Fifty-seven

312 32 13
                                    

Brake's POV

Lumabas ako sandali para sagutin ang tawag ni Ceslie. Kung hindi ako nagkakamali nag-away na naman sila ni Alvin kagabi. Kung kailan naging mag-asawa tsaka panay ang away.

"Brake! Huhuhu!"

Napakamot ako sa batok ko ng marinig ko ang maarteng iyak ni Ceslie. Tsk, baka mabalitaan ko nalang next week divorce na sila.

"Ano na naman?"

"Si Alvin kasi eh! Aish!"

"Ano na namang ginawa niya?"

"Lagi nalang kasi siyang may kausap sa phone tuwing gabi tapos ahuhuhu tapos.."

Kung hindi ko lang pinsan tong babaeng to hindi ako magtitiis sa nakakarindi niyang boses. Ano bang nakita ni Alvin dito at talagang pinakasalan niya pa? Tss.

"Bakit mo ba sakin sinasabi yan? Ako ba asawa niya?"

"Ehh! Makinig ka kasi! Problemado na nga ko eh!"

"Tsk."

"Ayon nga, lagi siyang may kausap sa phone niya. Tapos di niya na ko napapansin huhuhu,nagtatampo na ko pero di niya parin ako pinapansin,"

"Anong gusto mong gawin ko? Sumunod ako jan at sabihing pansinin ka dahil nagtatampo ka na?"

"Che! Hindi sa ganun! Tapos, tapos kanina umalis siya! Eh sobrang nagdududa na talaga ako sa kanya kaya susundan ko dapat siya. Kaya ako napatawag kasi hindi ko alam kung anong sasakyan ko! Bus ba o taxi?"

"Ceslie!"

Tinatarantado ba ko ng babaeng to?! Akala ko seryoso na siya sa sinasabi niya tss. May paiyak-iyak pa siyang nalalaman eh problema niya lang naman pala kung anong sasakyan. Di ko alam kung gumagana pa ba utak ng babaeng to eh tss.

"Ano?! Di mo rin ba alam?! Aish! Okay bye na nga!"

Napa-iling nalang ako ng bigla niya kong babaan. Next time hindi ko na talaga sasagutin ang tawag niya. Mamaya pati kulay ng bra niya ako pa tatanungin niya. Napatigil ako sa ginagawa ko ng mapansin ko ang sasakyan ni James sa labas ng bahay nila Korrine. Kakaalis lang ni Darlene ah?

"Dude."

Tinanguan ko lang siya bago kami pumasok sa loob.

"Hi babe!"

"James? Napadalaw ka?" Nagyakapan sila bago umupo. Wala namang dapat ikaselos, yakap lang yan Brake.

"Yayayain ko sana si Brake mamaya eh." Napa-angat ang kilay ko kay James. Anong pinagsasasabi ng taong to? Saan niya naman balak pumunta at ako pa ang yayayain niya?

"Saan naman?"

"Sa bahay lang babe. Magdadate kami." Sinamaan ko siya ng tingin bago umupo sa tabi ni Korrine. "Biro lang."

"Uh, okay lang naman sakin. Wala naman kaming lakad." Ngumiti siya sakin na nagpabilis na naman ng tibok ng puso ko. Damn! seeing her precious smile feel so good.

Iba sa pakiramdam pag katabi ko si Korrine. Pakiramdam ko nasa ibang lugar ako. Sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti bumibilis lang lalo yung tibok ng puso ko. Minsan kulang na kulang talaga ang araw ko pag di ko siya nakikita. Masarap pala talaga sa pakiramdam kapag nagmamahal ka.

"Ayos! Hintayin nalang kita sa bahay dude, ayos lang ba? Oh baka gusto mo sunduin pa kita?" Pagbibiro ni James.

"Yan lang ba pinunta mo dito? Sana tinext mo nalang ako."

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon