Sa loob ng Room 4-A...
"Siguradong excited na kayong malaman kung sino ang mga characters na gaganap sa play niyo. Dahil kayong lahat ay nabigyan naman ng chance na magaudition may grades kayo siyempre. Graded din yung audition na iyon kaya wala kayong lugi kahit di mapunta yung role sa inyo." Sabi ng prof. nila sa P.E.
"Sir sino yung gaganap na Juliet?" Tanong ng isa sa mga kaklase nila.
"Maghintay ka sandali lang. Dadating din tayo dyan. Sa mga minor roles muna tayo." Sagot ng prof nila.
Saka na sinabi ng prof nila sa P.E. yung mga nakakiha ng minor roles. Pinapunta sila sa harapan at pinalakpakan.
"Ngayon malalaman na natin kung sino ang gaganap bilang Romeo and Juliet!"
Naghiyawan ang buong klase.
"Ang Romeo natin ay si Teo."
Saka sabay tawa ng napakalakas ni Eroll!
"Go! Romeo!" Sigaw niya habang tinitignan si Teo na parang nang-iinis.
Nagcheer naman ang buong klase para kay Teo. Hindi nakasama si Levi dahil exempted siya. May iba siyang event na sasalihan sa university days kaya sobra ang pag-prapractice niya.
"Teo pumunta ka dito sa harap." Sabi ng prof nila.
Tumayo si Teo at pumunta sa harap. Pinalakpakan siya ulit ng buong klase.
"At ngayon ang Juliet naman. Sino kaya?"
"Sabihin mo na sir!" Sabi ng ilan.
"Okay. Hindi ko na kayo bibitinin. Oras na din. Ang ating Juliet ay si Soffi!"
Hindi naman makapaniwala si Soffi. Napakasaya niya na nakuha niya yung lead role. May natatagong pagmamahal sa pag-aacting si Soffi na marahil ay naman siya sa nanay niya na si Steffi.
Pagkatapos noon ay naging busy na ang buong klase sa pagpreprepare ng play nila.
Hanggang sa lumipas na ang isang linggo.
Yapak palang ng mga takong ng sapatos niya ay rinig na. Alam na alam nilang nandyan na siya.
GWEN's POV
After one month ay nakabalik din ako. Wala akong kamalay-malay sa mga nangyayari sa school ngayon.
Napapatingin sa akin lahat ng nakakasalubong ko. Sabay sabing nandyan na si Gwen. Sikat talaga ako hindi ko na idedeny iyon. Pagkapasok ko sa room busy ang lahat.
"Anong meron?" Tanong ko sa isa kong kaklase.
"Oh Gwen nandyan kana pala! Nagpreprepare kasi kami para sa play na gagawin natin sa University days. Sa atin naaassign."
Ang saya ko ng marinig ko na may play kami.
"Talaga!? Anong play yung gagawin?"
"Romeo and Juliet."
"Wow! Maganda yun. Kailan daw pwedeng mag-audition for the role of Juliet? Bagay ako doon di ba?" Tanong ko sa kanya.
Ang tagal kong naghintay ng sagot pero wala siyang imik.
"Hoy! Tinatanong kita!"
"Ah? Ano kasi tanong mo?"
"Kailan pwedeng mag-audition sa role for Juliet?"
Saka naman biglang sumabat yung isa ko pang kaklase.
"Huwag ka ng umasa. Tapos na ang audition. Si Soffi na ang Juliet."
Doon na nasira ang araw ko. Nag-init ulit ang dugo ko. Bakit ba laging si Soffi! Soffi! Soffi! Siya nalang ang laging masaya! Siya nalang ang laging bida! Siya na! Siya na lahat!
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...