Korrine's POV
May tatlong araw nalang kami bago magpasukan ulit. Still, tinatamad parin ako kumilos. Hindi ko pa nahahanda yung mga gamit ko at hindi pa ayos yung mga requirements na dapat nang ipasa sa pasukan. Ugh! Ayoko na mag-aral!
"Ate?" Pumasok sila Yanie at Erica sa kwarto ko.
They're wearing the same shirt at ang cute lang tingnan.
"Yes?" Nakahiga parin ako sa kama habang nakatayo silang dalawa sa may paahan ko.
Pati ata pagtayo kinatamaran ko narin.
"May sasabihin kami sayo." Tinitigan ko lang si Erica at naghintay ng susunod na sasabihin niya. Wala naman akong idea sa sasabihin nila, mahirap mang-hula.
"What?" Mukhang seryoso silang dalawa. Ang weird lang kasi pati si Erica seryoso.
Really? Marunong siyang magseryoso?
Nagtinginan silang dalawa at nagtutulakan kung sino pa ang mauunang magsalita.
"Sasabihin niyo ba oh ano?" Iritadong sambit ko.
"Promise me ate na hindi ka iiyak." I glare at Yanie and arched my eyebrow.
Sinasabi niya bang iyakin ako? Hindi naman ako basta basta umiiyak no. Tss
"Kasi ate.." Sinamaan ko naman ng tingin si Erica.
Seryoso sila sa pabitin effect nila? Tss, di ako nabibitin, naiinis ako.
"You know what? Kung hindi yan importante, you may leave." At humiga ulit ako sa kama.
Ang sarap sa pakiramdam humiga ng humiga. Tapos konting daydream, tapos tulog. Ipipikit ko na sana yung mata ko ng biglang nagsalita si Yanie na ikinahinto ng tibok ng puso ko. Mga 2 seconds lang naman.
"Engaged na si Kuya Alvin at Ate Ceslie." Hindi ako nakagalaw sa kinahihigaan ko.
Wala akong naramdamang sakit o galit. Sadyang hindi ko lang talaga alam ang irereact ko. Wala naman akong pake sa kanila eh. Pero nakakagulat lang na ganun agad kabilis. Wala pa nga silang taon na magkakilala eh. Hindi pa nila lubusang kilala ang isa't isa tapos magpapakasal na sila? Hah, wow!
"Then?"
Kailangan ko pa ba talagang malaman yun? Tss, para san pa? Move on na ko jan.
"You're invited. In fact, isa ka sa mga bridesmaid." Napatayo ako nang wala sa oras.
What?! Ako?! Bridesmaid?! What the fck!
"Ano?! Sinong nagsabi?!" Inabot sakin ni Erica ang invitation letter.
Damn! At next week na agad ang kasal nila?! What the hell is wrong with you Alvin?! Nagwoworry ako kasi kababata ko siya, hindi sa dahil may feelings pa ko para sa kanya. Masyado pa siyang bata para magpatali.
"Nakita lang namin yan sa labas ate." Kinalma ko ang sarili ko at pinalabas muna sila Yanie at Erica sa kwarto.
Nananadya ba si Ceslie? Hinayaan ko na sila diba? Then iimbitahan niya pa ko sa kasal nila? Para san? Para ipamukha saking nasa kanya na yung taong mahal na mahal ko dati? Hah, sorry siya. Wala na kong pake sa kanila.
But still no, hindi ako aatend sa kasal nila. Hindi ako bitter o kung ano. Nakakatamad lang talaga, isa pa, ang swerte nila masyado kung magkakaroon sila ng bridesmaid na sing ganda ko.
Nagbihis ako at tinext si Alvin na magkita kami sa 7/11. Kailangan ko siyang kausapin, magkaibigan parin naman kami. Kailangan niyang malinawagan eh. Okay naman sakin na maging sila nung Ceslie na yun, pero kasal? A big big NO!
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig [Completed]
أدب المراهقينPaano kung nainlove ka sa kamag-anak mo? Ipaglalaban mo pa ba yung pagmamahal mo o hahanap ka nalang ng iba na pagbabalingan mo nito? Started: February 28, 2015 Ended: December 8, 2015 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.