STEFFI's POV
Noong naramdaman ko na yung katahimikan ay lumabas na ako ng kwarto. Naku thankful talaga ako kay sis Thania. Buti nalang nandyan siya. Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Paupo na ako sa sala ng may nagtext sa akin at Saka ko narinig na may nagbukas ng pinto. Binasa ko yung text at nabasa ko yung text ni Matteo. Naku hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Tumayo ako agad at nagplanong magtago pero bago pa man ako makapagtago ay nakita ako ni Yuan.
"Ate Steffi?! Hindi ba nasa baba ka?" Nanlalaki ang mga mata ni Yuan.
Know what happened next? Ginamit ko nanaman ang acting skills ko para makapagpalusot sana effective.
"Anu ka ba Yuan ang bagal mo kasi. Tumakbo ako ng napakabilis para mapagbuksan ka ng pinto. Alam mo naman akong ate mo. Napaka-concern ko sayo." Sinabi ko habang inihingal. KUNGWARE.
Buti ayun naniwala. Saka niya kinuha yung phone niya saka sabi niya na makiki-cr muna daw siya. Sinabi ko namn na mauuna na ako sa baba. Pagkasabi ko ay umakyat na ako sa kwarto at tinext si Matteo sa kung anong nangyari para walang butas. Expert kaya 'tong si MRS.STEFFI CHEON DO sa mga ganyang bagay.
Ngayon home alone nanaman ako. Sana walang mangyaring gusot sa career ko nito. May tiwala naman ako kay sis Thania pero may ewan. Parang may nararamdaman ako na exciting na mangyayari.
THANIA'S POV
Nareceived namin ni Matteo yung text ni Steffi. Kaya nagready na kami sa mga ikikilos namin. Ilang minuto lang dumating na si Yuan.
"Kuya Matteo ba't ang tahimik sa condo mo. Nasaan ba si Kuya Nathan? Diba dapat kasama natin siya ngayon?"
"Si Nathan? Nasa guest room siya nagpapahinga. Medyo masakit daw ang ulo eh." Sagot agad ni Matteo.
Tumango-tango naman ako.
"Yuan okay lang ba na ikaw muna yung maging manager ko pansamantala?"
"Ayan si Kuya Matteo o? Di ba?"
"May aasikasuhin kasi si Matteo."
"Aasikasuhin? Ano naman iyon kuya Matteo?"
"Basta Yuan sasabihin ko nalang mamaya." Sabay kindat ni Matteo kay Yuan.
Nakarating na kami sa set. Nakaramdam ako ng kaba. Kahit na alam ko naman yung mga tao doon at familiar naman ako sa kilos ni Steffi natatakot pa din ako na baka mabisto kami. Isang araw lang naman kaya okay lang. Kaya mo yan Thania!
Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa set. Nandoon na si Mina dala ang mga make-up kits niya. Naalala ko tuloy si Jun-jun na comatose pa din hanggang ngayon. Ayos sana kung pati siya ay naligtas ko noon. Kung hindi lang sana nagkulang ang oras.
BINABASA MO ANG
My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost Stars
FanficAko nga pala si Matteo Do. Isang alien mula sa KMT 184.05 isang bituin na very similar sa Earth. Habang nasa Earth ako nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa aking puso si Steffi Cheon na isang napakasikat na artista. Muli nyo sana kaming samahan sa...