Forty-nine

310 32 12
                                    

Korrine's POV

Napaluhod ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko. Gusto kong saktan si Kirstin pero hindi ko magawa. Damn, paano niya nagawa lahat ng yon? Kahit kailan hindi ko siya pinagduduhan. Hindi ko lubos maisip na nakaya niya lahat ng yon dahil lang sa pagmamahal niya kay Brake.

"Korrine." Hingal na hingal si Brake ng lumapit siya sakin. Hinawakan niya ang mukha ko at iniangat ng kaunti. "Okay ka lang ba?" Tinanggal ko yung kamay niya sa mukha ko. Hindi ko maiwasang hindi mainis sa kanya. Matagal niya na bang alam lahat ng to? At isa pa, hindi siya nagparamdam sakin ng tatlong araw! Tapos maka-date pa siya?

"Alis." Tumayo ako at naglakad ng mabilis pero nahawakan niya ang kamay ko kaya hinila niya ko papalapit sa kanya at yinakap. "A-ano ba!" Eto na naman yung mga kabayong nagkakarerahan sa dibdib ko.

"Kahit sandali lang." Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko yung tibok ng puso niya. Shet! Hindi ko na alam ang salitang 'galaw.'

"A-ano bang nangyayari sayo? Sinapian ka ba?"

"May gusto lang akong malaman. Just shut your mouth." Umirap ako kahit hindi niya naman ako nakikita. Siya pa may ganang utusan ako?! Aish. Yung ganitong lalaki hindi dapat hinahayaang mapunta kay Kirstin. Ewan ko ba kay Kirstin, ang ganda niyang babae pero pinagsisiksikan niya yung sarili niya sa taong hindi naman siya kayang mahalin.

Ilang minuto din ang lumipas at lumuluwag na ang pagkakayakap niya sakin. Hindi kaya nakatulog na siya?

"Brake.."

"Shhh." Sabi ko nga mananahimik nalang ako. Bakit ba naman kasi ang kulit ko diba? Pero ang sarap sa pakiramdam na niyayakap niya ko. Feeling ko safe ko.

"Kapag ba sinabi kong gusto kita, iiwas ka?"

Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko ng mag-sink in sakin ang binulong ni Brake. A-anong.. GUSTO NIYA KO?! Sa sobrang gulat ko naitulak ko siya ng malakas. Damn! Bakit ba bigla bigla nalang siyang naging ganyan?! Para na tuloy lalabas yung puso ko sa dibdib ko!

"A-ano bang sinasabi mo jan ha?! Hindi ka nakakatuwa!" Inirapan niya ako at tinitigan sa mata. Nag-iwas naman agad ako. "Pwede ba? Wag mo nga kong pagtripan. May atraso ka pa sakin."

"Anong atraso?" Lalapit ulit sana siya sakin ng iharang ko yung kamay ko. "Wag kang lalapit." Mas okay narin to. Feeling ko pag lumapit pa siya sakin lalo lang magwawala tong puso ko.

"Anon gang atraso ko?" Sinamaan ko siya ng tingin. At talaga magkukunwari pa siyang hindi niya alam? Eh kung pukpukin ko kaya ng sandals yung utak niya para mag-function ng maigi diba?

"Hindi ka nagparamdam ng tatlong araw! Tapos malalaman ko may ka-date ka pa! How dare you?!" Wait, bakit parang kung umasta ako eh girlfriend niya ko?! What the hell Korrine! Umayos ka nga! Hindi mo dapat sinabi yang mga bagay na yan ano ka ba?! Ano nalang iisipin niya sayo? Aish!

"Sasabihin mo lang naman na namiss mo ko di mo pa magawa. At anong date?"

"Di kita namiss no. Well, nevermind. It doesn't matter at all. I need to go, bye." Naglakad ako ng mabilis ng mapansin kong nakasunod na naman siya. "Ano ba?!" Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit ka pa ba sumusunod?" Iritadong tanong ko sa kanya. Ang bilis na nga ng tibok ng puso ko tapos ayaw niya pang tumigil Pakiramdam ko talaga anytime sasabog na to eh.

"Hindi kita sinusundan. Saan ba ang daan papuntang parking lot?" Ngumisi lang siya at sumipol. Leche! May pa 'Paano kung sabihin kong gusto kita?" ka pang nalaman jan tapos iiwan mo lang ako dito mag-isa?! Heh leche!

Bawal na Pag-ibig [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon