30th Record: TEO (Respected)

271 10 6
                                    


On the way ako sa SEO University kung saan magtatake ako ng entrance Examination and for scholarship na din. Sa wakas, Pinayagan nila ako na magtake ng exam. Dahil ang parents ko ang may ari ng school na ito. Special treatment lagi ang nakaabang sa akin. Mahirap daw yung exam for scholarship kaya excited ako. Gustong gusto na machallenge ng ganito. Gusto kong mabuhay ng normal. Normal school life. Gusto kong maranasan yung pakiramdam kapag nageentrance examination. Gusto kong magkaroon ng tunay na mga kaibigan. Gusto kong maging masaya.

Malapit na kami sa school noon ng biglang may babaeng sumulpot sa harap ng sasakyan. Kaya naman itong si Kuya Robert ay nerbyos na nerbyos. Bumaba siya at pinagalitan pa yung babae. Tinignan ko yung mukha niya. Maganda siya at mukhang mabait. Bumaba ako at pinigilan na ang pagsesermon ni Kuya Robert.

"Kuya tama na yan. Accident lang naman yung nangyari. Miss ok ka lang ba?" Tanong ko sa babae.

Mukhang nagmamadali siya.

"Ok lang. Pasensya na po talaga. Sorry po." Sagot niya.

"Sa susunod miss ingat ka nalang ha." Sabi ko ulit.

Saka na ako pumasok sa kotse.

Pagpasok ko sa building kung saan mageexam nagulat si Mrs. Shin noong nakita niya ako.

"Sir Teo Park, good morming po." Sabay niyang bati sa akin.

"Goodmorning din po. Saan po palang room magtatake ng entrance exam?"

"Ahh. Sa Room 2-A. Actually ako yung magpapaexam ngayon. Bakit pala natanong mo sir?"

"Magtatake po ako ng exam."

Nagulat ulit siya nung sinabi iyon.

"Sir hindi niyo na po kailangan magtake. Alam naman po natin na kayo yung anak ng may ari ng university na ito."

"Ma'am please wag po kayong maingay. Sana wala munang makaalam nito. Gusto ko kasi talagang magtake ng exam katulad ng mga students dito. Napilit ko na din sila mama."

"Ah ganon po ba sir. Okay , magsstart na nyan in 20 minutes. Papunta na din ako doon."

Sa loob ng Room 2-A...

"Okay magsstart na tayo. Good morning I'm Mrs. Evelyn Shin. Ready na ba kayong magtake ng Exam?" Sabi ni Mrs. Shin.

Sumagot ng "Yes Ma'am ang lahat."

Saka na pinasa yung mga test papers. Noong meron na ang lahat nagsalita ulit si Mrs. Shin.

"Okay. You have 30 minutes to take that. The timer starts now."

Biglang naging seryoso yung atmosphere. Tinignan ko yung mga kasama ko at sobrang focus nila sa exam. Pero after 5 minutes. May biglang kumatok sa room at pumasok.

"Ma'am sorry po I'm late." Sabi nung babae na hingal na hingal. Pamilyar yung mukha niya. Oo naaalala ko na siya yung muntikan na naming nabangga kanina.

"Ano ba?! Nagstart na ang exam. And your late. Nakakaistorbo ka sa mga nagtatake ng exam. Please get out." Sabi ni Mrs. Shin.

Tinignan ko siya at lungkot na lungkot. Naluluha pa ata. Sigurado ako na may dahilan talaga kung bakit siya na late.

Tumayo ako, lumapit kay Mrs. at sinabing...

"Excuse me. Mrs. Shin. I know her. Kaibigan ko siya. May family problem lang talaga kaya nalate siya."

Walang nasabi si Mrs. Shin at tinanong ang pangalan niya.

"Okay, What's your name?"

"Soffi Kim po."

"Get your test paper and start now. Ayaw ko sa lahat yung nalalate pero I'll give you a chance this time. May 23 minutes ka pa para itake ang exam."

Nagpasalamat si Soffi kay Mrs. Kim. Soffi pala pangalan niya. Tinignan ako ni Soffi bago siya umupo at nagsabi ng thank you na pabulong.

Pagkatapos ay nagfocus na ako sa exam. After ilang minutes sa wakas natapos din ako.

Tinignan ko yung relo ko at may 6 minutes pa na natitira.

6 minutes pa ang time pero tapos ko na ang exam. Ang galing ko talaga. Pero sa totoo lang nahirapan din naman ako. Tumayo ako para ipasa na yung papel. Pagkatayo ko ay tumayo din si Soffi. Nakatitig pa siya sa papel niya at mukhang dinodouble check pa ang mga sagot. Akalain mo sabay pa kaming natapos at nagpasa ng papel.

Sabay naming inabot yung test paper kay Mrs. Shin.

"Ang bilis niyo namang natapos ang exam. Mahusay. Sana tama ang mga sagot." Pabiro niyang sinabi.

Saka na ako lumabas ng room.

Pagkatapos may biglang kumalbit sa akin. Pagkalingon ko nakita ko si Soffi.

"Uy salamat talaga ah. Kung wala ka siguro doon hindi na ako makakapagtake ng exam for scholarship."

"Wala yon, pasensya na ulit kanina. Muntikan ka pa naming nabunggo. Ako pala si Teo Park."

"Soffi Kim. Nice meeting you Teo. Saka niya inabot yung kamay niya at nakipagkamay sa akin.

"Nice meeting you din Soffi. Uuwi kana ba niyan? Gusto mong sumama? Ililibre kita. Kain tayo. Nstress ako sa exam ang hirap."

"Nastress ka? Eh agad mo ngang natapos."

"Hinula ko lang ang mga sagot. Huwag kang maingay."

Natawa nalang siya sa sinabi ko. Mukhang naniwala ata.

"Si Ate Lian kasi nagtatake pa ng exam hihintayin ko siya."

"Ah nasa loob ba yung ate mo? Bat mukhang wala namang nagreact kanina nung pumasok ka. Akala ko walang nakakakilala sayo."

"Focus lang siguro masyado sa exam."

"Osige sa susunod nalang Soffi. Hindi pa naman siguro ito yung huli nating pagkikita."

"Salamat ulit Teo!"

Saka na ako nagpaalam. Ililibre ko na din sana silang dalawa kaso ayaw kong makasama yung Ate niya. Mukhang walang pake sa kapatid. May next time pa naman.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon