Thania's POV
Hindi ko mapaliwanag yung kaba na naramdaman ko noong nalaman namin na nasa hospital si Soffi. Magkasama kami ni Matteo noong panahon na iyon kaya agad-agad kaming pumunta sa hospital.
Nadatnan namin si Teo na alalang-alala din. Pero sa may upuan ay may babaeng umiiyak. Siya daw ang dahilan kung bakit nasagasaan si Soffi. Nilapitan ko siya para pakalmahin. Pero noong makita ko ang mukha niya pamilyar talaga ito. Doon na lumabas sa bibig ko ang pangalan niya.
"Luna?!"
Napatingin siya sa akin pero wala man siyang kibo. Nakita ko ang mga mata niya na namumula na sa kakaiyak. Sigurado ako siya si Luna. Ganito parin ang hitsura niya. Para ngang tumangkad lang siya at lumusog. Naalala ko bigla yung mga panahon na nakasama namin siya.
Everytime na nagpapacheck up si Steffi sa hospital may batang palagi na lumalapit sa kanya. Kapangalan niya si Luna na kapatid ni Dominic Han. Kaya naman ang gaan ng loob ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko 5 years old lang siya noon. Sobrang saya niya pag-nandyan si Steffi. Sabi ng mga nurse parang sa hospital na din lumaki si Luna. Sakitin daw kasi ito kaya nasa hospital nalang siya lagi.
Naging kaclose niya din si Steffi. Madalas nga silang nagkwkwentuhan noon. May binigay pa siyang drawing kay Steffi noon. Pero simula noong manganak si Steffi wala na kaming balita kay Luna. Hindi na namin siya nakita.
At ngayon nasa harapan ko siya.
"Luna, hindi mo ba ako naalala? Ako ito si Ate Thania."
Tinignan niya ulit ako.
"Pasensya po hindi ko po kayo kilala." Sagot niya.
Napa-isip ako kung bakit. Siguro nakalimutan niya lang kasi bata pa siya noon at matagal na panahon na iyon.
Lumapit siya kay Matteo na nagsorry. Inamin niya lahat ng ginawa niya para mahirapan si Soffi. Patuloy pa din siya sa pag-iyak.
Ilang sandali lang ay lumabas na ang doctor.
"Sino po ang guardian ng patient?"
"Ako po." Sagot ni Matteo.
"Stable naman po ang kalagayan niya. Buti nalang at hindi ganoon kalala ang nangyari sa kanya."
Doon na ako nakahinga ng maluwag.
End of Thania's POV
Kinabukasan nagkamalay na si Soffi. Pagkabukas ng mata niya ay nakita niya si Steffi. Pati din yung nanay at tatay niya na nag-ampon sa kanya. Doon na din sila nagkakila-kilala.
Napansin ni Matteo yung bilis ng recovery ni Soffi. Sandaling panahon lang ay naghilom na ang mga sugat nito. Pero binendahan pa din ito ni Matteo para hindi mapansin ng mga doctor.
Kinabukasan ulit... Isang araw nalang ay pwede ng umuwi si Soffi.
After ng klase dumeretso agad si Teo sa hospital. Pero noong papunta na siya sa room ni Soffi may nakasalubong siya na lalaki at nakatakip ng face mask yung mukha niya, may tulaktulak itong stroller at may babaeng nakahiga doon. Napansin niya na medyo hawig ni Soffi yung nakahiga pero hindi pumasok sa isip niya na si Soffi pala talaga iyon.
Pagkapasok niya sa room ni Soffi, hindi na niya ito nadatnan. Wala na ang kapatid niya sa kama. Kaya naman napatakbo siya ng napakabilis at hinabol yung lalaki na kasama ni Soffi.
Sa may parking lot...
Nakita ni Teo yung lalaki pati yung stroller. Kasalukuyang sinasakay sa loob ng kotse nung lalaki si Soffi. Sinuntok niya yung lalaki pero parang wala mang reaksyon yung lalaki. Ngumiti lang ito at biglang may tinurok kay Teo. Nag-umpisang nanghina si Teo kaya sinakay na din siya sa Kotse.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...