14th Record

2.8K 51 14
                                    

☆STEFFI'S POV☆

Buong akala ko noong gabi na iyon ay katapusan ko na. Overflowing na takot ang naramdaman ko habang nahuhulog.  Ikaw ba naman ang magising nalang bigla habang nahuhulog mula sa napakataas na building. Buti nalang talaga ay dumating ang superman ng buhay ko.

Pagkatapos kong ipikit yung mga mata ko nang makita ko na malapit na akong bumagsak sa ground bigla nalang may sumalo sa akin.  Pagbukas ng mga mata ko, nakita ko nanaman yung pinakagwapong alien sa mundo.

Kaso nga lang pangalan niya lang yung nasabi ko nung moment na iyon. Nawalan ako ng malay at wala na akong maalala sa mga sumunod na nangyari.

Nagising nalang ako nang nakahiga sa kama ni Matteo. At ito pa pagbukas ng mga mata unang-una ko siyang nakita.  NAKANGITI siya sa akin at nakatitig. Sa wakas nakita ko nanaman ng malapitan yung mapungay niyang mga mata at nakakainlove na smile.

"I'm home. " sabi niya sa akin ng nakangiti. Sobrang saya ko talaga nung mga oras na iyon. 

Niyakap ko si Matteo ng napakahigpit at ganoon din ang ginawa niya sa akin.

Na-miss nga namin talaga ang isa't-isa.

"Matteo namiss kita. " sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya.

Ngumiti lang siya sa akin at nagulat ako sa sinabi niya after.

"Mas namiss kita Steffi." Naluluha niya pang sinabi iyon. Aba,  ngayon ko lang nakita na naging ganito kalambing 'tong alien na ito. Ang pinagtataka ko lang naluluha pa talaga siya.  Kung sa bagay mahal kasi talaga ako ng taong ito eh. Opppss,  I mean alien pala.

"Talaga mas namiss mo ako? " Sabi ko naman sa kanya with my full beautiful smile.

Tumango lang nanaman siya habang nakangiti.

"Weh?  di nga … " Hindi ko na tuloy yung sasabihin ko sana sa kanya kasi naman hinalikan niya ako. Yung halik ng alien na si Matteo ang pinaka the best talaga para sa akin.

After niya akong halikan tinitigan ko naman siya.

"Namiss mo nga talaga ako. " sabay kong sabi sa kanya. 

Yung moment na iyon ay ang pinaka the best morning ko ever. Habang ayun lantang gulay nanaman siya.  Nanghina nanaman.  Kaya hinayaan ko muna siyang magpahinga.

Tumayo na ako para magprepare ng pagkain para kay Matteo.  Syempre excited na excited ako.  Hindi ko muna sinabi sa iba na nagbalik na si Matteo para naman masolo ko siya kahit papaano.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon