Erica's POV
Kasama ko si Brix ngayon. Inaasikaso kasi ni Yanie yung project niya. Sinabihan niya kong samahan ko muna si Brix para hindi daw mabored. Well, pabor naman sakin yun. Para kahit papaano magkausap din kami ni Brixy.
"Matagal pa ba si Yanie?" Tanong sakin ni Brix.
Masakit parin sa parte ko na si Yanie ang pinili niya at hindi ako. Sobrang sakit. Ako yung nauna pero ako yung iniwan? Saya diba?
Pero hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanilang dalawa. Pero di ko maiwasan minsan na isipin na kung hindi niya nakilala si Yanie malamang kami na.
"Medyo. Baka abutin ng 8 pm yun. Kung gusto mo mauna ka na." Hindi niya lang ako pinansin at sumandal na sa upuan niya.
Simula ng naging sila ni Yanie hindi niya na ko tinitingnan sa mata lalo na pag kausap ko siya. Hindi niya narin ako nginingitian. Ganyan niya ba kamahal si Yanie?
"Brix?" Ni hindi niya ko magawang lingunin sa tuwing tinatawag ko siya. "Can i ask you some questions?" Tumingin lang siya sa sa mukha ko saglit at umiwas din agad.
"Dalian mo." Giniginaw ako. Giniginaw ako sa coldness niyang dala.
"M-may problema ba tayo?" Wala naman akong maalalang may ginawa akong masama. Sa tingin ko nga dapat magpasalamat siya sakin at hindi ko sila ginugulo ni Yanie kahit ang totoo gustong gustong gusto ko parin siya.
"Wala." Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya.
Mukhang may tinatawagan siya. Tumayo siya at lumayo ng konti sakin.
"Mahal." Si Yanie pala. Masakit marinig yung endearment nila. Noon pa man yan na ang gustong gusto kong tawagan namin ni Brix, kung magiging kami.
Ang shit lang ng tadhana no? Sobrang mapaglaro. Yung bibigyan ka ng chance tapos babawiin din agad. Hahaha. Ang saya lang.
"Mauuna na ako ha? Andito naman yung bestfriend mo. May gagawin pa din ako eh. Text mo nalang ako pag pauwi ka na. Sunduin kita." 'Andito naman yung bestfriend mo eh'. Gaano ba kahirap banggitin yung Erica?
Ugh, this is too much!
"Okay bye. I love you." At binaba niya na yung phone niya.
Tumayo agad ako at hinila siya paharap sakin.
"Shit ka Brix! Akala ko ba walang problema? Bat hindi mo mabanggit banggit yung pangalan ko?! Ha ano?!" Naiiyak ako sa inis!
Ano bang ginawa ko para itrato niya ko ng ganito? Hindi ba siya masaya na kung hindi dahil sakin hindi magiging sila?!
"Masyadong mababaw. Sige, una na ko." Nakakapagsalita siya ng hindi man lang ako tinitingnan sa mata?! How rude!
Tinalikuran niya agad ako at iniwang mag-isa dun. Hindi niya man lang ba ko lilingunin?
"Shit ka Brix. Ang sakit sakit." Tuluyan na kong napaupo sa sahig at umiyak. Hindi ko kaya na ganito ang trato niya sakin. Bakit naman dati? Kahit alam niyang gusto ko siya, close parin kami. Pero bakit ngayon?!
Wala akong ginagawang masama. Nagparaya na nga ako eh, pero parang hindi man lang niya yun na-appreciate.
"Erica? Hey Erica! Are you crying?" Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Ate Korrine. Halata sa mukha niyang nag-aalala siya.
Pinunasan ko yung pisngi ko at inayos ang sarili ko.
"H-ha? E-eh kasi ate may drama kami bukas, hehe pasensya na. Nagpapractice lang." Nginitian ko lang si Ate Korrine. Agad namang nawala sa mukha niya yung pag-aalala.
BINABASA MO ANG
Bawal na Pag-ibig [Completed]
Fiksi RemajaPaano kung nainlove ka sa kamag-anak mo? Ipaglalaban mo pa ba yung pagmamahal mo o hahanap ka nalang ng iba na pagbabalingan mo nito? Started: February 28, 2015 Ended: December 8, 2015 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.