Fifty-nine

330 28 8
                                    

Korrine's POV

Yes. Isang buwan na ang nakalilipas at going strong parin kami ni Brake. Kagaya nga nang napag-usapan namin noon, ililihim muna namin ang relasyon namin. Oo, mahirap lalo na't bantay sarado ako ni Darlene sa hindi ko malamang dahilan. But who cares? Wala na kong pake sa rason niya, basta masaya kami ni Brake.

Bukas na ang official na first monthsary namin ni Brake. At balak na naming sabihin sa lahat ang kung ano mang meron kami. Kabado ako dahil ngayon lang ako naglihim kay lola pero alam ko namang maiintindihan din nila.

"Saan ka pupunta?" Agad akong sinalubong ni Darlene ng mapansin niyang palabas ako ng bahay. Yes, dito narin siya sa bahay namin tumitira since wala na si Xherie dito.

"Hindi ka ba napapagod kakatanong sakin niyan? Mag-iisang buwan ka ng ganyan."

"I don't care." Inirapan ko lang siya at dire-diretsong pumunta sa sasakyan ako. I need to see my boyfriend. Miss na miss ko na siya kahit na kakakita lang namin kagabi. Well ganun nga talaga siguro kapag mahal na mahal mo yung isang tao, ang isang araw na di niyo pagkikita eh taon na para sayo.

Hindi naman kami nahihirapang magkita ni Brake dahil magkaklase kami at madami kaming pwedeng idahilan kung bakit kami magkasama.

"Pupunta ako kay Brake. Gagawin na namin yung project, oh ano? Sasama ka ba?"

Hindi siya nakasagot kaya pumasok na ko sa loob. I know masyado na kong harsh kay Darlene pero sana naman aware siya na siya ang nag-umpisa ng lahat ng to. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para lang masira kami ni Brake, tingin niya okay pa ko dun? Tch, asa.

Pinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng bahay nila Brake. Finally! Mayayakap ko na ulit ang boyfriend ko! Nag-retouch muna ako bago tuluyang bumaba ng sasakyan.

"Goodmorning Yaya Pasing! Si Brakey boy po?" Sinalubong ako ng yakap ni Yaya Pasing na ikinangiti ko. Bukod samin ni Brake isa din si Yaya Pasing sa nakakaalam ng relasyon namin. Paano ba naman kasi eh nahuli niya kami noon ni Brake na nagkikiss! Nakakahiya man pero wala eh, nabuking kami.

"Gumaganda ka lalo Korina! Aba ikaw na ang inlab eh!"

"Si Yaya Pas talaga. Kayo din po, tumataba lalo." Nagtatawanan lang kami ng biglang lumabas ang mama ni Brake.

As usual, mukha parin siyang bata.

"Goodmorning tita!" Nakipag-beso ako sa kanya. "Si Brake po? Usapan po kasi namin gagawa kami ng project ngayon."

Kahit ako nakokonsensya sa pagsisinungaling ginagawa namin. Pero di bale, bukas na bukas aamin na talaga kami. Hindi na ko makapaghintay na isigaw sa buong mundo na boyfriend ko si Brake! At di narin ako makapaghintay na makita ang reaksyon ng mga taong pilit kaming pinaglalayo ni Brake.

"Ang aga naman ata?"

"Ah eh kasi tita madami po yon. Di po kaya ng isang araw so baka next week pa po matapos." Sagot ko habang nagpapacute. Lemnyene, dagdag points.

"Ano ba yang project niyo? Bahay?"

"Si tita talaga joker. Pero malapit na po dun." Cos within this week baka may baby na kami. Hihi joke lang! Syempre mas priority parin namin yung pag-aaral namin. Wala pa kaming plano magpakasal at mas lalong wala pa kaming balak magka-anak. Masyado pa kaming bata para sa mga ganyang bagay.

"Ikaw talaga hahaha. Andun na naman yun sa kwarto niya, sige na puntahan mo na." Nag-nod lang ako pero ng hindi pa ko nakakalayo eh tinawag na naman ako ni tita. "Korrine?"

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon