa amin na sa ngayon daw ay stable naman si Jun-Jun pero hindi daw niya tiyak kung kailan siya gigising kaya mas ayos kung maghanap muna daw ako ng bagong manager pansamantala.
Pagkatapos naming makausap ung doctor ay hinatid na ako ni Mama at Papa sa condo.
Pagkapasok ko sa condo, nakita kong nag-uusap sila Mina at Nathan.
Balik sa Abandunadong Building ...
Binisita muli nung lalaki si Jackson Lee. Nung malaman niya na hindi kasama si Steffi sa nangyaring aksidente ay galit na galit siya. Napasigaw pa siya ng napakalakas sa sobrang galit.
"Ikaw! Sinabi mo na nagawa mo ung plano!" Sigaw ni Jackson sa lalaking kausap niya.
"Iyon din yung akala ko. Jackson sinigurado ko na nandoon si Steffi noong mga oras na iyon."
"Narinig ko ung sigaw nung kasama niya na itigil daw ung kotse at mabubunggo daw sila. Pero napakaimposible naman na noong nabunggo ung sasakyan ay wala sila sa loob."
After niyang sabihin ito ay inikot ni Jackson ung sing-sing niya sa kanyang daliri at tinitigan habang siya ay galit na galit. At pagkatapos ay may sinabi siya sa lalaking kausap niya.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
Fiksi PenggemarAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...