Seven

802 46 5
                                    

Darlene's POV

Grabe ang tagal naman magdate ng dalawang yun. Kanina pa ko naiinip dito! Wala akong maka-usap kahit isa. Kung nagsasalita lang sana yung mga langaw eh. Kainis

"Dar!" 

"Oh? Asan si Korrine? Akala ko ba susunduin mo?" Imposibleng di sumama yun, Alvin na tatanggihan pa? 

Psh, don't tell me nahihiya na naman siya.

"Easy Dar, kasama ko siya, may inaantay lang." Sino namang inaantay niya eh andito na si Alvin?

"The who? Omg! Boylet niya?" Wala siyang nakwekwento sakin ah?

"Di ko din alam eh." At ngumiti pa siya ng nakakaloko. Di pala alam ah? So ngayon magkakampi na sila? Bumabalik na ba yung dati? Ako na naman pala kawawa.

Turn na ni Alvin para magpalista sa liga pero wala parin si Korrine. Nakidnap na ba siya? Nako, malabo. Walang magkakainteres dun, joke lang hehe. Lahi ata namin magaganda. Ulitin ko? MAGAGANDA! Okay na? 

"Dardar!" Oh my god! Iisa lang tumatawag sakin niyan ah? Nilingon ko agad siya kasi alam kong si Jamesmyloves yun. At hindi nga ko nagkakamali.

"A-anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?" Tiningnan ko naman si Korrine na nakakunot noo na naman. 

Badtrip ba siya? Bakit?

"Gabi na nga eh, andito ka pa. Tingnan mo nga yang suot mo, ang iksi pa ng short mo." Omg! Boyfriend lang ang peg hehe~

"Ah eh, kasi ano, biglaan hehe." Palusot ko nalang. Sayang, balak ko pa naman sanang manlalaki. Pero dahil andito ang boyfriend ko na ako lang ang nakakaalam na kami, behave na ko.

Hinubad ni James yung jacket niya at binigay sakin. Ang bait talaga nitong si James eh. Kaya mahal ko siya.

Feeling ko tuloy yakap yakap niya ko, grabe ang bango ng jacket niya, parang siya lang. huhuhu

"P-paano ka?" T-teka nga, bakit ba ako nauutal? Ang obvious ko naman masyado. Kalma Dar, kalma. Maganda ka parin.

"Okay lang ako, kesa naman pagpyistahan ka jan." At tumabi pa talaga siya sakin. Nag aasume pa ba ako o totoo na talaga tong nararamdaman ko? Kung wala bakit siya ganito sakin? Paasa ganun? 

Sino namang di mag-aasume kung ganito siya umasta sakin. Sakin nga lang ba? Hehe, eh bat niya pa kasi binigay sakin jacket niya?

Concern na kaibigan.

Bulong sakin ng kill joy kong utak. Edi wow!

"Ang lalandi niyo, tas ayaw niyo pang mag-aminan. Leche." Singit naman ni Korrine.

Bat ba badtrip tong si Korrine? Wala na atang araw to na hindi siya nababadtrip.

"Oy bat badtrip yan?" Tanong ko kay James, okay naman sila ni Alvin ah? Sinundo pa nga siya eh.

"Di ko din alam, kanina nung nakita ko yan nakabusangot na yan." Bat nga ba si James ang tinatanong ko? Psh

"Hoy, bat ka ba badtrip?" Inirapan pa ko ng loka loka.

"Bat di niyo sinabing pupunta dito yung unggoy na yun? May mga kasama pang dora." Pagmamaktol niya. 

Unggoy? Dora? Sino yun?

"Teka, teka. Sino ba yung tinutukoy mo?" Wala naman kasi akong idea kung sinong unggoy yung tinutukoy niya. 

Ano pa nga bang maasahan mo kay Korrine pag badtrip? Edi puro irap.

"Si Brake, kasama niya yung bumangga sakin at tsaka isang babae." 

"Omg! Nagseselos ka ba?" Pinanlakihan niya lang ako ng mata at tsaka binato ng tsinelas. Napakasadista talaga neto.

"Para kayong bata." Cool na sabi ni James, kaya nabato rin siya ni Korrine ng tsinelas. 

"Shut up both of you. Bobita ka talaga Dar. Ako? Magseselos? May Alvin ako. Badtrip lang at nakita ko pa mukha niya, ugh bwiset parin ako dun, lalo na dun sa babaeng kasama niya. Akala mo naman ang ganda pwe! Kung di lang talaga ako takot kina lolo at lola nasabunutan ko na yun." Wait, si Ceslie ba tinutukoy niya? Yung maarteng yun?

"Si Ceslie ba? Nako, lagi namang nagmamaganda yung maarteng yun. Porket pinsan niya si Brake." 

Totoo naman eh, buti na lang talaga at di yun nag-aaral sa LEU. No pets allowed dun.

"Magsama sila. Pareho silang unggoy! Sinabihan niya pa kong bitch? Bitch-bitchin ko siya eh." 

"Ano na? Gerahin na ba natin?" Syempre biro lang yun. 

Kahit naman ganito kami ni Korrine di parin kami nakikipag-away. Yari kasi kami kina lolo at lola. Pero pag kami talaga di nakapag pigil, nako. World war III hehe

"Sira." Atleast diba napangiti ko siya? Hahaha, teka ang tagal naman ata ni Alvin?

Tiningnan ko yung pila ng mga nagpapalista pero wala siya dun. Eh? San siya nagpunta?

"Uy, wala si Alvin sa pila. Tara hanapin na natin, baka tapos na yun." 

"Ayon oh, may kausap na babae." Sabay turo ni James sa may gilid ng court.

T-teka?! Si Ceslie yun ah? Bat naman sila magkasama? I mean close sila? Wow ha.

Tiningnan ko agad yung reaksyon ni Korrine at mukhang mangangain na siya ng tao. Omg, selos na selos na tong si Korrine for sure. 

"Tara puntahan natin." Binatukan ko agad si James. Wala talagang pakiramdam to eh. Wala nga ba o nang aasar lang?

"Sira ka ba? Si Ceslie yang kausap ni Alvin." Tiningnan ko ulit sila Alvin at Ceslie, so close pala sila? 

Di man lang ako ininform ni Alvin. Parang walang pinagsamahan, so lihiman na pala? Nice naman sa kanya.

"Oh ano naman?" Di ko nalang siya pinansin at hinabol na agad si Korrine. Alam ko namang nagseselos siya ngayon eh.

"Oy sama ako." Sigaw ni James.

"Korrine wait!" Kahit ang liliit ng binti niya ang bilis niya paring maglakad.

"Jan ka lang, kukuha lang ako ng kutsilyo sa bahay! Isasaksak ko jan sa malanding Ceslie na yan! Kainis, aagawan pa ko!" Sabi na nagseselos siya eh.

"Hayaan mo na lang siya, kausapin natin si Alvin okay? Para naman mas maliwanag." Napagtanto ko kasi na baka wala namang kasalanan si Alvin, diba? Malay nyo nilalandi lang pala siya ni Ceslie.

"True. Tsaka wala naman akong balak magalit kay Alvin, baka mahalata niya pa ko. Subukan lang talaga nang Ceslie na yan landiin si Alvin." 

Napangiti kami ni James sa narinig namin. 

"Paano pag nilandi?" Pang-aasar na naman ni James.

"Kakatayin ko siya!" 

Nanlilisik na mata ni Korrine grabe. Hahaha!

"Mapapatawag sina lolo at lola mo." Sabay ngiting nakakaloko ni James. Di ko siya inawat kasi gusto ko ring asarin si Korrine. De joke lang, Hahaha

"Kanino ka ba kampi ha James?!" Hinampas niya ng malakas si James. As usual di siya umaray. Sa laki ba naman ng katawan niya eh masasaktan pa siya? Lol

"Syempre sayo Babe." Inakbayan niya lang si Korrine at nagsimula na silang maglakad. Iwan daw ba ako?

Dahil sa pagod narin naman kami, umuwi nalang din kami at di na inantay si Alvin. Mamaya kasama niya pa si Ceslie eh, mabugbog pa namin yun ni Korrine. Bukas nalang namin siya kakausapin, malamang magkukwento din yon. Malakas kami dun kahit di halata.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon