44th Record: (Returned)

203 5 3
                                    

Lumipas ang isang buwan ng napakabilis. Sakto makakapasok na si Soffi.

SOFFI's POV

Alam ko na lahat ng tao ay nakakaranas ng hindi magagandang mga bagay. Sadyang nagkataon lang siguro na nasakto sa akin na mangyari ito. Ang masuspend sa klase ang pinakakinatatakutan ng isang scholar student. Mawala ka ba naman sa klase ng isang buwan. Ang dami kong lesson na namissed at kung hindi ako pinapakopya ng notes ni Levi siguro hindi ko na mahahabol ang mga grades ko.

Mabilis lang lumipas ang isang buwan at ngayon ay ang araw ng pagbabalik ko sa SEO University. Nasa gate palang ako tanaw ko na sila Shey at Teo na nag-aabang sa akin. Noong makita ako ni Shey ay tumakbo talaga siya papalapit sa akin at niyakap ako.

"Soffi! Finally, you're back!" Nakangiti at masayang masaya niyang sinabi.

Sabay-sabay na kaming pumasok sa room. Doon ko nakita ulit ang mga kaklase ko na namiss ko talaga. Buti nalang ay wala si Gwen. Next week pa ang balik niya. Nasuspended din kasi siya for one month dahil sa ginawa niya.

Habang break time pumunta ako sa office at hinanap si Sir Matteo.

Pero hindi ko siya nakita. Lumabas daw ng office at hindi nila alam kung saan siya nagpunta. Kaya bumalik nalang ako ng classroom.

Saktong pagkaupo ko dumating nanaman yung prof namin sa P.E. Nakangiti siya at mukhang may goodnews na dala.

"Good Afternoon! Alam kong naamoy niyo na yung announcement na sasabihin ko." Sabi niya,

Saka nagtawanan ang buong klase.

"Malapit na ang university day at kayo ang nabunot para maassign sa pag-oorganize ng play sa theater!"

Nagpalakpakan sa saya yung mga kaklase kong magaling mag-acting, kumanta at sumayaw in short mga talented.

"Dahil last week of the month yung university day meron pa kayong 4 weeks para makapag prepare. And I will expect a perfect presentation from you." Dagdag pa niya.

"Anong play po yung gagawin natin?" Tanong ng kaklase ko.

"Romeo and Juliet." Sagot niya.

Lalong naexcite ang buong klase.

"Ngayon na din natin aayusin yung casting. Isa-isa kayong pupunta sa harap at ipakita ang talent niyo. Kung baga ito na yung pinaka audition niyo okay?"

Walang nagawa ang klase. Dala na din pala ni sir yung script pati na yung mga list of characters.

Naguditioned isa-isa sa harap. Marami ang bumilib. May mga nagtawanan din. Naging masaya ang buong klase dahil sa audition na iyon. At first time ko lang maranasan ito. Noong matapos ang lahat tumayo yung prof namin sa P.E.

"Okay. I'll announce the cast tomorrow! Thank you sa participation! Good day!" Saka na siya umalis.

Yung mga kaklase ko naman tuloy pa din ang excitement.

"Sana ako yung makuha na Juliet!"

"Ako kahit dancer lang."

"Ako ayaw ko. Gusto ko tutulong nalang ako sa props."

"Nakakatamad naman oh!"

"Si Levi bagay sa kanya yung Romeo!"

Sabi ng mga kaklase ko. Pero noong narinig ni Shey yung huli napalingon siya at sinabing....

"Mas bagay kay Eroll yung Romeo na role!"

Sakto papasok sa room si Eroll na kagagaling lang sa banyo at natinig yung sinabi ni Shsy.

"Shey masyado ka ng halata ah!" Pangbubusit ng mga kaklase ko sa kanya.

Namula naman si Shey at namula lalo noong makita niya na nakikinig si Eroll.

Namiss ko yung mga ganitong eksena.

End Of Soffi's POV

Sa isang parking lot sa SEO University nag-uusap sila Matteo at Thania.

"Matteo sasabihin mo na ba sa kanila ang lahat?"

"Ate mahirap para sa akin na sabihin sa kanila iyon. Baka pagtawanan lang nila ako. Lalo na pagnalaman nilang galing ako sa present at ito ang future."

"Mahirap nga yan lalo na't wala silang alam sa totoong pagkatao nila."

"Pero hahanap ako ng paraan para masabi ko sa kanila ng maayos."

"Ito nga pala yung background check nila Teo at Soffi." Sabay abot kay Matteo ng isang envelope.

"Salamat ate."

Saka na nagpaalam si Thania. Pumasok naman ulit sa office si Matteo.

Matteo's POV

Pagkapasok ko sa Office binuksan ko agad yung envelope. Marami akong nalaman tungkol sa mga anak ko. Nalaman ko na pareho silang inampon. Isang bumbero at baker ang nag-ampon kay Soffi at kay Teo naman ay business man at businesswoman. Sila ang may ari ng SEO university.

Habang tinitignan ko ito sinabi ng isang co-teacher ko na hinahanap daw ako ni Soffi kanina. Naalala ko na ngayon nga pala yung pagbabalik ni Soffi sa School kaya naman pagkatapos ng klase nila ay pinuntahan ko siya.

"Sir Matteo!" Tawag niya sa akin noong makita niya ako.

"Soffi kumusta kana?"

"Okay naman po. Masaya po ako na nakabalik na ako sa school."

"Pasemsya ka na Soffi dahil hindi ko nagawang ipacancel ang suspension mo kahit na wala ka naman talagang kasalanan."

"Salamat nga po pala sir.kinuwento sa akin ni Levi ang lahat. Salamat po sa tulong niyo."

"Soffi sa susunod na may nangugulo sa'yo sabihan mo ako okay?"

"Ahh. Nakakahiya naman sir. Pero sige po. Thank you sir!"

"May gagawin ba kayo ngayon yayain ko sana kayo ng mga kaibigan mo na magdinner. Ililibre ko kayo."

"Talaga po?!" Biglang sabag ni Shey.

Natawa nalang ako sa kanya.

"Okay kang talaga sir?"

"Minsan lang ito kaya sumama na kayo."

Sa huli sumama din sila Soffi at Shey.

End Of Matteo's POV

Sa loob ng restaurant...

"Ano ba yan Teo wala naman si Sir Matteo dito paano niya tayo malilibre." Pangungulit ni Eroll.

"Chill ka lang. Oh ayan na pala sila."

Saktong papasok sila Matteo. Nagulat si Soffi at Shey noong makita sila Teo at Eroll.

"Pasensya na kayo di ko nasabi. Ininvite ko din pala sila Teo.

Naalala nanaman bigla ni Shey yung sinabi niya kanina sa room noong mapatingin siya kay Eroll. Itong si Eroll naman ay ngiti ng ngiti.

Sa maikling oras na iyon ay nagawang makipagkwentuhan ni Matteo sa kanyang mga anak. Nagtawanan sila at nagkwentuhan. At bilang resulta ay napalapit siya sa mga ito.

Sa Loob ng kwarto ni Gwen...

"Nakakainis! Kainis! " Sigaw niya habang nagdadabog.

Kakaakyat niya lang galing kumain. Hindi niya man natapos ang pagkain niyo dahil nag-aaway nanaman yung mga parents niya.

"Hanggang dito ba naman sa bahay hindi man lang ako nagiging masaya!" Sabi niya sa sarili niya habang umiiyak. Hinagis niya yung unan niya at humiga sa kama. Nagtakip siya ng kumot. Masamang-masama talaga ang loob niya.

"Kasalanan mo ito Soffi! Kasalanan mo ito! Dahil sayo lalong gumulo ang buhay ko!"

Bigla siyang napatayo noong maalala niya na one week nalang ay makakabalik na siya sa school.

"Pinili kong manahimik noon pero hindi na ako papayag ngayon! Ipapakita ko sa lahat ang tunay mong anyo Soffi! Ipapamukha ko sa lahat na totoo ang mga sinasabi ko! Na isa kang demonyo Soffi! Isa kang demonyo!" Ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin ito.

My Love From The Star: The Kilig Sequel; The Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon