Pagkapasok sa school ni Soffi ay pinagtitinginan siya ng mga students. Hindi niya alam kung bakit. Sinalubong siya ni Shey at mukhang may bad news siya na hatid.
"Soffi tignan mo yung nakasukat sa bulletin board."
Dahan dahang naglakad si Soffi. Saka niya nakita yung announcement sa board na suspended nga siya. Tumulo yung luha ni Soffi.
"Paano na ngayon. Scholar pa man din ako. Hindi ko dapat ginawa iyon." Sabi ni Soffi sa Sarili niya.
Niyakap ni Shey si Soffi.
Pinapunta ulit si Soffi sa Office.
"Dahil sa ginawa mo 1 month kang masususpend. Sana magsilbing aral sa'yo ito." Sabi ni Mrs. Shin.
Pagkalabas ng office ay nakita niya si Teo na naghihintay sa kanya.
"Soffi, anong nangyari?"
"Teo suspended ako."
"Bakit anong nangyari?"
"Kahapon kasi after P.E. nawala yung kwintas ko."
"Kahapon? Noong umalis kami nila Levi at Eroll para bumili ng project?"
"Oo. Hinanap ko na sa buong room pero hindi ko nakita. Sigurado akong si Gwen yung kumuha non. Kaya sinugod ko siya, hindi ko napigilan yung galit ko. Ako tuloy yung nagmukhang masama."
"Sumusobra na talaga yung Gwen na yan. Pag napatunayan kong kinuha niya talaga lagot sa akin iyon."
Saka na nagpaalam si Soffi. Umakyat sa rooftop si Soffi para mapag-isa.
Sa Roof Top...
Nakatayo si Soffi habang pinagmamasdan ang mgandang view ng kanilang bayan. Tanaw niya din dito ang kanilang bahay. Sumabay din ang preskong hangin na medyo nagpakalma din sa kanya.
Saka biglang may yapak ng mga paa siyang narinig. Lumingon siya at nakita niya si Gwen.
"Oh Soffi nandito ka pala." Sabi ni Gwen.
Hindi sumagot si Soffi.
"Masyado ka kasing warfreak ayan tuloy suspended ka."
"Tumigil ka na Gwen."
"Bakit nandito ka pa. Diba suspended ka bumalik ka nalang dito after one month. Sayang sigurado mamimiss kita."
Tumayo si Soffi at naglakad papalabas sa RoofTop pero tinawag siya ni Gwen,
"Soffi! Sandali lang."
"May nakalimutan pala akong ibigay. Sigurado magiging masaya ka."
Sa kabilang banda naman.
Nakasalubong ni Teo si Matteo...
"Teo nakita mo ba si Soffi?"
"Opo sir, nasa rooftop po siya. Papunta po ako ngayon doon. Binili ko nga po siya ng juice. Medyo stress po kasi siya sa nagyari."
"Ganoon ba? Gusto ko din siyang kausapin tungkol doon."
Saka na sila pumanik papunta sa rooftop.
Balik kila Soffi...
Tumayo si Soffi at naglakad papalabas sa RoofTop pero tinawag siya ni Gwen,
"Soffi! Sandali lang."
"May nakalimutan pala akong ibigay. Sigurado magiging masaya ka."
Lumingon si Soffi at nakita niya yung necklace niya na hawak hawak ni Gwen.
"Sinabi mong wala sayo! Singungaling ka talaga!"
"Utu-uto ka kasi. Bagay lang sa'yo yan."
Saka hinagis ni Gwen yung kwintas sa floor.
"Ayan Soffi sige kunin mo na yung kwintas mo kawawa ka naman."
Napahinga ng malalim si Soffi. Hinigpitan niya yung hawak niya sa bag niya. Tinitigan ni Soffi si Gwen. Yung titig na galit na galit.
Pinigil niya talaga yung galit niya. Pero hindi niya nakaya.
Saka na nawalan ng control si Soffi.
Pinalutang niya si Gwen. Gulat na gulat naman si Gwen at nagsisigaw. Sa sobrang tamot ni Gwen ay nawalana siya ng malay.
Saka saktong nakapasok si Teo at Matteo. Nakita nilang dalawa ang lahat.
Gulat na gulat si Teo sa nasaksihan niya.
Lumapit si Matteo kay Soffi at hinawakan ang balikat nito.
"Soffi, tama na." Sabi ni Matteo.
Saka nawalan ng malay si Soffi. Sinalo naman ni Teo si Gwen.
"Teo dalin mo si Gwen sa clinic."
"Yes sir."
Saka dinala ni Teo si Gwen. Naiwan sila Soffi at Matteo sa roof top.
MATTEO's POV
Paakyat kami noon ni Teo para puntahan si Soffi. Gusto ko talaga kasi siyang makausap tungkol doon sa nangyaring suspension niya. Pagkaakyat namin sa roof top nakita kong ginamit ni Soffi ang kakayahan niya. Siya na nga ba talaga si Soffi?
Siya na nga ba talaga ang nawawala kong anak?
Nilapitan ko siya at pinili ang mga salitang hindi makakapagpagaan ng loob niya. Pero dahil sa ginamit niya yung kakayahan niya ay naubusan siya ng lakas at nanghina.
Pinadala ko si Gwen sa clinic at naiwan kami ni Soffi sa Roof Top. Habang hawak ko si Soffi na wala paring malay may nakita akong nagniningning na bituin sa sahig. Isang kwintas na may hugis bituin. Pinulot ko ito at doon ko nakita ang pangalang SOFFI sa likod ng bituin.
Siya nga. Siya nga ang anak ko. Sa wakas nakita ko din siya!
Pagkabalik ni Teo ay may dala na siyang inumin. Nagkamalay na si Soffi pero nanghinina pa din siya.
"Anong nangyari?" Sabi ni Soffi.
"Magpahinga ka muna. Ito uminom ka ng tubig." Sagot ko naman.
Pinatawag ni Teo yung driver niya at hinatid si Soffi sa bahay nila.
Habang nasa Office ako. Hindi ako mapakli. Gusto kong yakapin si Soffi. Gusto kong makita na siya at makilala ni Steffi. Pero hindi ko magawa dahil hindi pa nila alam ang lahat.
Minsan ko na ding nasaksihan ang ganitong pangyayari. Nakita ko na niligtas ni Teo at Soffi yung kaklase nila na si Shey noong nagkaroon sila ng tour. Sumama ako ng pasikreto para mabantayan sila. Ngayon na nakita ko na yung kwintas napatunayan ko na din sa wakas na si Soffi nga ang anak ko. Si Teo kailangan ko ding makita ang kwintas niya.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...