9th Record

4.1K 82 11
                                    

STEFFI'S POINT OF VIEW

Pagkatapos kong tawagin si Kathy. Nagcall naman sa akin si Winston. Sinabi niya na susunduin niya daw ako at sasama nalang daw siya sa amin dahil si Nathan daw ay may importanteng aasikasuhin.

After that, nagpaalam na ako kay Yuan, sumakay ako sa elevator. Suot ko yung paborito kong damit. Bigay kaya ni Matteo sa akin ito. Kulay brown syempre bagay na bagay sa akin. Tignan nyo nalang sa Media Section ng Wattpad para makita nyo talaga. Pagkalabas ko ng elevator nakita ko agad si Winston.

Nagkamustahan kami habang papunta sa Comic Store ni Kathy para sunduin siya. Sinabi niya bagay daw sa akin yung damit ko. Pagkatapos nagcall na si Lucy nandoon na daw siya. Pagkasundo namin kay Kathy dumeretso na kami sa mall.

Habang nasa loob kami ng sasakyan ni Winston. Tinanong ko kay Kathy kung napano nga ba talaga sila ni Yuan.

"Kathy pumunta si Yuan kagabi sa Condo at saka doon rin natulog. Ano ba nangyare?"

"Steffi huwag mo na ngang masabi-sabi yung pangalan na 'yan."

"Napano ba talaga kayo?"

"Kasi naman sinabi ko sa kanya yung feelings ko. Alam mo na yon. Tapos ayun biglang tumakbo papalabas. Natakot siguro siya sa akin."

"Baka naman tinakot mo nga. Mga lalake talaga. Hay..."

Pagkatapos nakadating na kami sa mall. Kinailangan kong magdisguise para maka-iwas sa mga tao. Nagsuot ako ng sun glasses. Alam nyo na pagnakilala nila ako tiyak magkakagulo, sa beauty ko ba naman na ito.

Pagka-park ng kotse ni Winston ay agad na naming pinuntahan si Lucy kung saan namin napag-usapan na magkita. Pagkakita namin sa kanya aba nakadisguise din ang buruha kong kaibigan.

Pagkatapos non shopping time na. Tingin ng damit dito, tingin ng bag doon. Lakad dito, lakad doon. Lipat dito, lipat doon. Naawa na nga ako kay Winston dahil halatang-halata na inip na inip siya. Pagkatapos non ay napag-usapan muna naming mag-coffee sandali at magpahinga.

Pumunta kami sa KimSu Coffee Shop sa mismong mall din na iyon. Grabe ang sarap ng coffee nila sa shop na ito. Habang nagpapahinga marami din kaming napagkwentuhan.

"Lucy kumusta naman yung new project mo? Balita ko napakataas ng ratings nyo at super sweet nyo pa daw ng kalove team mo."

"Ayos naman Steffi, medyo kalog nga yung role ko doon."

"Yung Queen In-Hyun's Man yon diba?"

"Oo, Queen In-Hyun's Man, katambal ko si Ji Hyun-woo. Siya si Kim Boong-do doon sa series."

"Hindi pa ba kayo?"

"Getting to know each other pa. Pero alam nyo, nafe-feel ko na siya na yung magpapatibok ng puso ko."

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon