STEFFI's POV
Sinulit namin ni Matteo ang buong araw ng magkasama. Pinuntahan namin yung mga lugar na naiwanan namin ng mga masasayang alaala. Muli, nagkaroon kami ni Matteo ng pagkakataon na i-spend ang ang oras ng magkasama. Alam ko na pwede pa din siyang mawala. At hindi ko alam kung kailan iyon pero alam ko sa sarili ko na mangyari 'yon o hindi. Mananatili pa din kaming magkasama ni Matteo.
Mag-uumaga na noong nakauwi kami sa condo. Habang nasa beach kami aba! Bigla ba naman umulan kaya nabasa kami. Pagod na pagod kaya nakatulog ako agad pagkahiga sa kama. Ganoon din si Matteo. Di ko namalayan umaga na pala. Ang lamig at napakasarap matulog. Kayakap si Matteo. Amoy ko pa yung mabango niyang hininga. At nakayakap sa akin yung mga bisig niya. Nang biglang may nagsira ng moment.
Bigla lang naman sumulpot si Steffi, ay si Sis Thania pala na naka-Steffi mode.
THANIA'S POV
Grabi talaga, parang napahiya ako sa pinanggagawa ko. Oo, pinapanood ko lagi si Steffi kapag nag-aacting siya. Nandyan ako palagi kapag ginagawa niya yung mga bagay na iyon. Pero this time, narealized ko na ang hirap palang maging si Steffi.
Nakakabinging kataimikan at mga tingin ng tao ang tumambad sa akin. Anu ba yan. Ang awkward sa feeling baka mahalata pa nila na hindi ako si Steffi. Ito pa, hindi man lang ako ininformed na kinabukasan na pala ipapalabas ang i-shi-noot namin. Wala ng pwedeng gawing solusyon kundi ipalabas iyon.
Again, balik sa shooting nakaluhod ako at nakaduko noon. Naiiyak na talaga ako dahil parang pinahiya si Steffi, nang biglang may bumasag sa katahimikan. Oo, mga palakpak na galing kay Winston. Ang lalaking habol ng habol kay Steffi. Anong meron sa lalaki ito? natanong ko nalang sa sarili ko. Inabot niya yung kamay niya sa akin at tinulungan akong tumayo.
"Tara kain tayo, treat kita."
Wala nalang akong nagawa kung hindi sumama. Todo naman makahabol sa amin ni Yuan.
"Kuya Winston! Isama mo ako. Sa akin pinabantay ni kuya Matteo si Ate Steffi."
"Nakabalik na si Matteo?" Tinignan niya ako. At parang naghihintay pa ng sagot mula sa akin.
Tumango ako at sinabing nakabalik na siya.
"Pero bakit parang wala lang sa'yo?"
"Wala sa akin?!" Sabi ko sa kanya.
"Kilala kita Steffi. Iba ang aura mo pagnandyan si Matteo."
Naku. Baka mabisto ako nito.
"Winston. Pagod lang ako. Ibuhos ko ba naman ang full power ko sa pag-aacting kanina. Ang galing ko di ba?"
"Oo naman." Tumago siya na parang nagtataka sa mga kinikilos ko.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanfictionAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...