Character Update:
Kim Go Eun as Shey- bagong malapit na kaibigan ni Soffi sa SEO UNIVERSITY.
Seo Kang Joon as Eroll- Kabarkada ni Teo at kaibigan din ni Soffi.********
Masayang masaya ako para kay Soffi dahil may admirer siya. Sobrang kilig ko to the max. Pero may part na medyo naiinggit ako. Maganda si Soffi saka mabait. Tapos ang dami png nagkaka gusto sa kanya. Alam ko na lahat naman tayo ay may insecurities. Nasayo lang kung hahayaan mong mapektuhan nito ang buhay mo.
Masaya ako noon dahil nakasabay namin si Eroll sa pagkain ng lunch. Sobrang tawa ko sa mga jokes niya at kacornihan. Matagal ko nang gusto si Eroll pero minsan at napakadalang lang niya akong pansinin. Laging si Soffi o kaya si Teo yung kinakausap niya. Minsan nga nalulungkot nalang ako bigla. Hindi ko alam kung ano yung problema. Kung ako ba? O sadyang ayaw niya lang ako.
Doon naman sa countdown gimik nung admirer ni Soffi. Wow ha. Very effective. Sobrang excited kasi namin ni Soffi na makilala siya. Sana huwag mukhang epal. Pero feeling ko talaga si Teo yun eh. Promise malakas yung kutob ko na si Teo. Ganun din kasi yung iniisip ni Eroll. Meant to be kami talaga para sa isa't isa.
Nakilala ko si Eroll dito sa school. Napakatalented niya. Marunong siyang magdrawing at tumugtog ng piano. Lalo akong nagkagusto sa kanya noong nakita at matinig ko siya tumugtog ng piano. Napakaganda talagang pakinggan nung tinutugtog niya. Tapos napakaganda pang pagmasdan nung mukha niya.
Number one fan niya ako for life kahit anong mangyari! Lagi kong inisstalk yung social networking accounts niya. Yung hindi ko makakalimutang moment eh yung nilibre niya kami ng icecream ni Soffi.
Nakapila kami noon para bumili ng icecream...
"Ano pong order niyo?" Sabi nung sa counter.
"Ano yung gusto niyo Soffi?" Tanong ni Eroll.
"Caramel sa akin." Sagot ni Soffi.
"Ikaw Shey?" Tanong niya sa akin habang nakatitig yung kakaiba niyang mga mata sa akin.
Ikaw Shey? ikaw Shey? Ikaw Shey? Paulit ulit kong narinig yung boses niya at yung tanong na iyon.
"Umm... Strawberry nalang." Sagot ko nung mahimasmasan.
"Ok. One caramel and two strawberry please." Sabi niya sa counter.
Wow pareho kami ng flavor na gusto. Sobrang saya ko. Saka na inabot yung order namin. Binigay niya yung caramel kay Soffi at Strawberry sa akin. Kung pwede lang hindi ko na kakainin ito eh.
Pero noong papalabas na kami bigla akong nagtakid at naghulog yung icecream na hawak ko. Grabe nakakahiya. Sobrang nakakahiya. Ako na nga yung nilibre ni Eroll tapos hinulog at sinayang ko pa sa harap niya. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya at hindi ko alam ang gagawin ko. Pupulutin ko sana pero pinigilan ako ni Eroll.
Hinawakan niya yung braso at sinabi sa akin ....
"Shey sayo nalang to. Hindi ko panaman nakakain." Sabay abot niya sa strawberry flavored na icecream na binili niya para sa kanya.
"Eh pano ka?" Sabi ko.
"Ayaw ko na. Sa susunod nalang. Sige mauna na ako." Saka na siya nagpaalam sa amin ni Soffi.
Hinding hindi ko makakalimutan iyon. Balik tayo sa kwentuhan tungkol kay Soffi.
After 8 days 3 roses nalang yung binigay sa kanya. Lumipas ang dalawang araw heto na ang pinakahihintay namin. May letter na naka palupot doon sa nag iisang rose sa table ni Soffi. Makikioagkita daw yung admirer niya sa library mamayang 5pm. Nahampas ko pa tuloy si Soffi sa sobrang excitement.
"Soffi makikilala mo na siya!" Sabi ko.
Nagsmile lang si Soffi pero halata naman na kinikilig at excited din siya.
5 o'clock pm.
Nasa harap kami ng library at sobrang excited na pumasok.
"Ito na Soffi. This is it! Ayusin mo ng konti yung buhok mo."
Inayos ni Soffi yung buhok niya pero kinakabahan siya.
"Shey okay lang ba na ientertain ko itong taong hindi ko naman kilala?"
"Nako Soffi hindi porke makikipagkita ka ngayon eh magiging boyfriend mo na siya. Friends muna girl! Malay mo si Teo talaga yan." Pabiro kong sabi.
"Halika ka na nga pumasok na tayo." Sabay hila ni Soffi sa kamay ko.
Kapasok namin sa library walang tao masyado. Tinignan ko lahat pero nag iisang lalaki lang ang nandoon. Kinalbit ko si Soffi at tinuro yung lalaking iyon.
"Soffi. Ayun siya! Ayun na siya."
Napatingin sa amin yung lalaki saka nagsmile. Pagkakita ko ng mukha niya. Narecognize ko ito. Si Levi na kaklase namin at napakadalang niya lang pumasok dahil isa siyang swimming athlete.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...