Seventeen

473 37 4
                                    

Korrine's POV

7 am na wala parin si James. Pinag-antay pa ko ng baklang yun palibhasa wala si Darlene. Ewan ko ba kung san nagpunta yun. Di man lang nagpaalam.

Nagulat ako ng may sasakyang huminto sa harapan ko. Sino namang poncio pilato to? Hindi naman ganito sasakyan ni James. Hindi ko siya makita dahil sa tinted niyang kotse. Psh, arte.

"Sakay." Oh god. Ngayon na nga lang ulit ako papasok tapos siya pa agad makikita ko? Panira ng araw.

"Sino ka para utusan ako?" Naka-shades pa wow, hiyang hiya naman yung araw.

"Ayaw mo? Edi sige, mabulok ka jan." Pumasok na siya sa loob at pinaandar ang kotse niya.

"Nyenye! Mabulok mo mukha mo! Duh." Asan na ba kasi si James? Nag-volunteer pa siyang sunduin ako tapos hanggang ngayon wala pa?

Tinext ko na siya lahat lahat pero wala man lang akong na-recieve na reply kahit man lang tuldok! Leche.

Late na ko kaya nagsimula na kong maglakad. Pumayag pa man din akong gamitin ni Yanie yung sasakyan kasi akala ko susunduin ako ni James! Leche, uupakan ko talaga yun mamaya.

Nasa kalagitnaan palang ata ako ng paglalakad ko nang mapansin kong makulimlim. Don't tell me uulan pa?! Shit. Wala akong payong! At ayoko nang bumalik pa sa bahay! James! This is all your fault!

"Damn, damn, damn! Wag kang umulan, wag." Binilisan ko pa yung lakad ko. Halos madapa na ko sa pagmamadali para lang makarating agad sa school. Pinagsisisihan kong naglakad pa ko!

Naramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Kinuha ko yun at nakitang tumatawag si James. Ugh, bastard!

"Curse you james! Swear to god im gonna kill you!" Narinig ko pang tumatawa siya sa kabilang linya. Anong nakakatawa?!

"Chill babe, kasalanan ko ba kung gwapo ako at di ako nagising ng maaga?" Ang hangin talaga leche.

Binabaan ko siya ng phone kasi naramdaman kong umaambon na. Shit, wag please wag.

Tumakbo ako ng sobrang bilis kahit na alam ko naman sa sarili kong maaabutan na ako ng ulan.

"Ang malas. Leche, sige pag umulan ibig sabihin baog si Alvin!" Sigaw ko sa daan. I don't care kung may makarinig pa. Basta wag lang umulan.

"Anong tingin mo sa sarili mo? Diyos?" Napalingon ako sa may likod ko at nakita ko na naman si Brake.

"Sinusundan mo ba ko?!" Kanina pa to eh. Epal talaga, parang yung pinsan niya.

"San ba daan papuntang school?" Inirapan ko lang siya at naglakad na. Wow, bakit parang nawala yung ulan? 

Ah, nahiya kay Brake.

"Kanina nakakotse ka, so dapat nasa school kana. Duh." Kinuha ko yung panyo ko sa bag at pinunas sa mukha ko. Ugh, haggard.

"Bawal bumalik?" 

Bakit kailangan pang bumalik kung nandun narin naman? Sinayang mo lang effort mo. Walang hugot jan, wala ding concern so tigilan niyo ko.

"Ewan ko sayo." Bat ko pa kasi kinakausap to? Wala namang kasense-sense kausap.

"Kung sumakay kana kasi kanina edi sana di na ko bumalik. Stupid." Ako pa stupid?!

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Ako pa stupid ha?!" Nag-smirk lang siya at nauna ng maglakad sakin. Walang modo!

"Kakasabi ko lang." Eh bakit kasi kailangan kong sumakay sa kotse niyang parang siya?! Bulok.

"Type mo talaga ako eh no?" Alam ko namang maganda ako pero sorry, hindi ako papatol sa kagaya niya.

"Assuming." His words! Ugh, ang sarap pasakan ng bomba sa bibig!

"Eh bakit mo ko pinapasakay sa kotse mo? Duh, idiot." Akala niya siya lang marunong. Tss

"James texted me at sabi niya daanan kita tutal madadaanan ko naman bahay niyo. Pero dahil stupid ka kaya ayan pati ako late pa." Wow, pwede namang tumanggi diba? Pinagmumukha niya pang dapat pasalamatan ko siya? Hell no!

"Sinabi ba ni James na bumalik ka? If yes, kasalanan mo yan kasi pwede namang humindi ka." Nauna na kong maglakad. Wala akong mapapala pag kausap ko siya. Tss

"Simpleng thank you lang di pa magawa." Rinig kong reklamo niya. Manigas ka jan leche, hinding hindi ako magpapasalamat sayo.

Duh, late parin ako oh! Pagbuhulin ko pa sila ni James eh.

Malapit na ako sa school ng biglang umulan! Aba?! Nananadya ba talaga yung panahon?! Bakit kung kailan malapit na ko tsaka naman umulan?!

"UGH! BWISET KANG ULAN KA! BAOG SI ALVIN BAOG!" Pinagtitinginan na ko ng mga tao dun pero wala akong pake. Sila kaya mabasa ng ulan tapos may klase pa, ano nakakatuwa ba?!

"Eskandalosa." Rinig kong sabi sakin ni Brake at patakbong pumasok sa school.

"Leche, baog karin! Supot pa!" Napansin kong napatigil siya pero maya maya lang tumakbo ulit. Sus.

Habang nagwawala ako sa gitna ng daan napansin kong hindi na ako nababasa ng ulan. Anong kalokohan to?! Sa loob ng school umuulan dito sa part ko wala?

"Baog daw ako kaya umulan, tumayo ka na jan. May next class ka pa." Bulls. Araw ko ba talaga?! Oo naka move-on na ko! 

Oo nga kulit. Ayoko lang siyang makita at makausap muna.

"Basa na ko. Wag mo kong payungan." Tumayo ako ng tuwid at lalakad na sana ng hilahin niya ko palapit sa kanya.

"Bitawan mo ko." Nagmumukha na ba kong bitter? If yes, please lupa lamunin mo ko. Gusto ko lang umiwas, is that too much?

"Korrine please. Mag-usap tayo." Inirapan ko siya at hinila yung kamay ko na hawak niya.

"Sa gitna ng ulan? Seriously? Ang romantic ha. Drama. Pwedeng magpalit muna ko?" Ayoko din namang magmukhang bitter no. WALA namang KAMI.

Oo nga moved on na ko. Don't worry guys.

"Haha, im sorry. So i guess we're okay?" Tinaasan ko agad siya ng kilay. Kinausap ko lang okay na agad kami? Ay matindi.

"Sinong may sabi? Feeler ka." Kinuha ko yung payong na dala niya at pumasok na sa school.

Ang bilis na naman ng tibok na puso ko. Napagod kasi ako kakalakad kanina. Yun lang yun, wag niyo bigyan ng meaning.

Bago ako umakyat sa building namin napansin ko si Brake na naglalakad palabas na may dalang towel at payong. Ah, baka para kay Alvin. Ang sweet naman talaga ni Ceslie, sarap niyang pakuluan.


Alvin's POV

Iniwan ako ni Korrine sa labas. Kaya eto ako ngayon, basang basa sa ulan. Walang masisilungan. De joke lang.

Pagpasok ko sa school napansin ko si Brake na may dalang payong at towel. Para kanino naman yun? Nasa loob na sila Ceslie diba?

Lalabas na sana siya ng tawagin ko siya.

"Brake, san ka?" Mukhang basa din siya sa ulan.

"Nakita mo si Korrine?" Para kay korrine ba yung dala niya? Hindi ko alam na close pala sila.

"Ah. Nauna na eh, para sa kanya ba yan?" Tinuro ko yung towel at payong na dala niya. Pero tumawa lang siya.

"Para sayo yan pre. Pinapabigay ni Ces. Ge, una na ko." Para sakin? Eh alam naman ni Ceslie na may payong akong dala.

Dumiretso na ko sa locker at kinuha yung extra t-shirt ko. Hindi naman masyadong basa yung pants ko kaya t-shirt lang.

Pagkatapos kong mag-bihis dumiretso na ko sa room ko. Sayang lang at di ko kaklase si Ceslie. I texted her na nakapasok na ko para hindi na siya mag-alala. Kanina niya pa rin ako tinatawagan pero hindi ko masagot sagot.

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon